Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 21 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The king's heart is a stream of water in our Father's hand; he turns it wherever he pleases. Ang isipan ng hari ay parang ilog na pinapadaloy ng Panginoon saan man niya naisin.
2 Every way of a person seems right in their own eyes, but our Father weighs the heart. Inaakala ng tao na tama ang lahat ng kanyang ginagawa, ngunit sinisiyasat ng Panginoon kung ano ang nasa puso.
3 To do what is right and just is more pleasing to our Father than sacrifice. Ang paggawa ng matuwid at makatarungan ay kalugod-lugod sa Panginoon kaysa sa paghahandog.
4 Haughty eyes and a proud heart—the lamp of the wicked—are sin. Ang mapagmataas na mata at mayabang na puso, ang ilaw ng mga masasama ay kasalanan. Ganyan ang ugali ng mga taong makasalanan.
5 The plans of the diligent lead surely to abundance, but all who are hasty end up in poverty. Ang gawaing plinanong mabuti at pinagsikapan ay patungo sa kaunlaran, ngunit ang gawaing padalos-dalos ay maghahatid ng karalitaan.
6 Making a fortune by a lying tongue is a fleeting vapor, a deadly trap. Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling mawala at maaaring humantong sa maagang kamatayan.
7 The violence of the wicked will drag them away, because they refuse to do what is just. Ang karahasan ng masasamâ ang magpapahamak sa kanila, sapagkat ayaw nilang gawin ang tama.
8 The way of the guilty is crooked, but the conduct of the pure is upright. Hindi matuwid ang gawain ng taong may kasalanan, ngunit matuwid ang gawain ng taong walang kasalanan.
9 Better to live in a corner of the roof than in a shared house with a quarrelsome wife. Mas mabuti pang tumirang mag-isa sa bubungan ng bahay kaysa sa loob ng bahay na ang kasama ay asawang palaaway.
10 The soul of the wicked craves evil; their neighbor finds no mercy in their eyes. Ang masasamâ ay laging gustong gumawa ng masama at sa kanilang kapwa ay wala silang awa.
11 When a mocker is punished, the simple grow wise; when the wise are instructed, they gain knowledge. Kapag ang manunuya ay pinarusahan mo, ang mga wala sa katinuan ay matututo. Kapag ang marunong naman ang tinuruan mo, lalo siyang magiging matalino.
12 Our Father, the Righteous One, observes the house of the wicked and brings the wicked to ruin. Alam ng matuwid na Diyos kung ano ang ginagawa ng sambahayan ng masasamâ, at parurusahan niya sila.
13 Whoever shuts their ears to the cry of the poor will also cry out and not be answered. Ang hindi pumansin sa daing ng mahirap, kapag siya naman ang dumaing ay walang lilingap.
14 A gift given in secret soothes anger, and a bribe slipped into the cloak calms strong wrath. Kapag ang kapwa mo ay may galit sa iyo, mawawala iyon sa palihim na regalo.
15 When justice is done, it is a joy to the righteous but terror to those who do evil. Kapag katarungan ang umiiral, ang mga matuwid ay natutuwa, ngunit natatakot ang masasama.
16 A person who strays from the way of understanding will rest in the assembly of the dead. Ang taong lumilihis sa karunungan ay hahantong sa kamatayan.
17 Whoever loves pleasure will become poor; whoever loves wine and oil will never grow rich. Ang taong maluho at puro pagdiriwang ay hindi yayaman kundi lalo pang maghihirap.
18 The wicked become a ransom for the righteous, and the treacherous for the upright. Pinarurusahan ang masasama at makasalanan upang iligtas ang taong matuwid.
19 Better to live in a desert land than with a quarrelsome and complaining wife. Mas mabuti pang manirahan sa disyerto kaysa manirahan sa bahay na kasama ang asawang magagalitin at palaaway.
20 Precious treasure and oil are in the home of the wise, but a fool devours all he has. Ang taong marunong ay pinaghahandaan ang kanyang kinabukasan, ngunit ang mangmang, winawaldas ang lahat hanggang sa maubusan.
21 Whoever pursues righteousness and faithful love will find life, righteousness, and honor. Ang taong namumuhay sa katuwiran at kabutihan ay hahaba ang buhay, magtatagumpay at pararangalan.
22 A wise person scales the city of the mighty and brings down the stronghold they trust in. Mapapasuko ng matalinong pinuno ang bayan na maraming sundalo, at kaya niyang gibain ang mga pader na kanilang inaasahang tanggulan.
23 Whoever guards their mouth and tongue keeps themselves out of trouble. Ang taong nag-iingat sa kanyang mga sinasabi ay nakakaiwas sa gulo.
24 "Mocker" is the name of the proud and arrogant who acts with outrageous insolence. Ang taong palalo at mayabang ay makikilala mo dahil nangungutya siya at sukdulan ang kayabangan.
25 The craving of a lazy person kills him, for his hands refuse to work. Kung marami kang ninanais ngunit tamad kang magtrabaho, iyon ang sisira sa iyo.
26 All day long the craving grows, but the righteous give and do not hold back. Ang taong tamad ay laging naghahangad na makatanggap, ngunit ang taong matuwid ay nagbibigay nang walang alinlangan.
27 The sacrifice of the wicked is detestable—how much more when brought with evil intent. Kinasusuklaman ng Panginoon ang handog ng taong masama, lalo na kung ihahandog niya ito nang may layuning masama.
28 A false witness will perish, but whoever listens will testify with lasting effect. Patitigilin sa pagsasalita ang saksing bulaan, ngunit ang saksing nagsasabi ng totoo ay pakikinggan.
29 The wicked put on a bold face, but the upright give thought to their ways. Ang taong masama ay hindi pinag-iisipan ang kanyang ginagawa, ngunit ang taong matuwid ay pinag-iisipan muna nang mabuti ang kanyang ginagawa.
30 There is no wisdom, no understanding, no counsel that can stand against our Father. Walang karunungan, pang-unawa o payo ang makakapantay sa Panginoon.
31 The horse is made ready for the day of battle, but victory belongs to our Father. Kahit nakahanda na ang mga kabayo para sa digmaan, ang Panginoon pa rin ang nagbibigay ng katagumpayan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]