Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 20 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Wine is a mocker, strong drink a brawler, and whoever staggers under it is not wise. Ang alak ay nagbubunga ng panunuya, inuming matapang na dulot ay kaguluhan, kaya ang taong naglalasing ay salat sa karunungan.
2 The terror of a king is like the growl of a lion; whoever provokes him to anger forfeits his own life. Ang poot ng hari ay nakakasindak tulad ng atungal ng leon. Manganganib ang buhay ng gumagalit sa kanya.
3 It is an honor for a person to keep clear of strife, but every fool is quick to quarrel. Ang pag-iwas sa gulo ay tanda ng karangalan; ang hangal lang ang may gusto ng kaguluhan.
4 A lazy person will not plow in autumn; so at harvest he looks for a crop and finds nothing. Ang taong tamad mag-araro sa panahon ng pagtatanim ay walang makukuha pagdating ng anihan.
5 The purposes of a person's heart are deep waters, but one who has understanding draws them out. Ang isipan ng tao ay tulad ng tubig sa balong malalim, kaya itong igibin ng taong marunong.
6 Many a person proclaims his own loyal love, but a faithful one—who can find? Marami ang nagsasabing sila ay tapat, ngunit ang totooʼy mahirap makahanap ng taong tunay na mapagkakatiwalaan?
7 The righteous walk in their integrity; blessed are their children after them! Ang taong matuwid ay walang kapintasan. Mapalad ang mga anak niya kung siya ang kanilang tinutularan.
8 A king seated on the throne of judgment winnows out all evil with his eyes. Kapag ang hari ay humahatol, tinitiyak muna niya kung sino ang gumawa ng masama.
9 Who can say, "I have kept my heart pure; I am cleansed from my sin"? Sino ang makapagsasabing, “Napanatili kong malinis ang aking puso. Busilak ito at walang kasalanan.”
10 Unequal weights and unequal measures—our Father detests them both. Ang madadayang timbangan at sukatan, sa paningin ng Panginoon ay kasuklam-suklam.
11 Even a child is known by his actions, by whether his conduct is pure and upright. Ang mga ginagawa ng isang kabataan ay nagpapakita ng kanyang tunay na pag-uugali, kung siya ba ay matuwid o hindi.
12 The hearing ear and the seeing eye—our Father made them both. Ang taingang nakakarinig at matang nakakakita ay ang Panginoon ang siyang gumawa.
13 Do not love sleep, or you will grow poor; open your eyes, and you will have plenty of bread. Kung tulog ka nang tulog maghihirap ka, ngunit kung magsisikap ka, ang iyong pagkain ay sasagana.
14 "Worthless, worthless!" says the buyer—then off he goes and boasts of his bargain. Pinipintasan ng mamimili ang kanyang binibili upang makatawad siya. Ngunit kung itoʼy nabili na ay ipinagyayabang pa.
15 There is gold and an abundance of jewels, but lips that speak knowledge are a rare treasure. Marami ang ginto at mamahaling bato, ngunit iilan lamang ang nakapagsasalita nang may karunungan.
16 Take the garment of one who puts up security for a stranger; hold it as a pledge when he does so for foreigners. Kung may taong nangako na babayaran niya sa iyo ang utang ng taong hindi niya kilala, tiyakin mong makakakuha ka sa kanya ng garantiya, upang makatiyak kang babayaran ka niya.
17 Bread gained by deceit tastes sweet, but afterward the mouth is full of gravel. Ang pagkaing nakuha sa pandaraya sa una ay matamis ang lasa, ngunit sa huli ay lasang buhangin na.
18 Plans are established by counsel; so wage war only with wise guidance. Humingi ka ng payo sa iyong pagpaplano o bago makipaglaban sa digmaan.
19 A gossip betrays a confidence; so do not keep company with a babbler. Ang taong masalita nagbubunyag ng sikreto, kaya iwasan mo ang ganyang uri ng tao.
20 Whoever curses his father or mother—his lamp will be snuffed out in deepest darkness. Mamamatay ang sinumang sumumpa sa kanyang magulang, para siyang ilaw na namatay sa gitna ng kadiliman.
21 An inheritance gained too quickly at the start will not be blessed in the end. Ang mana na kinuha ng maaga sa bandang huliʼy hindi magiging pagpapala.
22 Do not say, "I will pay back evil for evil." Wait for our Father, and he will deliver you. Huwag kang maghiganti. Magtiwala ka sa Panginoon, at tutulungan ka niya.
23 Our Father detests unequal weights, and dishonest scales are no good. Nasusuklam ang Panginoon sa mga nandadaya sa timbangan. Hindi ito mabuting gawain.
24 A person's steps are directed by our Father; how then can anyone understand his own way? Ang Panginoon ang nagkaloob nitong ating buhay, kaya hindi natin alam ang ating magiging kapalaran.
25 It is a trap to rashly dedicate something and only later reconsider the vow. Bago mangako sa Diyos ay isiping mabuti, baka magsisi ka sa bandang huli.
26 A wise king winnows out the wicked and drives the threshing wheel over them. Tinitiyak ng isang matalinong hari na malaman kung sino ang gumagawa ng kasamaan at pagkatapos, silaʼy parurusahan.
27 The human spirit is the lamp of our Father, searching every inmost part. Ang espiritu ng tao ay parang ilaw ng Panginoon na sumisiyasat sa kaloob-looban ng pagkatao.
28 Loyal love and faithfulness preserve a king; by loyal love his throne is upheld. Ang haring mabuti at tapat ay hindi mapapahamak, at magtatagal siya sa kanyang luklukan.
29 The glory of the young is their strength, but the splendor of the old is gray hair. Karangalan ng kabataan ang kanilang kalakasan, at karangalan naman ng matatanda ang kanilang katandaan.
30 Wounding blows scrub away evil, and beatings cleanse the inmost parts. Kung minsan ang parusa ay nagdudulot ng mabuti upang magbago tayo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]