Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 11 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Dishonest scales are an abomination to our Father, but accurate weights are his delight. Kinasusuklaman ng Panginoon ang nandaraya sa timbangan, ngunit ang nagtitimbang ng tama ay kanyang kinalulugdan.
2 When pride comes, then comes disgrace, but wisdom comes with the humble. Ang taong mayabang ay madaling mapahiya, ngunit may karunungan ang taong mapagpakumbaba.
3 The integrity of the upright guides them, but the crookedness of the treacherous destroys them. Ang pamumuhay nang may katapatan ang gagabay sa taong matuwid, ngunit ang taong mandaraya ay mapapahamak dahil hindi tama ang kanyang pamumuhay.
4 Wealth does not profit in the day of wrath, but righteousness delivers from death. Ang kayamanan ay hindi makakatulong sa araw ng paghuhukom, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay magliligtas sa iyo sa kamatayan.
5 The righteousness of the blameless makes their way straight, but the wicked falls by his own wickedness. Ang matuwid at walang kapintasang pamumuhay ay makapagpapagaan ng buhay, ngunit ang masamang pamumuhay ay maghahatid ng kapahamakan.
6 The righteousness of the upright delivers them, but the treacherous are trapped by their own craving. Ang pamumuhay ng taong matuwid ang magliligtas sa kanya, ngunit ang hangad ng taong mandaraya ang magpapahamak sa kanya.
7 When a wicked person dies, his hope perishes, and his confidence in his own strength comes to nothing. Kapag namatay ang taong masama, pag-asa niyaʼy mawawala, at ang kanyang mga inaasahan ay mawawalan ng kabuluhan.
8 The righteous is delivered from trouble, and the wicked comes into it in his place. Inililigtas ng Diyos sa kahirapan ang matuwid, ngunit ang masamâʼy kanyang pinapabayaan.
9 With his mouth the godless destroys his neighbor, but through knowledge the righteous are delivered. Ang salita ng walang diyos ay nakakasira ng kapwa. Ngunit ang karunungan ng matuwid ay nakakaligtas.
10 When things go well for the righteous, the city rejoices, and when the wicked perish, there are shouts of joy. Kapag ang matuwid ay pinagpapala, mga taoʼy sumisigaw sa tuwa. At kapag ang masama ay napapahamak ganoon din ang kanilang ginagawa.
11 By the blessing of the upright a city is exalted, but by the mouth of the wicked it is torn down. Umuunlad ang isang bayan sa pagpapala ng mga mamamayang matuwid, subalit nawawasak ito sa pamamagitan ng salita ng masama.
12 Whoever despises his neighbor lacks sense, but a person of understanding stays silent. Ang taong walang pang-unawa ay kinukutya ang kapwa, ngunit ang taong may pang-unawa ay hindi nangungutya.
13 A gossip goes about revealing secrets, but someone with a trustworthy spirit can keep a secret. Ang mga taong madaldal ay nagsisiwalat ng sikreto, ngunit ang taong mapagkakatiwalaan ay nakakapagtago nito.
14 Where there is no guidance, a people falls, but in an abundance of counselors there is safety. Kung walang gumagabay, babagsak ang bansa, ngunit tiyak ang kaligtasan kung maraming tagapayo.
15 Whoever puts up security for a stranger will surely suffer for it, but whoever hates shaking hands on a pledge is secure. Mapanganib ang mangakong managot sa utang ng iba, kaya iwasan itong gawin upang hindi ka magkaproblema.
16 A gracious woman attains honor, and ruthless men attain riches. Ang babaeng maganda ang ugali ay nag-aani ng karangalan, ngunit ang taong marahas ay magaling lang sa pag-angkin ng kayamanan. Ang taong tamad ay maghihirap, ngunit ang taong masipag ay yayaman.
17 A kind person benefits himself, but a cruel person brings trouble on himself. Ang mabuting tao ay gagantimpalaan ng kanyang kabutihan, ngunit hahantong sa kapahamakan ang taong malupit.
18 The wicked earns deceptive wages, but whoever sows righteousness earns a true reward. Ang masamang tao ay hindi tatanggap ng tunay na gantimpala, ngunit ang gumagawa ng matuwid ay tatanggap ng tunay na gantimpala.
19 Whoever is steadfast in righteousness finds life, but whoever pursues evil runs to his own death. Ang taong gumagawa ng matuwid ay patuloy na mabubuhay, ngunit ang taong gumagawa ng masama ay mamamatay.
20 Those of crooked heart are an abomination to our Father, but those whose ways are blameless are his delight. Kasuklam-suklam sa Panginoon ang pag-iisip ng masama, ngunit ang buhay na matuwid ay kalugod-lugod sa kanya.
21 You can be sure the evil person will not go unpunished, but the children of the righteous will go free. Ang taong masama, tiyak na parurusahan, ngunit ang matuwid ay makakaligtas.
22 Like a gold ring in a pig's snout is a beautiful woman who shows no discretion. Ang magandang babaeng hindi marunong magpasya ay parang isang gintong singsing sa nguso ng baboy.
23 The desire of the righteous ends only in good, but the hope of the wicked ends in wrath. Ang ninanais ng matuwid ay pawang kabutihan, ngunit ang ninanais ng masama ay nagdudulot ng kaguluhan.
24 One person gives freely, yet grows all the richer; another withholds what is right, only to end up in need. Ang mga taong mapagbigay ay lalong yumayaman, ngunit ang mga taong sakim ay hahantong sa kahirapan.
25 A generous soul will be enriched, and whoever refreshes others will himself be refreshed. Ang taong mapagbigay ay magtatagumpay sa buhay; ang taong tumutulong ay tiyak na tutulungan.
26 The people curse whoever holds back grain, but the one who sells it is blessed. Isinusumpa ng mga tao ang nagtatago ng ani niya, ngunit ang gustong magtinda nito ay pinagpapala nila.
27 Whoever diligently seeks good seeks favor, but whoever searches for evil, evil will come to him. Ang naghahanap ng kabutihan, siyaʼy mapapaburan, ngunit ang naghahanap ng kasamaan, itoʼy kanyang makakamtan.
28 Whoever trusts in his riches will fall, but the righteous will flourish like green leaves. Mabibigo ang taong nagtitiwala sa kanyang kayamanan, ngunit ang taong matuwid ay lalago na parang sariwang halaman.
29 Whoever brings trouble on his own household will inherit the wind, and the fool will be servant to the wise of heart. Ang mga hangal na nagdadala ng gulo sa sariling tahanan ay walang mamanahin sa huli. Magiging alipin lang sila ng mga taong may karunungan.
30 The fruit of the righteous is a tree of life, and whoever wins souls is wise. Ang ginagawa ng mga taong matuwid ay makakatulong sa iba upang mapabuti at mapahaba ang kanilang buhay. At madadala niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang karunungan.
31 If the righteous is repaid on earth, how much more the wicked and the sinner! Kung natatanggap ng matutuwid ang kanilang gantimpala dito sa lupa, paano pa kaya ang mga walang diyos at mga makasalanan?
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]