Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 17 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Better a dry crust eaten in peace than a house full of feasting with strife. Ang kaunting pagkain na pinagsasaluhan nang may kapayapaan ay higit na mabuti kaysa sa saganang pagkain ngunit may alitan.
2 A prudent servant will rule over a disgraceful son and will share the inheritance among the brothers. Pamumunuan ng maalam na lingkod ang nakakahiyang anak ng kanyang amo at sa kanilang mamanahin makakabahagi pa ito.
3 The crucible is for silver and the furnace for gold, but our Father tests hearts. Sinusubok ng Panginoon ang puso katulad ng apoy na sumusubok sa pilak at ginto.
4 An evildoer listens to wicked lips; a liar listens to a destructive tongue. Ang taong masama ay gustong makinig sa kapwa niya masama, at ang taong sinungaling ay gustong makinig sa kapwa niya sinungaling.
5 Whoever mocks the poor insults his Maker; whoever gloats over disaster will not go unpunished. Ang kumukutya sa mahihirap ay inaalipusta ang kanyang Manlilikha. Ang taong nagagalak sa kapahamakan ng iba ay parurusahan.
6 Grandchildren are the crown of the aged, and the glory of children is their parents. Karangalan ng mga loloʼt lola ang kanilang mga apo, gayon din naman, karangalan ng mga anak ang kanilang mga magulang.
7 Fine speech is not fitting for a fool—still less are lying lips for a noble. Hindi bagay sa hangal ang magsalita ng mabuti, at lalong hindi bagay sa isang namumuno ang magsinungaling.
8 A bribe seems like a magic charm to the one who gives it; wherever he turns, he thinks he will succeed. Sa tingin ng iba ang suhol ay parang salamangka na magagawa ang kahit anumang bagay.
9 Whoever covers an offense seeks love, but whoever keeps bringing it up separates close friends. Kung patatawarin mo ang kasalanan ng iyong kaibigan, mananatili ang inyong samahan, ngunit kung patuloy mong uungkatin ang kanyang kasalanan, masisira ang inyong pagkakaibigan.
10 A rebuke goes deeper into a person of understanding than one hundred blows into a fool. Sa isang saway lang natututo ang taong may pang-unawa, ngunit ang taong mangmang ay hindi natututo hampasin mo man nang walang awa.
11 A rebellious man seeks only evil, and a cruel messenger will be sent against him. Laging naghahanap ng gulo ang taong masama, kaya ipapadala laban sa kanya ang isang taong malupit na magpaparusa sa kanya.
12 Better to meet a bear robbed of her cubs than a fool in his foolishness. Mas mabuti pang masalubong mo ang isang osong inagawan ng anak kaysa sa hangal na gumagawa ng kahangalan.
13 If anyone returns evil for good, evil will never leave his house. Kapag kasamaan ang iginanti mo sa kabutihang ginawa sa iyo, palaging may masamang mangyayari sa sambahayan mo.
14 Starting a quarrel is like breaching a dam, so drop the dispute before it bursts out. Ang simula ng away ay katulad ng butas sa isang dike, kailangang tapalan bago lumaki.
15 Whoever justifies the wicked and whoever condemns the righteous—both alike are detestable to our Father. Kasuklam-suklam sa Panginoon ang taong nagpaparusa sa taong walang kasalanan o nagpapalaya sa taong may kasalanan.
16 Why should a fool have money in hand to buy wisdom, when he has no heart to learn? Walang kabuluhang pag-aralin ang taong hangal sapagkat hindi naman niya hinahangad ang matuto.
17 A friend loves at all times, and a brother is born for a time of trouble. Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at nagkakaroon tayo ng kapatid para sa kagipitan ay tumulong.
18 One who lacks sense shakes hands on a pledge and puts up security for his neighbor. Ang taong nangakong managot sa utang ng iba ay kulang sa karunungan.
19 Whoever loves wrongdoing loves strife; whoever builds his gate high invites destruction. Ang taong gusto ng kasalanan ay gusto rin ng kaguluhan. At ang taong mayabang ay naghahanap ng kapahamakan.
20 A crooked heart finds no good, and a twisted tongue falls into trouble. Hindi uunlad ang taong baluktot ang pag-iisip, at ang taong sinungaling ay daranas ng kasawian.
21 Whoever fathers a fool brings grief on himself; the father of a godless fool has no joy. Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kalungkutan at kabiguan sa magulang.
22 A joyful heart is good medicine, but a crushed spirit dries up the bones. Ang pagiging masayahin ay parang gamot na nakabubuti sa katawan, ngunit ang pagiging malungkutin ay nagpapahina ng katawan.
23 A wicked man takes a bribe in secret to pervert the ways of justice. Ang taong masama ay tumatanggap ng suhol upang ipagkait ang makatarungang hatol.
24 A discerning person keeps wisdom in view, but the eyes of a fool wander to the ends of the earth. Ang taong may pang-unawa ay naghahangad pa ng karunungan; ngunit ang isip ng mangmang ay pagala-gala.
25 A foolish son is a grief to his father and bitterness to the mother who bore him. Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kapaitan at kalungkutan sa kanyang mga magulang.
26 To punish the righteous is not good, nor to flog the noble for their integrity. Hindi mabuti na parusahan ang taong matuwid o ang taong marangal.
27 Whoever holds back his words has knowledge, and one with a calm spirit is a person of understanding. Ang taong marunong at nakakaunawa ay maingat magsalita at hindi padalos-dalos.
28 Even a fool who keeps silent is thought wise; when he closes his lips, he seems discerning. Kahit ang mangmang ay parang marunong at nakakaunawa kapag tahimik.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]