Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 13 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 A wise son heeds his father's instruction, but a scoffer does not listen to rebuke. Ang matalinong anak ay nakikinig sa pangaral ng kanyang ama, ngunit ang mapangkutyang anak ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.
2 From the fruit of his mouth a person enjoys good things, but the appetite of the treacherous is for violence. Ang taong nagsasalita ng mabuti ay gagantihan ng mabuting bagay, ngunit ang salita ng taong hindi tapat ay gagantihan ng karahasan.
3 Whoever guards his mouth protects his life, but one who opens his lips wide comes to ruin. Ang taong maingat sa pagsasalita ay nag-iingat ng kanyang buhay. Ngunit ang taong madaldal, dulot sa sarili ay kapahamakan.
4 The lazy person craves and gets nothing, but the appetite of the diligent is richly satisfied. Ang puso ng tamad ay puno ng hangarin, na hindi niya makakamtan, ngunit ang inaasam ng masipag ay tiyak na matutugunan.
5 The righteous hates falsehood, but the wicked brings shame and disgrace. Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang taong masama ay gumagawa ng mga bagay na kahiya-hiya.
6 Righteousness guards the one whose way is blameless, but wickedness overthrows the sinner. Ang taong walang kapintasan ay iingatan dahil sa kanyang matuwid na pamumuhay, ngunit ang makasalanan ay mapapahamak dahil sa kanyang kasamaan.
7 One person pretends to be rich, yet has nothing; another pretends to be poor, yet has great wealth. May mga taong nagkukunwaring mayaman ngunit mahirap naman, at may mga nagkukunwaring mahirap ngunit mayaman naman.
8 A person's wealth may ransom his life, but the poor hears no threat. Ang taong mayaman ay may pantubos ng kanyang buhay, ngunit ang taong mahirap ay hindi man lang pinagtatangkaan.
9 The light of the righteous shines joyfully, but the lamp of the wicked will be snuffed out. Ang buhay ng taong matuwid ay parang ilaw na maliwanag, ngunit ang buhay ng masama ay parang ilaw na namatay.
10 Arrogance breeds nothing but strife, but wisdom is with those who seek advice. Ang kayabangan ay humahantong sa kaguluhan at pagtatalo, ngunit ang nakikinig sa payo ay nagpapahiwatig ng karunungan.
11 Wealth gained by fraud dwindles away, but whoever gathers little by little makes it grow. Ang kayamanang nakuha sa pandaraya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.
12 Hope deferred makes the heart sick, but desire fulfilled is a tree of life. Ang hangaring naantala ay nakapanghihina, ngunit ang hangaring natupad ay nakapagpapalakas at nakapagpapasigla.
13 Whoever despises the word brings ruin on himself, but the one who reveres the commandment will be rewarded. Ang taong tumatanggi sa turo at utos sa kanya ay mapapahamak, ngunit ang sumusunod dito ay gagantimpalaan.
14 The teaching of the wise is a fountain of life, turning a person away from the snares of death. Ang mga turo ng taong matalino ay bukal ng buhay, ilalayo ang tao sa bitag ng kamatayan.
15 Good sense wins favor, but the way of the treacherous is their undoing. Ang taong may mabuting pang-unawa ay iginagalang, ngunit ang taong taksil ay kapahamakan ang kahahantungan.
16 Every prudent person acts with knowledge, but a fool flaunts his foolishness. Ang taong maalam, itinatago ang karunungan ngunit ang taong hangal, inilalantad ang kanyang kahangalan.
17 A wicked messenger falls into trouble, but a faithful envoy brings healing. Ang masamang sugo ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mapagkakatiwalaang sugo ay nagpapabuti ng ugnayan.
18 Poverty and shame come to whoever ignores discipline, but the one who heeds correction is honored. Ang taong ayaw tumanggap ng pangaral ay daranas ng kahirapan at kahihiyan, ngunit ang tumatanggap nito ay pararangalan.
19 A desire fulfilled is sweet to the soul, but turning away from evil is detestable to fools. Ang pangarap na natupad ay nagdudulot ng ligaya; subalit ang taong hangal ay hindi tumitigil sa paggawa ng masama.
20 Whoever walks with the wise grows wise, but the companion of fools suffers harm. Kapag ang lagi mong kasama ay isang taong marunong, magiging marunong ka rin, ngunit kapag hangal ang lagi mong kasama ay mapapahamak ka.
21 Disaster pursues sinners, but good rewards the righteous. Ang kapahamakan ay darating sa mga makasalanan saanman sila magpunta, ngunit ang mga matuwid ay gagantimpalaan ng mabubuting bagay.
22 A good person leaves an inheritance to his grandchildren, but the sinner's wealth is stored up for the righteous. Ang kayamanan ng mabuting tao ay mamanahin ng kanyang mga apo, ngunit ang kayamanan ng makasalanan ay mapupunta sa matutuwid.
23 The unplowed field of the poor could yield abundant food, but it is swept away for lack of justice. Umani man ng sagana ang lupain ng mahihirap, hindi rin sila makikinabang dito dahil sa hindi makatuwirang patakaran ng iba.
24 Whoever withholds the rod hates his son, but the one who loves him is diligent to discipline him. Ang mapagmahal na magulang ay nagdidisiplina ng kanyang anak. Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak itutuwid mo ang kanyang ugali.
25 The righteous eats to his heart's content, but the belly of the wicked goes hungry. Ang taong matuwid ay makakakain ng sapat, ngunit ang masasamâ ay magugutom.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]