Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 7 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 My son, keep my words, and store up my commandments within you. Anak, sundin mo ang mga sinasabi ko sa iyo. Itanim mo ito sa iyong isipan at
2 Keep my commandments and live; guard my teaching as the apple of your eye. sundin ang mga iniuutos ko, upang humaba ang buhay mo. Ingatan mong mabuti ang mga itinuturo ko katulad ng pag-iingat mo sa iyong mga mata.
3 Bind them on your fingers; write them on the tablet of your heart. Itanim mo sa iyong isipan upang hindi mo makalimutan.
4 Say to wisdom, "You are my sister," and call understanding your dearest friend, Ituring mong kapatid na babae ang karunungan at ang pang-unawa gaya ng isang malapít na kaibigan.
5 to keep you from the forbidden woman, from the stranger with her smooth words. Sapagkat ilalayo ka nila sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.
6 For at the window of my house I looked down through my lattice, Sa bintana ng aking bahay dumungaw ako sa kurtina.
7 and I saw among the naive, I noticed among the young men, a youth who lacked sense, Nakita ko ang mga kabataang lalaki na wala pang muwang sa buhay. Isa sa kanila ay salat sa karunungan.
8 passing through the street near her corner, taking the road to her house, Lumalakad siya patungo sa kanto kung saan naroroon ang bahay ng isang masamang babae.
9 in the twilight, as the day faded, in the dark of night and gloom. Takip-silim na noon at malapit nang dumilim.
10 And there a woman comes to meet him, dressed like a prostitute, with cunning in her heart. Sinalubong siya ng isang babaeng ang suot ay katulad ng suot ng isang babaeng bayaran. Nakapagplano na siya ng gagawin sa lalaking iyon.
11 She is loud and defiant; her feet will not stay at home. Maingay siya at hindi mahiyain. Hindi siya nananatili sa bahay.
12 Now in the street, now in the squares, she lurks at every corner. Madalas siyang makita sa mga lansangan, sa mga liwasan, at sa mga kantong tambayan.
13 She grabs him and kisses him, and with a brazen face she says to him: Paglapit ng lalaki ay agad niya itong hinalikan at walang hiya-hiyang sinabi:
14 "I had peace offerings to bring; today I have paid my vows. “Katatapos ko lang tuparin ang panata ko sa Diyos at may natira pang pagkain doon sa bahay mula sa aking handog pangkapayapaan.
15 So I came out to meet you, to look for you eagerly, and I have found you. Kaya akoʼy lumabas upang sa iyoʼy makipagkita. Hinanap kita at sa wakas ay natagpuan din kita.
16 I have spread my bed with coverings, with colored linens from Egypt. Sinapinan ko na ang aking higaan ng makulay na telang lino mula pa sa Ehipto.
17 I have perfumed my bed with myrrh, aloes, and cinnamon. Nilagyan ko iyon ng pabangong mira, aloe, at sinamon.
18 Come, let us drink deep of love until morning; let us lose ourselves in love. Kaya halika na, doon tayo magpakaligaya hanggang umaga,
19 For my husband is not at home; he has gone on a long journey. dahil wala rito ang aking asawa. Naglakbay siya sa malayo.
20 He took a bag of money with him and will not come home until the full moon." Marami siyang dalang pera at dalawang linggo pa bago siya bumalik.”
21 With all her persuasive words she sways him; with her smooth lips she draws him in. Kaya naakit niya ang lalaki sa pamamagitan ng kanyang matatamis at nakakaakit na pananalita.
22 All at once he follows her, like an ox going to the slaughter, like a deer stepping into a snare, Sumunod agad ang lalaki na tulad ng bakang hinihila papunta sa katayan, o tulad ng isang usa na patungo sa bitag,
23 until an arrow pierces its liver; like a bird darting into a trap, he does not know it will cost him his life. at dooʼy papanain siyang tatagos sa kanyang puso. Para din siyang isang ibong nagmamadali papunta sa bitag ng kamatayan, ngunit hindi niya ito nalalaman.
24 Now then, my sons, listen to me, and pay attention to what I say. Kaya mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang aking mga sinasabi.
25 Do not let your heart turn aside to her ways; do not wander into her paths. Huwag kayong paaakit sa ganyang uri ng babae at huwag ninyong hayaan na kayoʼy kanyang iligaw.
26 For she has brought down many victims; her slain are a mighty multitude. Marami na ang mga lalaking napahamak dahil sa kanya.
27 Her house is the road to the grave, going down to the chambers of death. Kapag pumunta kayo sa bahay niya, para na rin kayong pumunta sa mundo ng mga patay.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]