Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 8 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Does not Wisdom call out, and understanding raise her voice? Ang karunungan at pang-unawa ay katulad ng taong nangangaral.
2 Atop the heights along the way, where the paths meet, she takes her stand. Tumatayo siya sa matataas na lugar sa tabi ng daan, sa mga kanto,
3 Beside the gates, at the entrance to the city, at the doorways she cries aloud: sa mga pintuan ng lungsod at mga daanan. Nangangaral siya nang malakas,
4 "To you, all people, I call out; my voice reaches all humanity. “Kayong mga tao sa buong mundo, pakinggan ninyo ang panawagan ko.
5 You who are simple, learn prudence; you who are foolish, gain an understanding heart. Kayong mga walang alam, magkaroon kayo ng karunungan. Kayong mga mangmang magkaroon kayo ng pang-unawa.
6 Listen, for I speak of noble things, and everything I say is right. Makinig kayo sa sasabihin ko, sasambitin ko ang mga bagay na wasto at mahusay.
7 My mouth utters truth, for my lips detest wickedness. Ang sinasabi ko ay pawang katotohanan lamang; sa nagsasalita ng masama ako ay nasusuklam.
8 All the words of my mouth are righteous; none of them is twisted or crooked. Pawang matuwid ang sinasabi ko; hindi ako nagsasalita ng kasinungalingan o pandaraya.
9 To the one who understands they are all clear, and right to those who find knowledge. Ang lahat ng sinasabi ko ay malinaw at pawang tama sa taong may pang-unawa.
10 Take my instruction instead of silver, and knowledge rather than choice gold, Pahalagahan ninyo ang karunungan at ang pagtutuwid ko sa inyong ugali kaysa sa pilak at ginto.
11 for wisdom is better than jewels, and nothing you desire can compare with her. Sapagkat higit na mahalaga ang karunungan kaysa sa mamahaling hiyas at hindi ito matutumbasan ng mga bagay na hinahangad mo.
12 I, Wisdom, dwell with prudence, and I find knowledge and discretion. “Ako ang karunungan at alam ko kung paano unawain ang tama at mali, at alam ko rin kung paano magpasya nang tama.
13 The fear of our Father is to hate evil. Pride and arrogance, the evil way, and perverse speech I hate. Ang may takot sa Panginoon ay lumalayo sa kasamaan. Namumuhi ako sa kapalaluan, kayabangan, pagsisinungaling at masamang pag-uugali.
14 Counsel is mine, and sound wisdom; I am understanding; strength is mine. Magaling akong magpayo at may sapat na kaalaman. May pang-unawa at kapangyarihan.
15 By me kings reign, and rulers decree what is just; Sa pamamagitan ko nakakapamuno ang mga hari at ang mga pinunoʼy nakagagawa ng mga tamang batas.
16 by me princes govern, and nobles—all who rule with justice. Sa pamamagitan ko makakapamuno ang mga tagapamahala at mga opisyal; ang lahat na namumuno nang matuwid.
17 I love those who love me, and those who search for me find me. Minamahal ko ang mga nagmamahal sa akin; makikita ako ng mga naghahanap sa akin.
18 With me are riches and honor, enduring wealth and righteousness. Makapagbibigay ako ng kayamanan, karangalan, kaunlaran at tagumpay na magtatagal.
19 My fruit is better than gold, than the finest gold, and what I yield surpasses choice silver. Ang maibibigay ko ay higit pa sa purong ginto at pilak.
20 I walk in the way of righteousness, along the paths of justice, Sinusunod ko ang tama at matuwid.
21 giving wealth as an inheritance to those who love me, and filling their treasuries. Bibigyan ko ng kayamanan ang nagmamahal sa akin; pupunuin ko ang lalagyan nila ng kayamanan.
22 Our Father brought me forth at the beginning of his way, before his works of old. “Bilang una sa kanyang mga gawa, nilikha ako ng Panginoon bago pa man ang lahat.
23 From ages past I was established, from the beginning, before the earth began. Akoʼy nilikha niya noong unang panahon, sa pasimula, nang ang mundo ay nabuo.
24 When there were no deep waters I was brought forth, when there were no springs overflowing with water. Noong wala pang karagatan, ako ay isinilang noong wala pang mga bukal na nag-uumapaw sa tubig,
25 Before the mountains were settled, before the hills, I was brought forth, bago pa maitatag ang mga kabundukan bago ang mga kaburulan, ako ay isinilang,
26 while he had not yet made the earth and its fields, or the first dust of the world. bago pa ginawa ng Diyos ang mundo maging ang kabukiran, o ang alabok sa lupa.
27 When he set the heavens in place, I was there; when he drew a circle over the face of the deep, Naroon na ako nang likhain niya ang langit, maging nang likhain niya ang tagpuan ng langit at ng lupa.
28 when he set the skies in place above, when he established the springs of the deep, Naroon din ako nang likhain niya ang mga ulap, nang palabasin niya ang tubig sa mga bukal mula sa kailaliman,
29 when he set for the sea its boundary so the waters would not cross their limits, when he marked out the foundations of the earth, nang ilagay niya ang hangganan ng mga dagat upang hindi ito umapaw, at nang ilagay niya ang mga pundasyon ng mundo.
30 then I was beside him as a master craftsman, and I was his daily delight, rejoicing before him always, Akoʼy nasa tabi niya bilang arkitekto. Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw, at palagi rin akong masaya sa piling niya.
31 rejoicing in his whole world, and delighting in the human family. Natutuwa ako sa mundong nilikha niya at sa mga taong inilagay niya dito.
32 And now, my children, listen to me: blessed are those who keep my ways. “Kaya ngayon mga anak, pakinggan ninyo ako. Mapalad ang mga sumusunod sa pamamaraan ko.
33 Listen to instruction and be wise; do not ignore it. Pakinggan ninyo ang mga pagtutuwid ko sa inyong pag-uugali upang maging marunong kayo, at huwag ninyo itong kalilimutan.
34 Blessed is the one who listens to me, watching daily at my gates, waiting beside my doorway. Mapalad ang taong palaging sa akin nakatuon ang isip at naghihintay upang makinig sa akin.
35 For whoever finds me finds life and receives favor from our Father. Sapagkat ang taong makakasumpong sa akin ay magkakaroon ng buhay, at pagpapalain siya ng Panginoon.
36 But whoever misses me harms his own soul; all who hate me love death." Ngunit ang taong hindi makakasumpong sa akin ay ipinapahamak ang kanyang sarili. Ang mga galit sa akin ay naghahanap ng kamatayan.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]