Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 My son, pay attention to my wisdom; listen closely to my understanding, Anak, pakinggan mong mabuti ang mga sasabihin kong may karunungan,
2 so that you may guard discretion and your lips may preserve knowledge. upang malaman mo ang pagpapasya ng tama at matuto ka ring magsalita nang may karunungan.
3 For the lips of the forbidden woman drip honey, and her mouth is smoother than oil, Ang salita ng masamang babae ay kasintamis ng pulot at banayad tulad ng langis.
4 but in the end she is bitter as poison, sharp as a double-edged sword. Ngunit pagkatapos ay pait at sakit ang iyong makakamit na para bang sugat na mula sa espadang magkabila ang talim.
5 Her feet go down to death; her steps take hold of the grave. Kung susunod ka sa kanya, dadalhin ka niya sa kapahamakan, sapagkat ang nilalakaran niya ay patungo sa kamatayan.
6 She gives no thought to the path of life; her ways wander, and she does not know it. Hindi niya pinapansin ang daan patungo sa buhay. Ang dinadaanan niyaʼy liku-liko at hindi niya ito nalalaman.
7 And now, my sons, listen to me, and do not turn away from the words of my mouth. Kaya mga anak, pakinggan ninyo ako at sundin.
8 Keep your way far from her, and do not go near the door of her house, Lumayo kayo sa babaeng masama, at huwag kayong lumapit sa pintuan ng kanyang bahay.
9 lest you give your honor to others and your years to one who is cruel, Dahil baka masira ang inyong dangal at mapunta sa iba, at mamatay kayo sa kamay ng mga taong walang awa.
10 lest strangers take their fill of your strength, and your hard-earned labors go to the house of a foreigner, At ang lahat ng kayamanan ninyo at ang inyong mga pinagpaguran ay mapupunta sa iba, sa mga taong hindi ninyo kilala.
11 and at your end you groan, when your flesh and body are consumed, Saka kayo mananangis kapag malapit na kayong mamatay, kapag butoʼt balat na lamang at wala nang lakas.
12 and you say, "How I hated discipline, and my heart despised correction! Saka ninyo sasabihin, “Sayang hindi ko kasi pinansin ang mga pagtutuwid sa akin; nagmatigas ako at sinunod ang gusto ko.
13 I did not listen to the voice of my teachers or heed my instructors. Hindi ako nakinig sa aking mga guro, at hindi nagbigay-pansin sa aking mga tagapayo.
14 I was at the brink of utter ruin in the midst of the assembled congregation." Kaya ngayon, narito ako sa gitna ng kapahamakan at kahihiyan.”
15 Drink water from your own cistern, flowing water from your own well. Ang asawa mo lamang ang dapat mong sipingan. Ika nga, inumin mo lamang ang tubig sa sarili mong balon.
16 Should your springs overflow in the streets, your streams of water in the public squares? Huwag kang sisiping sa kung kani-kanino diyan. Kung baga, huwag mong ikalat ang iyong tubig sa lansangan.
17 Let them be yours alone, and not shared with strangers. Ang tubig sa iyong balon ay para lamang sa iyong asawa at hindi ibinabahagi sa iba.
18 May your fountain be blessed, and rejoice in the wife of your youth, Pagpalain sana ang iyong asawa. Maging maligaya ka sa kanya, na napangasawa mo noong kayoʼy mga bata pa.
19 a loving doe, a graceful deer. May her love satisfy you always; may you be captivated continually by her love. Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa. Lagi ka sanang masisiyahan sa kanyang dibdib, at aakitin parati ng kanyang pag-ibig.
20 Why then, my son, should you be captivated by a forbidden woman and embrace another man's wife? Anak, bakit ka paaakit sa babaeng mahalay? Bakit mo yayakapin ang dibdib niya?
21 For a man's ways are before the eyes of our Father, and he examines all the man's paths. Sapagkat nakikita ng Panginoon ang lahat ng iyong ginagawa; saan ka man naroroon, tinitingnan ka niya.
22 The wicked are caught by their own wrongdoing and held fast in the cords of their sin. Ang masasamang tao ay bihag ng kanilang kasamaan; para itong bitag na huhuli sa kanila.
23 He will die for lack of discipline, and he will go astray because of his great foolishness. Mamamatay sila dahil wala silang disiplina; silaʼy iniligaw ng kahangalan nila.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]