Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 6 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng instrumentong may walong kuwerdas.

1O Panginoon, huwag nʼyo po akong sawayinkapag kayoʼy galit sa akin;Huwag nʼyo po akong parusahankapag kayoʼy napopoot sa akin.

2Akoʼy inyong kahabagan sa aking kahinaan,at pagalingin ang dumaraing kong kalamnan.

3Akoʼy labis na nababagabag.Hanggang kailan, O Panginoon,hanggang kailan ako magiging ganito?

4Panginoon akoʼy inyong dingginat akoʼy sagipin.Iligtas nʼyo ako sa kamatayanalang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin.

5Sapagkat ang patayay ʼdi ka na maaalala.Sa mundo ng mga pataywala nang makakapagpuri pa.

6Akoʼy pagod na sa sobrang pagdaing.Gabi-gabiʼy basa ng luhaang aking higaan;sa pag-iyak koʼy basang-basaang aking unan.

7Ang paningin koʼy nanlalabodahil sa sobrang lungkot ko;Ang mga mata koʼy namumugtodahil sa mga kaaway ko.

8Layuan nʼyo ako,kayong gumagawa ng masama,sapagkat dininig na ng Panginoonang aking pag-iyak.

9Narinig niya ang paghingi ko ng tulong,at sasagutin niya ang aking dalangin.

10Mapapahiya at matatakotang lahat ng aking kaaway;Bigla silang tatakas dahil sa sobrang kahihiyan.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]