Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 10 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The proverbs of Solomon: A wise son brings joy to his father, but a foolish son brings grief to his mother. Narito ang mga kawikaan ni Solomon: Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay nagbibigay ng kalungkutan.
2 Treasures gained by wickedness do not profit, but righteousness rescues from death. Ang kayamanang nakuha sa masamang paraan ay hindi makapagbibigay ng anumang kabutihan, ngunit ang matuwid na pamumuhay ay makapagliligtas sa iyo sa kamatayan.
3 Our Father will not let the righteous go hungry, but he thwarts the craving of the wicked. Hindi hinahayaan ng Panginoon na magutom ang mga matuwid, ngunit ipinagkakait naman niya ang hangad ng mga masama.
4 Lazy hands make you poor, but diligent hands bring wealth. Nagpapahirap ang katamaran, ngunit ang kasipagan ay nagpapayaman.
5 He who gathers in summer is a prudent son, but he who sleeps during harvest is a son who brings shame. Ang nag-iimbak ng pagkain kapag anihan ay anak na maalam, ngunit ang anak na laging tulog kapag anihan ay kahiya-hiya.
6 Blessings rest on the head of the righteous, but the mouth of the wicked conceals violence. Ang taong matuwid ay pinagpapala; ang bibig ng masamang tao ay nakakapinsala.
7 The memory of the righteous is a blessing, but the name of the wicked will rot. Ang alaala ng taong matuwid ay isang pagpapala magpakailanman ngunit ang masamang tao ay makakalimutan.
8 A wise heart accepts commands, but a babbling fool comes to ruin. Sumusunod sa mga utos ang taong marunong, ngunit ang nagsasalita ng kamangmangan ay mawawasak.
9 Whoever walks in integrity walks securely, but he who makes his ways crooked will be found out. May kapayapaan ang taong namumuhay nang matuwid, ngunit ang masama ang pamumuhay ay malalantad.
10 Whoever winks causes trouble, and a babbling fool comes to ruin. Ang taong mandaraya ay gulo ang nililikha at ang taong nagsasalita ng kamangmangan ay mapapahamak.
11 The mouth of the righteous is a fountain of life, but the mouth of the wicked conceals violence. Ang salita ng taong matuwid ay makakatulong sa buhay ng iba, ngunit ang mga salita ng taong masama ay makapipinsala.
12 Hatred stirs up conflict, but love covers all offenses. Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawad ng lahat ng kasalanan.
13 On the lips of the discerning, wisdom is found, but a rod is for the back of one who lacks sense. Nagsasalita ng karunungan ang taong may pang-unawa, ngunit ang walang pang-unawa ay nagsasalita tungo sa kanyang kapahamakan.
14 The wise store up knowledge, but the mouth of a fool invites ruin. Nagdadagdag ng kaalaman ang taong may karunungan, ngunit ang mga hangal ay nagsasalita tungo sa kanilang kapahamakan.
15 The wealth of the rich is their fortified city; the ruin of the poor is their poverty. Panatag ang mayaman dahil sa kanyang kayamanan, ngunit napapahamak ang mahirap dahil sa kanyang kahirapan.
16 The wage of the righteous leads to life; the gain of the wicked leads to sin. Ang gantimpala ng matuwid ay buhay, ngunit ang gantimpala ng masama ay kaparusahan.
17 Whoever accepts discipline is on the path to life, but he who ignores correction leads others astray. Ang taong nakikinig sa pagtutuwid sa kanyang pag-uugali ay mapapabuti at hahaba ang buhay, ngunit ang taong hindi nakikinig ay maliligaw ng landas.
18 Whoever conceals hatred is a liar, and whoever spreads slander is a fool. Ang nagkikimkim ng galit ay sinungaling, at ang naninira sa kanyang kapwa ay hangal.
19 Where words are many, sin is never absent; but whoever holds his tongue is wise. Ang taong masalita ay madaling magkasala. Ang taong maalam ay pinipigilan ang kanyang dila.
20 The tongue of the righteous is choice silver; the heart of the wicked is worth little. Ang salita ng matuwid ay mahalaga tulad ng pilak, ngunit ang isip ng masama ay walang kabuluhan.
21 The lips of the righteous nourish many, but fools die for lack of sense. Sa salita ng matuwid marami ang nakikinabang, ngunit ang mga hangal ay mamamatay dahil walang pang-unawa.
22 The blessing of our Father brings wealth, and he adds no sorrow with it. Ang pagpapala ng Panginoon ay nagpapayaman at hindi niya ito dinadagdagan ng anumang kalungkutan.
23 Doing wickedness is a game to a fool, but wisdom is the delight of a person of understanding. Ang kaligayahan ng hangal ay ang paggawa ng kasamaan, ngunit ang kaligayahan nang nakakaunawa ay ang mamuhay nang may karunungan.
24 What the wicked dreads will come upon him, but the desire of the righteous will be granted. Ang kinatatakutan ng taong masama ay mangyayari sa kanya, ang hinahangad naman ng taong matuwid ay kanyang makakamit.
25 When the storm has passed, the wicked are gone, but the righteous are established forever. Kapag dumating ang mga bagyo sa buhay, tatangayin ang mga masasama, subalit mananatiling matatag ang mga matutuwid magpakailanman.
26 Like vinegar to the teeth and smoke to the eyes, so is the sluggard to those who send him. Tulad ng sukang nakakangilo at usok na nakakaluha, ganyan ang tamad sa nagpadala sa kanya.
27 The fear of our Father lengthens life, but the years of the wicked will be cut short. Ang may paggalang sa Panginoon ay hahaba ang buhay, ngunit ang taong masama ay iikli ang buhay.
28 The hope of the righteous brings joy, but the expectation of the wicked will perish. Ang pag-asa ng matuwid ay magbibigay ng kaligayahan, ngunit ang pag-asa ng masama ay walang katuparan.
29 The way of our Father is a refuge for the blameless, but ruin for those who do evil. Ang pagsunod sa pamamaraan ng Panginoon ay kanlungan ng matuwid, ngunit ang mga suwail dito ay mapapahamak.
30 The righteous will never be shaken, but the wicked will not remain in the land. Ang matuwid ay hindi gagambalain sa kanyang lupain, ngunit ang masama ay palalayasin.
31 The mouth of the righteous yields wisdom, but the perverse tongue will be cut off. Ang bibig ng matuwid ay puno ng karunungan, ngunit ang dila ng sinungaling ay puputulin.
32 The lips of the righteous know what is acceptable, but the mouth of the wicked, only what is perverse. Ang bibig ng matuwid ay nagsasalita ng kaaya-aya, ngunit kabuktutan ang sinasabi ng taong masama.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]