Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 1 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Unang Aklat

1Pinagpala ang taong hindi namumuhayayon sa payo ng masasamao sumusunod sa maling halimbawang mga makasalanan,at hindi nakikisamasa mga taong mapangutya.

2Sa halip ay nagagalak siyang sumunodsa mga aral mula sa Panginoon,at kanyang pinagbubulay-bulayanang mga ito araw-gabi.

3Siyaʼy katulad ng isang punongkahoyna itinanim sa tabi ng sapa,namumunga sa takdang panahonat hindi nalalanta ang mga dahon.Magtatagumpay siyasa anumang gagawin niya.

4Ngunit iba ang mga taong masama;silaʼy tulad ng ipana tinatangay ng hangin.

5Sa araw ng paghatol,silaʼy parurusahanat ihihiwalay sa matutuwid.

6Sapagkat pinapatnubayan ng Panginoonang matutuwid,ngunit ang buhay ng taong masamaay hahantong sa kapahamakan.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]