Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 18 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Whoever isolates himself pursues his own desire; he lashes out against all sound wisdom. Ang taong makasarili ay humihiwalay sa karamihan at sumasalungat sa lahat ng tamang kaisipan.
2 A fool takes no pleasure in understanding, but only in airing his own opinions. Ang taong hangal ay hindi naghahangad na matuto; ang gusto lang niya ay masabi ang nasa isipan.
3 When wickedness comes, contempt comes too, and with dishonor comes reproach. Ang paggawa ng kasamaan at nakakahiyang mga bagay ay makapagbibigay ng kahihiyan.
4 The words of a person's mouth are deep waters; the fountain of wisdom is a flowing stream. Ang salita ng taong marunong ay nakapagbibigay ng karunungan sa iba; ito ay katulad ng tubig na umaagos mula sa malalim na batis.
5 It is not good to show partiality to the wicked, denying justice to the righteous. Hindi mabuting kampihan ang taong nagkasala at hindi mabuting ipagkait ang katarungan sa taong walang kasalanan.
6 A fool's lips bring strife, and his mouth invites a beating. Ang sinasabi ng taong hangal ang pinagsisimulan ng alitan at magdadala sa kanya sa kaguluhan.
7 A fool's mouth is his ruin, and his lips are a snare to his soul. Ang mga sinasabi ng hangal ang magpapahamak sa kanya at ang kanyang mga labi ay bitag sa kanyang buhay.
8 The words of a gossip are like choice morsels; they go down into the inmost being. Ang tsismis ay parang pagkaing masarap nguyain at lunukin; at nakakarating sa kaloob-looban ng tao.
9 Whoever is slack in his work is brother to one who destroys. Ang taong tamad magtrabaho, pareho ng mapanirang tao.
10 The name of our Father is a strong tower; the righteous runs into it and is safe. Ang Panginoon ay katulad ng toreng matibay, kanlungan ng mga matuwid sa oras ng panganib.
11 A rich man's wealth is his fortified city; in his imagination it is like a high wall. Ang akala ng taong mayaman ay maipagtatanggol siya ng kanyang kayamanan tulad ng mga pader na nakapalibot sa buong bayan.
12 Before destruction the human heart is proud, but humility comes before honor. Ang pagmamataas ng tao ang magpapahamak sa kanya, ngunit ang pagpapakumbaba ang magpaparangal sa kanya.
13 If one answers before he listens, it is his foolishness and his shame. Hangal at kahiya-hiya ang taong sumasagot sa usapan nang hindi muna nakikinig.
14 A person's spirit can sustain him through sickness, but a crushed spirit—who can bear it? Sa taong may karamdaman, tatag ng loob ang magbibigay kalakasan. Kung mawawalan siya ng pag-asa, wala nang makakatulong pa sa kanya.
15 The discerning heart acquires knowledge, and the ear of the wise seeks it out. Ang taong marunong at nakauunawa ay lalo pang naghahangad ng karunungan.
16 A person's gift opens the way for him and brings him before important people. Madaling makikipagkita sa iyo ang dakilang tao kapag may dala kang regalo para sa kanya.
17 The first to state his case seems right, until another comes and examines him. Ang unang naglahad ng salaysay sa korte ay parang iyon na ang totoo, hanggang hindi pa nasusuri at natatanong ng kabilang panig.
18 Casting the lot settles disputes and separates strong opponents. Napapatigil ng palabunutan ang mga alitan, at pinagkakasundo ang mahigpit na magkalaban.
19 An offended brother is harder to win than a fortified city, and disputes are like the bars of a fortress. Mas madali pang sakupin ang isang napapaderang bayan kaysa sa makipagbati sa kapatid na nasaktan. Kung paanong mahirap wasakin ang mga kandado ng tarangkahan ng palasyo, mahirap din pigilin ang alitan ng dalawang tao.
20 From the fruit of a person's mouth his stomach is satisfied; with the yield of his lips he is filled. Sa bunga ng bibig ng tao, mabubusog ang kanyang tiyan. At sa kahihinatnan ng salitang kanyang binibitawan, siya ay nasisiyahan.
21 Death and life are in the power of the tongue, and those who love it will eat its fruit. Ang salita ng tao ay makapagliligtas ng buhay o kaya ay nakamamatay. Kaya mag-ingat sa pagsasalita sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.
22 He who finds a wife finds what is good and receives favor from our Father. Kung nakapag-asawa ka, nakatanggap ka ng kabutihan, at ito ang nagpapakita na mabuti ang Panginoon sa iyo.
23 The poor person pleads for mercy, but the rich answers harshly. Nakikiusap ang dukha, ngunit ang mayaman ay masakit magsalita.
24 A man of many companions may come to ruin, but there is a friend who sticks closer than a brother. May mga kaibigang nagdudulot ng kapahamakan ngunit may kaibigan mas malapít pa kaysa sa kapatid.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]