Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 19 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Better is a poor person who walks in his integrity than one whose words are crooked and is a fool. Mas mabuti pa ang mahirap na namumuhay nang matuwid kaysa sa hangal na sinungaling.
2 Also, desire without knowledge is not good, and whoever acts in haste misses the way. Maging masigasig ka man ngunit walang nalalaman, wala rin itong kabuluhan. Kapag ikaw naman ay pabigla-bigla madali kang magkakasala.
3 A person's own foolishness ruins his way, yet his heart rages against our Father. Kamangmangan ng tao ang nagpapahamak sa kanyang sarili, at pagkatapos sa Panginoon ibinabaling ang sisi.
4 Wealth adds many friends, but the poor is separated from his friend. Ang mayaman ay maraming kaibigan, ngunit ang mahirap namaʼy iniiwanan ng kaibigan.
5 A false witness will not go unpunished, and one who breathes out lies will not escape. Ang saksing sinungaling ay parurusahan, at ang nagsisinungaling ay hindi makakatakas sa kaparusahan.
6 Many seek the favor of a generous person, and everyone is a friend to one who gives gifts. Marami ang lumalapit sa pinunong mabait, at sa mapagbigay ang lahat ay nakikipagkaibigan.
7 All the brothers of a poor person hate him; how much more do his friends keep far from him! He calls after them, but they are gone. Ang mahihirap ay iniiwasan ng mga kamag-anak, at lalo na ng mga kaibigan. Kapag sila ay kailangan, hindi sila matagpuan.
8 Whoever gets wisdom loves his own soul; whoever guards understanding will find good. Ang taong nagsisikap na magkaroon ng karunungan ay nagmamahal sa sarili, at ang nagpapahalaga sa pang-unawa ay uunlad.
9 A false witness will not go unpunished, and one who breathes out lies will perish. Ang hindi tapat na saksi ay parurusahan, at ang sinumang nagsisinungaling ay mapapahamak.
10 Luxury is not fitting for a fool—much less for a servant to rule over princes. Hindi bagay sa taong mangmang ang mamuhay sa karangyaan, at mas lalong hindi bagay sa isang alipin ang mamuno sa mga pinuno.
11 The good sense of a person makes him slow to anger, and it is his glory to overlook an offense. Ang karunungan ng isang tao ay nagbubunga ng kahinahunan; ang pagbabalewala sa kasalanan ng iba ay karangalan niya.
12 A king's wrath is like the roaring of a lion, but his favor is like dew on the grass. Ang galit ng hari ay parang atungal ng leon, ngunit ang kanyang kabutihan ay tulad ng hamog na bumabasa sa mga halaman.
13 A foolish son is ruin to his father, and a wife's quarreling is a continual dripping. Ang anak na hangal ay kapahamakan sa kanyang ama. Ang bungangerang asawa ay tulad ng tulo na walang tigil.
14 House and wealth are an inheritance from one's ancestors, but a prudent wife is from our Father. Bahay at kayamanan sa magulang ay namamana, ngunit ang Panginoon lang ang nagbibigay ng maalam na asawa.
15 Laziness casts into deep sleep, and an idle person will go hungry. Kung ikaw ay tamad at tulog lang nang tulog, magugutom ka.
16 Whoever keeps the commandment keeps his life; whoever despises his ways will die. Mabubuhay nang matagal ang taong sumusunod sa kautusan, ngunit ang suwail ay hahantong sa kamatayan.
17 Whoever is generous to the poor lends to our Father, and our Father will repay him for his deed. Ang tumutulong sa mahirap ay parang nagpapautang sa Panginoon, dahil ang Panginoon ang magbabayad sa kabutihang ginawa niya.
18 Discipline your son while there is hope, and do not set your heart on his destruction. Ituwid mo ang iyong anak habang may panahon pa. Kung hindi mo siya itutuwid, ikaw na rin ang nagpahamak sa kanya.
19 A person of great wrath must pay the penalty; for if you rescue him, you will only have to do it again. Hayaan mong maparusahan ang taong magagalitin, dahil kapag tinulungan mo siya nang minsan, paulit-ulit mo lang siyang tutulungan.
20 Listen to counsel and accept discipline, that you may gain wisdom in the days to come. Dinggin mo at sundin ang mga payo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali, at sa bandang huli ay magiging marunong ka.
21 Many are the plans in a person's heart, but it is the counsel of our Father that will stand. Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng Panginoon ang masusunod.
22 What is desired in a person is covenant love, and a poor person is better than a liar. Ang gusto natin sa isang tao ay matapat. Mas mabuti pang maging mahirap kaysa maging sinungaling.
23 The fear of our Father leads to life, and whoever has it rests satisfied, untouched by harm. Ang pagkatakot sa Panginoon ay magdudulot ng mahabang buhay, kasapatan, at kaligtasan sa kapahamakan.
24 The sluggard buries his hand in the dish and will not even bring it back to his mouth. May mga taong sobrang batugan na kahit ang kumain ay kinatatamaran.
25 Strike a mocker, and the simple will learn prudence; reprove a person of understanding, and he will gain knowledge. Parusahan mo ang mapanuya upang matutong mag-ingat ang wala sa katinuan. Pagsabihan mo ang may unawa at lalo siyang magiging marunong.
26 Whoever does violence to his father and drives away his mother is a son who brings shame and disgrace. Sinumang nagmamalupit sa kanyang ama o di kayaʼy nagpapalayas sa kanyang ina ay isang anak na sumisira sa kanyang pangalan at nagdudulot ng kahihiyan sa bayan.
27 Stop listening to instruction, my son, and you will stray from the words of knowledge. Anak, kung hindi ka makikinig sa mga pangaral upang maituwid ang iyong pag-uugali, tinatanggihan mo ang mga turo na nagbibigay ng karunungan.
28 A worthless witness mocks at justice, and the mouth of the wicked gulps down wickedness. Ang saksing sinungaling ay humahamak sa katarungan, at ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan.
29 Punishment is prepared for mockers, and beatings for the backs of fools. Sa mga mapanuya ay may hatol na nakalaan, at hagupit naman ang nakahanda para sa mga hangal.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]