Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 9 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Wisdom has built her house; she has hewn out her seven pillars. Ang karunungan ay katulad ng isang taong nagtayo ng kanyang bahay na may pitong haligi.
2 She has slaughtered her animals; she has mixed her wine; she has also set her table. Pagkatapos, nagdaos siya ng isang malaking piging. Naghanda siya ng mga pagkain at inumin.
3 She has sent out her young women to call from the highest places of the town: At inutusan niya ang kanyang mga katulong na babae na pumunta sa pinakamataas na lugar ng bayan upang manawagan:
4 "Whoever is simple, let him come in here!" To the one who lacks sense she says, “Kayong mga walang muwang, halikayo sa aking tahanan!” Sinabi niya sa mga wala sa katinuan,
5 "Come, eat my bread and drink the wine I have mixed. “Pumarito kayo at kumain ng aking inihanda, uminom kayo ng alak na aking tinimpla.
6 Leave your simple ways, and live; walk in the way of insight." Iwanan na ninyo ang kawalang katinuan para kayoʼy mabuhay nang matagal at may pang-unawa.”
7 Whoever corrects a mocker brings abuse on himself, and whoever rebukes a wicked man gets hurt. Kung sasawayin mo ang taong nangungutya, iinsultuhin ka niya. Kung sasawayin mo ang taong masama, sasaktan ka niya.
8 Do not rebuke a mocker, or he will hate you; rebuke a wise man, and he will love you. Kaya huwag mong sasawayin ang taong nangungutya, sapagkat magagalit siya sa iyo. Sawayin mo ang taong marunong at mamahalin ka niya.
9 Instruct a wise man and he will grow wiser; teach a righteous man and he will learn even more. Kapag tinuruan mo ang isang taong marunong, lalo siyang magiging marunong. At kapag tinuruan mo ang isang taong matuwid, lalo pang lalawak ang kanyang kaalaman.
10 The fear of our Father is the beginning of wisdom, and the knowledge of the Holy One is insight. Ang pagkatakot sa Panginoon ang simula ng karunungan. At ang pagkilala sa Banal na Diyos ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.
11 For by me your days will be multiplied, and years will be added to your life. Sa pamamagitan ng karunungan, hahaba ang iyong buhay.
12 If you are wise, you are wise for yourself; if you scoff, you alone will bear it. Kung may karunungan ka, magdudulot ito sa iyo ng kabutihan, ngunit magdurusa ka kung itoʼy iyong tatanggihan.
13 The woman Folly is loud; she is naive and knows nothing. Ang kamangmangan ay katulad ng isang babaeng maingay, hindi marunong at walang nalalaman.
14 She sits at the door of her house, on a seat at the highest places of the town, Nakaupo siya sa pintuan ng kanyang bahay o sa upuan sa mataas na lugar sa lungsod,
15 calling to those who pass by, who are going straight on their way: at tinatawag ang mga dumadaan na papunta sa kanilang trabaho.
16 "Whoever is simple, let him come in here!" And to the one who lacks sense she says, Sabi niya, “Halikayo rito, kayong mga wala sa katinuan.” At sinabi pa niya sa walang pang-unawa,
17 "Stolen water is sweet, and bread eaten in secret is pleasant." “Mas masarap ang tubig na ninakaw at mas masarap ang pagkain na kinakain ng lihim.”
18 But he does not know that the dead are there, that her guests are in the depths of the grave. Ngunit hindi alam ng mga taong pumupunta sa kanya na sila ay mamamatay. Ang mga nakapunta na sa kanya ay naroon na sa libingan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]