Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 11 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Sa Panginoon ako kumakanlong.Ngunit sinasabi ninyo sa akin,“Tumakas ka papuntang kabundukan,lumipad kang tulad ng ibon.

2Inihanda na ng mga masasamaang kanilang mga pana,upang panain nang palihimang mga matutuwid.

3Ano ang magagawa ng mga matutuwidkung ang batas na pundasyon ng bayanay wala nang halaga?”

4Ang Panginoon ay nasa kanyang Templo;at nasa langit ang kanyang trono.Tinitingnan niya at sinisiyasatang lahat ng tao.

5Sinisiyasat niya ang matutuwidat masasamâ.Ngunit siyaʼy napopoot sa mga malulupit.

6Pauulanan niya ng lumalagablabna baga at asupre ang masasamâ;at ipapadala niya ang mainit na hanginna papaso sa kanila.

7Dahil ang Panginoon ay matuwidat siyaʼy nalulugod sa mga gawang mabuti.Kaya ang mga namumuhay nang tamaay makakalapit sa kanya.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]