Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 23 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Awit na isinulat ni David.

1Ang Panginoon ang aking pastol,hindi ako magkukulang ng anuman.

2Pinagpapahinga niya akosa malagong damuhan,inaakay niya ako patungosa tahimik na batisan.

3Binibigyan niya akong panibagong kalakasan.Pinapatnubayan niya akosa tamang daan,upang siyaʼy aking maparangalan.

4Dumaan man ako sa madilimna libis ng kamatayan,hindi ako matatakotdahil kayoʼy aking kasama.Ang inyong pamalo at tungkodang sa akiʼy umaaliw.

5Ipinaghahanda nʼyo ako ng pigingsa harap ng aking mga kaaway.Pinapahiran nʼyo ng langis ang aking ulo.At hindi nauubusan ng lamanang aking inuman.

6Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyoay mapapasaakinhabang akoʼy nabubuhay.At akoʼy maninirahansa inyong tahanan,aking Panginoon, magpakailanman.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]