Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 4 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng mga instrumentong may kuwerdas.

1Ang panawagan koʼy iyong dinggin,O Diyos na nagtatanggol sa akin.Akoʼy bigyang kaginhawahansa panahon ng aking kagipitan.Akoʼy inyong kahabagan,panalangin ko ay pakinggan.

2Kayong mga tao,kailan kayo titigil sa paninirang-puri sa akin?Hanggang kailan ninyo iibiginang mga bagay na walang kabuluhanat susundin ang mga bulaan?

3Tandaan ninyo:Ibinukod ng Panginoon ang kanyang mga hinirang.Kapag akoʼy tumawag sa kanya,akoʼy pakikinggan niya.

4Kapag kayoʼy nagagalit,huwag kayong magkakasala.Magbulay-bulay nang may katahimikanhabang kayoʼy nakahiga sa higaan.

5Ialay sa Panginoon ang mga nararapat na handogat magtiwala sa kanya.

6Marami ang nagsasabi,“Sino ang magpapakita sa atin ng mabuti?”Panginoon, ipakita po ninyo sa aminang inyong kabutihan!

7Labis na kagalakan ang inyong ibinigay sa akin,higit pa sa kanila na sagana sa pagkain at inumin.

8Sa aking pagtulog, panatag ang aking loob,sapagkat kayo, Panginoon, ang nakabantay sa akin.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]