Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 14 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The wisest of women builds her house, but foolishness tears hers down with her own hands. Ang matalinong babaeʼy pinapatatag ang kanyang sambahayan, ngunit ang hangal na babaeʼy sinisira ang sarili niyang tahanan.
2 Whoever walks in uprightness fears our Father, but one whose ways are crooked despises him. Ang taong namumuhay sa katuwiran ay may takot sa Panginoon, ngunit ang namumuhay sa kasamaan ay humahamak sa kanya.
3 A fool's mouth is a rod for his own pride, but the lips of the wise protect them. Ang salita ng hangal ang magpapasama sa kanya, ngunit ang salita ng marunong ang mag-iingat sa kanya.
4 Where there are no oxen, the manger stays clean, but an abundant harvest comes through the strength of an ox. Kapag walang alagang baka, walang laman ang sabsaban, ngunit sa lakas ng baka nagkakaroon ng masaganang ani.
5 A faithful witness does not lie, but a false witness breathes out lies. Ang tapat na saksi ay hindi nagsisinungaling, ngunit pawang kasinungalingan ang sinasabi ng saksing sinungaling.
6 The scoffer seeks wisdom and finds none, but knowledge comes easily to the discerning. Ang taong nangungutya ay hindi magkakaroon ng karunungan kahit ano pa ang kanyang gawin, ngunit ang taong may pang-unawa ay madaling matututo.
7 Stay away from a fool, for you will find no knowledge on his lips. Iwasan mo ang mga hangal sapagkat wala kang mabuting matututunan sa kanila.
8 The wisdom of the prudent is to discern their way, but the foolishness of fools is deceit. Ang taong maalam ay naiintindihan ang nais niyang patunguhan, ngunit ang hangal, sarili ang nililinlang.
9 Fools mock the guilt offering, but among the upright there is favor. Balewala sa mga hangal ang makagawa ng kasalanan, ngunit ang taong matuwid ay gustong maging kalugod-lugod sa Diyos.
10 The heart knows its own bitterness, and no stranger shares in its joy. Ang bawat puso ang nakakaalam ng kanyang sariling kabiguan, at walang ibang makakabahagi sa kanyang kagalakan.
11 The house of the wicked will be destroyed, but the tent of the upright will flourish. Mawawasak ang tahanan ng taong masama, ngunit uunlad ang tahanan ng taong matuwid.
12 There is a way that seems right to a person, but its end is the way of death. Maaaring sa tingin mo ang daang tinatahak mo ay matuwid, ngunit kamatayan pala ang dulo nito.
13 Even in laughter the heart may ache, and the end of joy may be grief. Maaaring maitago ang kalungkutan sa pamamagitan ng pagtawa, ngunit pagkatapos ng kasiyahan nariyan pa rin ang kalungkutan.
14 The backslider in heart will be filled with the fruit of his ways, and a good person with the fruit of his. Ang tao ay tatanggap ng nararapat sa kanya kung ano ang ginawa niya, mabuti man o masama.
15 The simple believe anything, but the prudent give thought to their steps. Pinaniniwalaan ng taong wala sa katinuan ang lahat ng kanyang napapakinggan, ngunit ang taong maalam umunawa ay pinag-iisipan ang kanyang napakinggan.
16 The wise fear and turn away from evil, but a fool is reckless and overconfident. Ang matalinoʼy may takot sa Panginoon at itinatakwil ang kasamaan, ngunit ang hangal ay mainitin ang ulo at walang kinatatakutan.
17 A quick-tempered person acts foolishly, and one who plots evil schemes is hated. Ang taong madaling magalit ay nakagagawa ng kamangmangan. Ang nagbabalak ng masama ay kinapopootan.
18 The simple inherit foolishness, but the prudent are crowned with knowledge. Makikita ang kamangmangan sa taong walang alam, ngunit makikita ang karunungan sa taong maalam kung ano ang mabuti at masama.
19 The evil bow down before the good, and the wicked at the gates of the righteous. Ang taong masama ay yuyuko sa taong matuwid at magsusumamong siya ay kahabagan.
20 The poor are shunned even by their neighbors, but the rich have many friends. Ang mga mahirap kadalasan ay hindi kinakaibigan kahit ng kanyang kapitbahay, ngunit ang mga mayaman ay maraming kaibigan.
21 Whoever despises his neighbor sins, but blessed is the one who is kind to the poor. Ang humahamak sa kapwa ay nagkakasala, ngunit ang tumutulong sa dukha ay pinagpapala.
22 Do not those who plot evil go astray? But covenant love and faithfulness belong to those who plan good. Ang nagbabalak ng masama sa kapwa ay nagkakasala, ngunit ang nagpaplano nang mabuti ay dadamayan at mamahalin ng kapwa.
23 In all hard work there is profit, but mere talk leads only to poverty. Ang masikap sa trabaho ay may pakinabang, ngunit magiging mahirap ang puro salita lang.
24 The crown of the wise is their wealth, but the foolishness of fools yields only foolishness. Ang karangalan ng mga taong marunong ay ang kanilang kayamanan, ngunit ang kahangalan ng mga hangal ay lalo pang madadagdagan.
25 A truthful witness saves lives, but one who breathes out lies is treacherous. Ang tapat na saksi ay nagliligtas ng buhay, ngunit taksil ang saksing sinungaling.
26 In the fear of our Father is strong confidence, and his children will have a refuge. Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan.
27 The fear of our Father is a fountain of life, turning a person away from the snares of death. Ang pagkatakot sa Panginoon ay magpapabuti at magpapahaba ng iyong buhay at maglalayo sa iyo sa bitag ng kamatayan.
28 A large population is a king's glory, but without people a prince is ruined. Ang kapangyarihan ng isang hari ay nasa dami ng kanyang nasasakupan, ngunit kung walang tauhan tiyak ang kanyang kapahamakan.
29 Whoever is slow to anger has great understanding, but a hot temper exalts foolishness. Ang mapagpasensya ay mas higit ang karunungan, ngunit ang madaling magalit ay nagpapakita ng kahangalan.
30 A tranquil heart gives life to the body, but envy rots the bones. Ang payapang isipan ay nagpapalusog ng katawan, ngunit ang pagkainggit ay tulad ng kanser sa buto.
31 Whoever oppresses the poor reproaches our Father, their Maker, but whoever is kind to the needy honors him. Ang nang-aapi ng mahihirap ay hinahamak ang Diyos na lumikha sa kanila, ngunit ang nahahabag sa mahihirap ay pinararangalan ang Diyos.
32 The wicked are brought down by their own evil, but the righteous find refuge even in death. Mapapahamak ang masama dahil sa kanyang masamang gawain, ngunit ang mga matuwid ay iingatan dahil sa kanilang pagkamakadiyos.
33 Wisdom rests in the heart of the discerning, but even among fools it makes itself known. Ang karunungan ay nasa isip ng taong may pang-unawa, ngunit ang mangmang ay walang nalalamang kahit na ano tungkol sa karunungan.
34 Righteousness exalts a nation, but sin is a disgrace to any people. Ang matuwid na pamumuhay ng mamamayan ay nagpapaunlad ng kanilang bayan, ngunit kung sila ay magkasala, mapapahiya ang kanilang bansa.
35 A king's favor rests on a wise servant, but his wrath falls on one who acts shamefully. Sa matalinong lingkod ang hari ay nalulugod, ngunit sa hangal na lingkod siya ay napopoot.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]