Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 3 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Awit na isinulat ni David nang takasan niya ang kanyang anak na si Absalom.

1Panginoon, kay dami kong kaaway;kay daming kumakalaban sa akin!

2“Hindi siya ililigtas ng Diyos.”Iyan ang sinasabi ng karamihan tungkol sa akin.

3Ngunit kayo Panginoon ang aking kalasag.Pinagtatagumpay ninyo ako,at ibinabalik ang aking pag-asa.

4Tumawag ako sa inyo, Panginoonat sinagot nʼyo akomula sa inyong banal na bundok.

5At dahil iniingatan nʼyo ako,nakakatulog ako at nagigising pa.

6Hindi ako matatakotkahit ilang libo pang kaawayang nakapalibot sa akin.

7Pumarito kayo, Panginoon!Iligtas nʼyo ako, Diyos ko,dahil noon ay inilagay nʼyo sa kahihiyanang lahat ng mga kaaway ko,at inalis mo sa mga masamang taoang kanilang kakayahang saktan ako.

8Kayo, Panginoon, ang nagliligtas.Kayo rin po ang nagpapalasa inyong mga mamamayan.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]