Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 12 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng instrumentong may walong kuwerdas.

1Panginoon, tulungan po ninyo kami,dahil wala nang tapat sa inyo,at wala na ring naninindigansa katotohanan.

2Nagsisinungaling sila sa kanilang kapwa.Nambobola sila upang makapandaya ng iba.

3Patigilin sana ng Panginoonang mga nambobola,at ang mga mayayabang.

4Sinasabi nila,“Sa pamamagitan ng aming pananalitaay magtatagumpay kami.Sasabihin namin ang gusto naming sabihin,at walang sinumang makakapigil sa amin.”

5Sinabi ng Panginoon,“Kikilos ako! Nakikita ko ang kaapihan ng mga dukha,at naririnig ko ang iyakan ng mga naghihirap.Kayaʼt ibibigay ko sa kanilaang pinapangarap nilang kaligtasan.”

6Ang pangako ng Panginoon ay purong katotohanan,gaya ng purong pilak na pitong ulit na nilinissa nagliliyab na pugon.

7Panginoon, nalalaman naminna kami ay inyong iingatan,at ilalayo sa masamang henerasyong ito,magpakailanman.

8Nagkalat ang mga masasamâ,at pinupuri pa ng lahatang kanilang kasuklam-suklam na gawa.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]