Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 8 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng isang uri ng instrumento o inaawit ayon sa isang uri ng tono.

1O Panginoon, aming Panginoon,ang kadakilaan ng inyong pangalansa buong mundo ay matutunghayan,at ipinakita nʼyo ang inyong kaluwalhatianhanggang sa kalangitan.

2Kahit ang mga bata at sanggolsa inyoʼy nagpupuri;Kaya ang inyong mga kaawayay napapahiya at tumatahimik.

3Kapag akoʼy tumitingalasa langit na inyong nilikha,at aking pinagmamasdan ang buwanat mga bituin sa kanilang kinalalagyan,

4akoʼy napapatanong,“Ano ba ang tao upang inyong alalahanin?Sino nga ba siya upang inyong kalingain?”

5Ginawa ninyong mas mababakaysa sa mga anghelang kanyang kalagayan.Ngunit kinoronahan nʼyo siyang kaluwalhatian at karangalan.

6Ipinamahala nʼyo sa aminang inyong mga nilalang,at ipinasailalim sa aminang lahat ng bagay:

7mga tupa, mga bakaat lahat ng mga mababangis na hayop,

8ang mga ibon sa himpapawid,mga isda sa dagatat lahat ng lumalangoy doon.

9O Panginoon, aming Panginoon,ang kadakilaan ng inyong pangalansa buong mundo ay natutunghayan.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]