Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 12 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Whoever loves discipline loves knowledge, but whoever hates correction is senseless. Ang taong tumatanggap ng pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay nagnanais ng karunungan, ngunit ang taong ayaw tumanggap ay hangal.
2 A good man obtains favor from our Father, but he condemns the man who schemes evil. Ang mabuting tao ay kinalulugdan ng Panginoon, ngunit ang taong nagpaplano ng masama ay kanyang pinarurusahan.
3 No one is established by wickedness, but the root of the righteous will never be moved. Ang taong gumagawa ng masama ay walang katatagan, ngunit ang taong matuwid ay matatag tulad ng isang punongkahoy na malalim ang ugat.
4 A wife of noble character is her husband's crown, but one who brings shame is like decay in his bones. Ang mabuting maybahay ay kasiyahan at karangalan ng kanyang asawa, ngunit parang kanser sa buto ang nakakahiyang asawa.
5 The plans of the righteous are just, but the advice of the wicked is deceitful. Ang iniisip ng taong matuwid ay tama, ngunit ang mga payo ng taong masama ay mapanlinlang.
6 The words of the wicked lie in wait for blood, but the speech of the upright rescues the innocent. Ang salita ng taong masama ay nakamamatay, ngunit ang salita ng taong matuwid ay nakapagliligtas.
7 The wicked are overthrown and are no more, but the house of the righteous will stand. Mapapahamak at maglalaho ang mga taong masama, ngunit mananatili ang lahi ng mga taong matuwid.
8 A person is praised according to their good sense, but one with a warped mind is despised. Pinararangalan ang taong may karunungan, ngunit hinahamak ang taong masama ang kaisipan.
9 Better to be lowly and have a servant than to pretend to greatness and go hungry. Mas mabuti ang taong simple ngunit kayang magbayad ng katulong kaysa sa taong nagkukunwaring mayaman ngunit kahit makain ay wala naman.
10 The righteous care for the needs of their animals, but even the mercy of the wicked is cruel. Ang taong matuwid ay mabait sa kanyang mga alagang hayop, ngunit ang taong masama ay malupit at walang awa sa kanyang mga hayop.
11 Whoever works their land will have plenty of food, but whoever chases worthless pursuits lacks sense. Ang masipag magsaka sa kanyang lupain ay laging sagana sa pagkain, ngunit ang gumugugol ng oras sa walang kabuluhang bagay ay salat sa karunungan.
12 The wicked crave the plunder of evil men, but the root of the righteous yields fruit. Kinaiinggitan ng magnanakaw ang nasamsam ng kanyang kapwa, subalit nag-uugat ang matuwid at nananatiling matatag.
13 An evil man is trapped by his sinful talk, but the righteous escapes from trouble. Ang kasamaang sinasabi ng taong masama ay nagdudulot sa kanya ng gulo, ngunit ang taong matuwid ay umiiwas sa gulo.
14 From the fruit of their words a person is filled with good things, and the work of their hands comes back to reward them. Ang mga salitang nagmumula sa karunungan, ay nagbubunga ng mabubuting bagay at ang pagbabanat-buto namaʼy may gantimpalang naghihintay.
15 The way of a fool seems right in his own eyes, but the wise listen to advice. Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa payo.
16 A fool shows his anger at once, but the prudent overlook an insult. Ang hangal ay madaling magalit, ngunit ang taong maalam ay hindi pinapansin ang pang-iinsulto sa kanya.
17 Whoever speaks the truth gives honest testimony, but a false witness tells lies. Ang tapat na saksi ay nagsasabi ng katotohanan, ngunit ang hindi tapat na saksi ay nagsasabi ng kasinungalingan.
18 Reckless words pierce like a sword, but the tongue of the wise brings healing. Ang pabigla-biglang salita ay nakakasugat ng damdamin, ngunit ang magandang salita ay nagpapagaling.
19 Truthful lips endure forever, but a lying tongue lasts only a moment. Ang katotohanan ay mananatili kailanman, ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.
20 Deceit fills the hearts of those who plot evil, but joy belongs to those who promote peace. Pandaraya ang nasa puso ng mga taong nagbabalak ng masama, ngunit kagalakan ang nasa puso ng mga taong naghahangad ng kapayapaan.
21 No harm overtakes the righteous, but the wicked are full of trouble. Walang mangyayaring masama sa taong matuwid, ngunit ang masasamâ, pawang kaguluhan ang mararanasan.
22 Lying lips are detestable to our Father, but those who act faithfully are his delight. Nasusuklam ang Panginoon sa mga nagsasabi ng kasinungalingan, ngunit nalulugod siya sa nagsasabi ng katotohanan.
23 The prudent keep their knowledge to themselves, but the heart of fools blurts out foolishness. Hindi ipinagyayabang ng taong maalam ang kanyang nalalaman, ngunit ang hangal ay ibinibida ang kanyang kahangalan.
24 Diligent hands will rule, but laziness ends in forced labor. Ang taong masipag ay magiging pinuno, ngunit ang tamad ay magiging alipin.
25 Anxiety weighs down the heart, but a kind word cheers it up. Ang kabalisahan sa puso ng isang tao ay nakapagpapalungkot, ngunit kaaaliwan nito ang mabuting salita.
26 The righteous guide their neighbor, but the way of the wicked leads them astray. Ginagabayan ng taong matuwid ang kanyang kaibigan, ngunit ililigaw ka ng taong masama.
27 The lazy do not roast their game, but the diligent prize their possessions. Hindi makakamit ng taong tamad ang kanyang hinahangad, ngunit ang taong masipag maganda ang hinaharap.
28 In the path of righteousness there is life, and along that way there is no death. Ang matuwid na pamumuhay ay patungo sa buhay, at maililigtas ka nito sa kamatayan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]