Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 6 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 My son, if you have put up security for your neighbor, if you have shaken hands in pledge for a stranger, Anak, kung nangako kang panagutan ang pagkakautang ng iba, kung nakipagkasundo ka sa isang hindi mo kilala,
2 you have been snared by the words of your mouth, caught by the words of your mouth. kung ikaw ay naipit sa iyong mga sinabi at nabitag ng iyong mga salita,
3 Then do this, my son, and free yourself, for you are now at your neighbor's mercy: go, humble yourself, and plead with your neighbor. ito ang gawin mo upang ikaw ay lumaya dahil tuluyan ka nang nahulog sa kamay ng iyong kapwa: Puntahan mo siya at ikaw ay magpakumbaba, pakiusapan mo siya hanggang sa palayain ka.
4 Give no sleep to your eyes, no slumber to your eyelids. Huwag mo nang ipagpaliban, gawin mo na ngayon. Huwag mong hayaang ikaʼy makatulog.
5 Free yourself like a gazelle from the hand, like a bird from the hand of the trapper. Palayain mo ang iyong sarili tulad ng isang ibon o usa na nakawala sa bitag ng isang mangangaso.
6 Go to the ant, you sluggard; consider her ways and be wise. Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralan ang pamumuhay ng mga langgam upang matuto kayo sa kanila.
7 Without having any chief, officer, or ruler, Kahit na walang namumuno at nag-uutos sa kanila,
8 she prepares her bread in summer and gathers her food in harvest. nag-iipon sila ng pagkain kapag tag-araw at panahon ng anihan, upang may makain sila pagdating ng tag-ulan.
9 How long will you lie there, sluggard? When will you arise from your sleep? Kayong mga tamad, hanggang kailan kayo mahihiga dʼyan? Kailan kayo babangon mula sa inyong pagtulog?
10 A little sleep, a little slumber, a little folding of the hands to rest, Kaunting tulog, kaunting pahinga at ang paminsan-minsang paghalukipkip ng mga kamay,
11 and poverty will come upon you like a robber, and scarcity like an armed man. at hindi ninyo mamamalayang darating ang kahirapan na para kayong ninakawan ng tulisan.
12 A worthless person, a wicked man, goes about with crooked speech, Ang taong walang kuwenta at masama ay puro kasinungalingan ang sinasabi.
13 winks with his eyes, signals with his feet, points with his fingers, Kumikindat at sumisenyas siya gamit ang kanyang mga kamay at paa.
14 with perverted heart he devises evil, continually sowing discord; Ang puso niya ay puno ng pandaraya, laging nagbabalak na gumawa ng masama at sa mga gulo siya ang nagpapasimula.
15 therefore calamity will come upon him suddenly; in a moment he will be broken beyond healing. Kaya biglang darating sa kanya ang kapahamakan at hindi na siya matutulungan.
16 There are six things our Father hates, seven that are detestable to him: May anim na bagay na kinamumuhian ang Panginoon, pito na kinasusuklaman niya:
17 haughty eyes, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, mapagmataas na mga mata, sinungaling na dila, mga kamay na pumapatay sa mga walang sala,
18 a heart that devises wicked plans, feet that hurry to run to evil, pusong nagbabalak ng masasamang pakana, mga paang sumusugod sa paggawa ng masama,
19 a false witness who breathes out lies, and one who sows discord among brothers. bulaang saksi na puno ng kasinungalingan, at taong nag-uudyok ng gulo sa angkan.
20 My son, keep your father's commandment, and do not forsake your mother's teaching. Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang.
21 Bind them on your heart always; tie them around your neck. Itanim mo ito sa iyong isipan upang hindi mo makalimutan.
22 When you walk, they will lead you; when you lie down, they will watch over you; and when you awake, they will talk with you. Ito ang papatnubay, mag-iingat at magpapaalala sa iyong pamumuhay, kahit ano pa ang iyong ginagawa.
23 For the commandment is a lamp and the teaching a light, and the reproofs of discipline are the way of life, Sapagkat ang mga turo at utos ng iyong mga magulang ay katulad ng isang ilaw na tatanglaw sa iyo. At ang kanilang pagsaway sa iyo upang ituwid ang ugali mo ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.
24 to keep you from the evil woman, from the smooth tongue of the adulteress. Ilalayo ka rin nito sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.
25 Do not desire her beauty in your heart, and do not let her capture you with her eyelashes; Huwag kang magnanasa sa kanyang kagandahan. Huwag kang patutukso sa kanyang pang-aakit.
26 for the price of a prostitute is only a loaf of bread, but a married woman hunts down a precious life. Ang pakikipagsiping sa babaeng bayaran ay puwedeng bayaran sa halaga ng tinapay, ngunit ang pakikipagsiping sa asawa ng iba ay pagbabayaran mo ng iyong buhay.
27 Can a man carry fire next to his chest and his clothes not be burned? Kung maglalaro ka ng apoy sa iyong kandungan tiyak na masusunog ang damit mo.
28 Or can one walk on hot coals and his feet not be scorched? At kung tatapak ka sa baga, mapapaso ang mga paa mo.
29 So is he who sleeps with his neighbor's wife; none who touches her will go unpunished. Kaya kung mayroong sumiping sa asawa ng iba, ang sinumang humawak sa kanya ay tiyak ang parusa.
30 People do not despise a thief if he steals to satisfy his appetite when he is hungry, Hindi hinahamak ng tao ang magnanakaw kung ginagawa niya iyon upang maibsan ang kanyang gutom.
31 but if he is caught, he will pay sevenfold; he will give all the goods of his house. Subalit, sa sandaling siyaʼy mahuli, pitong ulit siyang magbabayad, kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan niya.
32 He who commits adultery lacks sense; he who does it destroys himself. Ang taong nangangalunya ay salat sa karunungan. Ang kanyang sariliʼy dinadala sa kapahamakan.
33 He will get wounds and dishonor, and his disgrace will not be wiped away. Masasaktan at mapapahiya siya at hindi maaalis habambuhay ang kahihiyan niya.
34 For jealousy makes a man furious, and he will show no mercy in the day of vengeance. Sapagkat ang asawang seloso ay labis kung magalit at maghihiganti siya nang walang awa.
35 He will accept no compensation; he will refuse no matter how large the bribe. Kahit magkano pa ang ibayad, hindi niya ito tatanggapin.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]