Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 15 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 A gentle answer turns away wrath, but a harsh word stirs up anger. Ang malumanay na sagot ay nakakapawi ng poot, ngunit lalong nakakapagpagalit ang pabalang na sagot.
2 The tongue of the wise commends knowledge, but the mouths of fools pour out foolishness. Ang salita ng taong marunong ay nagpapahiwatig ng karunungan, ngunit ang salita ng hangal ay nagpapakita ng kahangalan.
3 The eyes of our Father are in every place, keeping watch on the evil and the good. Nakikita ng Panginoon ang lahat ng lugar. Minamasdan niya ang ginagawa ng masasama at ng mga matuwid.
4 A gentle tongue is a tree of life, but a corrupt tongue crushes the spirit. Ang malumanay na pananalita ay nakapagpapasigla ng kalooban ng tao, ngunit ang masakit na salita ay nakakasugat ng puso.
5 A fool despises his father's instruction, but whoever heeds correction is prudent. Hindi pinapansin ng taong hangal ang pagtutuwid ng kanyang ama, ngunit ang taong marunong, sumusunod sa mga paalala sa kanya.
6 In the house of the righteous there is much treasure, but the income of the wicked brings trouble. Dadami ang kayamanan sa tahanan ng mga matuwid, ngunit anumang pag-aari ng masasamâ ay mawawala.
7 The lips of the wise spread knowledge, but not so the hearts of fools. Ikinakalat ng marunong ang kanyang karunungan, ngunit hindi ito magawa ng mangmang.
8 The sacrifice of the wicked is detestable to our Father, but the prayer of the upright is his delight. Kasuklam-suklam sa Panginoon ang handog ng masasamâ, ngunit kalugod-lugod sa kanya ang panalangin ng mga matuwid.
9 The way of the wicked is detestable to our Father, but he loves the one who pursues righteousness. Kinamumuhian ng Panginoon ang taong ang gawain ay masama, ngunit ang taong nagsusumikap na gumawa ng matuwid ay minamahal niya.
10 There is severe discipline for the one who leaves the path, and whoever hates correction will die. Minamasama ng taong naliligaw ng landas kapag itinutuwid siya. Ang taong umaayaw sa mga pagtutuwid ay mamamatay.
11 The grave and Destruction lie open before our Father; how much more the hearts of all people! Kung alam ng Panginoon ang nangyayari sa daigdig ng mga patay, lalo namang alam niya ang nasa puso ng mga taong buháy.
12 A scoffer does not love to be corrected; he will not go to the wise. Ang taong nangungutya ay minamasama ang pagsaway; ayaw ding tumanggap ng payo mula sa taong may karunungan.
13 A glad heart makes a cheerful face, but a sorrowful heart crushes the spirit. Kapag ang tao ay masaya, nakangiti siya, ngunit kapag ang tao ay malungkot, mukha niya ay nakasimangot.
14 A discerning heart seeks knowledge, but the mouths of fools feed on foolishness. Ang taong may pang-unawa ay naghahangad pa ng karunungan, ngunit ang taong hangal ay naghahangad pa ng kahangalan.
15 All the days of the afflicted are hard, but a cheerful heart has a continual feast. Ang buhay ng mga dukha ay palaging mahirap, ngunit kung makukuntento lang sila ay palagi silang magiging masaya.
16 Better a little with the fear of our Father than great treasure and trouble with it. Mas mabuti pang maging mahirap na may takot sa Panginoon, kaysa maging mayaman na ang buhay ay puno ng kaguluhan.
17 Better a meal of vegetables where there is love than a fattened ox with hatred. Mas mabuti pa ang mag-ulam ng kahit gulay lang ngunit may pagmamahalan, kaysa sa mag-ulam ng pinatabang guya ngunit may alitan.
18 A hot-tempered man stirs up strife, but one who is slow to anger calms a quarrel. Ang taong mainitin ang ulo ay nagpapasimula ng gulo, ngunit ang taong mahinahon ay tagapamayapa ng gulo.
19 The way of the lazy is like a hedge of thorns, but the path of the upright is a level highway. Ang daanan ng tamad ay puno ng dawag, ngunit ang daanan ng matuwid ay malinis na kalsada.
20 A wise son makes a glad father, but a foolish man despises his mother. Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay hinahamak ang magulang.
21 Foolishness is joy to one who lacks sense, but a person of understanding walks a straight path. Ang taong walang isip ay nagagalak sa kahangalan, ngunit ang taong may pang-unawa ay namumuhay sa katuwiran.
22 Plans fail without counsel, but with many advisers they succeed. Nabibigo ang plano kapag walang nagpapayo, ngunit kapag maraming tagapayo, magtatagumpay ang mga ito.
23 A person finds joy in giving an apt reply, and how good is a word at the right time! Nagagalak ang tao kapag akma ang sagot niya. Mas nagagalak siya kung nakakasagot siya sa tamang pagkakataon.
24 The path of life leads upward for the prudent, turning him away from the grave below. Ang daan patungo sa buhay ang sinusundan ng taong maalam at iniiwasan niya ang daan patungo sa kamatayan.
25 Our Father tears down the house of the proud, but he protects the widow's boundary. Wawasakin ng Panginoon ang bahay ng hambog, ngunit iingatan niya ang lupain ng biyuda.
26 The thoughts of the wicked are detestable to our Father, but gracious words are pure. Kinasusuklaman ng Panginoon ang iniisip ng masasamang tao, ngunit nagagalak siya sa iniisip ng mga taong may malinis na puso.
27 Whoever is greedy for unjust gain brings trouble on his own household, but the one who hates bribes will live. Ang taong yumaman sa masamang paraan ay nagdudulot ng kaguluhan sa kanyang sambahayan. Mabubuhay naman nang matagal ang taong hindi nasusuhulan.
28 The heart of the righteous weighs how to answer, but the mouth of the wicked pours out evil. Ang taong matuwid ay pinag-iisipan muna ang sasabihin, ngunit ang taong masama ay basta na lamang nagsasalita.
29 Our Father is far from the wicked, but he hears the prayer of the righteous. Malayo ang Panginoon sa masasamâ, ngunit malapit siya sa matutuwid at pinapakinggan niya ang kanilang dalangin.
30 The light of the eyes brings joy to the heart, and good news refreshes the bones. Ang masayang mukha ay nagbibigay ng tuwa at nagpapasigla ang magandang balita.
31 The ear that listens to life-giving correction will dwell among the wise. Ang taong nakikinig sa mga turo ng buhay ay maibibilang sa mga marurunong.
32 Whoever ignores instruction despises himself, but whoever listens to correction gains understanding. Pinapasama ng tao ang kanyang sarili kapag binabalewala niya ang pagtutuwid sa kanyang pag-uugali, ngunit kung makikinig siya, lalago ang kanyang kaalaman.
33 The fear of our Father is the instruction of wisdom, and humility comes before honor. Ang takot sa Panginoon ay nagtuturo ng karunungan, at ang nagpapakumbaba ay pinaparangalan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]