Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 16 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The plans of the heart belong to man, but the answer of the tongue comes from our Father. Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang Panginoon ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi.
2 All a man's ways are pure in his own eyes, but our Father weighs the motives. Ang akala ng taoʼy mabuti ang kanyang mga ginagawa, ngunit sinusuri ng Panginoon ang tunay na hangarin niya.
3 Commit your works to our Father, and your plans will be established. Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang mga gagawin mo, at magtatagumpay ka sa iyong mga plano.
4 Our Father has made everything for its purpose, even the wicked for the day of trouble. Ang lahat ay nilikha ng Panginoon na mayroong layunin, kahit na nga ang masasamâ, itinalaga sila para sa kapahamakan.
5 Everyone proud of heart is detestable to our Father; be assured, he will not go unpunished. Kinasusuklaman ng Panginoon ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan.
6 Loving devotion and faithfulness atone for sin, and the fear of our Father turns a person away from evil. Kung minamahal natin ang Panginoon nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makakalayo tayo sa kasamaan.
7 When a man's ways please our Father, our Father makes even the man's enemies live at peace with him. Kapag kinalulugdan ng Panginoon ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan.
8 Better a little with righteousness than great income with injustice. Mas mabuti pa ang kaunting halaga na kinita sa matuwid na paraan, kaysa sa malaking halaga na kinita nang hindi makatarungan.
9 The heart of man plans his way, but our Father establishes his steps. Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.
10 A divine verdict is on the lips of a king; his mouth does not betray justice. Ang haring pinapatnubayan ng karunungan ng Panginoon, ay palaging tama ang paghatol.
11 Honest scales and balances belong to our Father; every weight and measure is his work. Matapat na timbangan at walang dayang sukatan ang nais ng Panginoon sa kalakalan. Ang tamang bigat ang kanyang pamantayan.
12 It is detestable for kings to do wickedness, for a throne is established through righteousness. Sa mga hari ay kasuklam-suklam ang paggawa ng kasamaan, dahil magpapatuloy lamang ang kanilang pamamahala kung sila ay makatuwiran.
13 Righteous lips are the delight of kings, and they love the one who speaks what is right. Nalulugod ang mga hari sa mga taong hindi nagsisinungaling; minamahal nila ang mga taong nagsasabi ng katotohanan.
14 A king's wrath is a messenger of death, but a wise man will appease it. Kapag ang hari ay nagalit maaaring may masawi, kaya sinisikap ng taong matalino na malugod ang hari.
15 In the light of a king's face is life, and his favor is like a cloud bringing the spring rain. Kapag ang hari ay ngumingiti, katumbas nito ay buhay. Kapag ang hari ay nalulugod, katulad nitoʼy ulan sa tagsibol.
16 How much better to get wisdom than gold! Getting understanding is worth more than silver. Higit na mabuti ang magkaroon ng karunungan at pang-unawa, kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto.
17 The highway of the upright turns away from evil; whoever guards his way protects his life. Ang daan ng matuwid ay lumilihis sa kasamaan; silang maingat sa kanilang landas ay naililigtas ang kanilang buhay.
18 Pride goes before destruction, and a haughty spirit before a fall. Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak.
19 Better to be lowly in spirit among the poor than to share the plunder with the proud. Mas mabuti pang magpakumbaba kasama ng mga mahihirap kaysa makibahagi sa kayamanang kinamkam ng mga mayayabang.
20 Whoever heeds the word will find good, and blessed is the one who trusts in our Father. Ang taong nakikinig kapag tinuturuan ay uunlad, at ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay mapalad.
21 The wise of heart is called discerning, and pleasant speech increases persuasiveness. Ang marunong ay kinikilalang may pang-unawa, at kung siyaʼy magaling magsalita marami ang matututo sa kanya.
22 Understanding is a fountain of life to the one who has it, but fools are corrected by their own foolishness. Kapag may karunungan ka, buhay moʼy bubuti at hahaba; ngunit kung hangal ka, parurusahan ka dahil sa iyong kahangalan.
23 The heart of the wise makes his speech wise and adds persuasiveness to his lips. Ang taong maalam ay nag-iingat sa kanyang mga sinasabi, kaya natututo ang iba sa kanya.
24 Pleasant words are a honeycomb, sweet to the soul and healing to the bones. Ang matatamis na salita ay parang pulot-pukyutan, nakakapagpasaya at nakakapagpasigla ng katawan.
25 There is a way that seems right to a man, but its end is the way of death. Maaaring iniisip mo na ikaw ay nasa tamang daan, ngunit ang dulo pala nito ay kamatayan.
26 A worker's appetite works for him; his hunger drives him on. Ang gutom ng mga manggagawa ang dahilan ng kanilang pagsisikap, ito ang nagtutulak upang silaʼy magtrabaho.
27 A worthless man digs up evil, and on his lips is a scorching fire. Ang taong masama ay nag-iisip ng kasamaan, at ang bawat sabihin niya ay parang apoy na nakakapaso.
28 A perverse man spreads strife, and a gossip separates close friends. Ang taong nanlilibak ng kapwa ay nagsisimula ng away, at ang matalik na magkaibigan ay kanyang pinaghihiwalay.
29 A violent man entices his neighbor and leads him down a harmful path. Ang taong nabubuhay sa karahasan ay nanghihikayat ng kanyang kapwa sa kasamaan.
30 Whoever winks his eyes plots perversity; whoever purses his lips is bent on evil. Mag-ingat sa taong ngingiti-ngiti at kikindat-kindat dahil maaaring masama ang kanyang binabalak.
31 Gray hair is a crown of glory; it is gained in the way of righteousness. Ang katandaan ay tanda ng karangalan na matatanggap ng taong namumuhay sa katuwiran.
32 Better a patient person than a mighty one, and one who rules his spirit than one who takes a city. Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod.
33 The lot is cast into the lap, but its every decision is from our Father. Ang mga taoʼy nagpapalabunutan subalit nasa Panginoon ang kapasyahan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]