Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Isaiah 12 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Awit ng Pasasalamat

1Sa araw na iyon, aawit kayo:“Panginoon, pinupuri ko kayo.Kahit na kayoʼy nagalit sa akin,lumipas na ito,at ngayon akoʼy inaaliw ninyo.

2Kayo, O Diyos,ang aking kaligtasan.Akoʼy magtitiwala at hindi matatakot.Kayo, Panginoon,ang sa akiʼy nagbibigay ng lakasat kayo rin ang aking awitin.Tunay ngang kayoang nagligtas sa akin.”

3Magagalak ka sa kaligtasangiyong mararanasan,tulad ng pag-inom mo ng tubigmula sa mga bukal.

4Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo:“Purihin ninyo ang Panginoon!Sambahin ninyo siya!Sabihin ninyo sa mga bansaang kanyang mga ginawa.Sabihin ninyong siyaʼy karapat-dapat purihin.

5Umawit kayo sa Panginoondahil kahanga-hangaang kanyang mga ginawa.Ipahayag ninyo ito sa buong mundo.

6Sumigaw kayo at umawit sa galak,kayong mga taga-Zion.Sapagkat makapangyarihanang Banal na Diyos ng Israelna nasa inyong piling.”

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]