Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Listen, my children, to a father's instruction; pay attention, and gain understanding. Mga anak, pakinggan ninyong mabuti ang mga pagtutuwid ng inyong ama sa inyong pag-uugali, upang lumawak ang inyong pang-unawa.
2 I am giving you sound teaching, so do not abandon my instruction. Mabuti ang itinuturo kong ito, kaya huwag ninyong ipagwalang bahala.
3 For I too was a son to my father, tender and the only beloved of my mother. Noong bata pa ako at nasa piling pa ng aking mga magulang, mahal na mahal ako ng aking ina bilang nag-iisang anak.
4 He taught me and said, "Let your heart hold on to my words; keep my commands and you will live. Tinuruan ako ni ama. Sinabi niya sa akin, “Anak, ingatan mo sa iyong puso ang mga itinuturo ko. Sundin mo ang mga utos ko at mabubuhay ka nang matagal.
5 Get wisdom, get understanding; do not forget, and do not turn away from the words of my mouth. Pagsikapan mong magkaroon ng karunungan at pang-unawa. Huwag mong kalilimutan ang mga sinasabi ko at huwag kang hihiwalay dito.
6 Do not forsake her, and she will protect you; love her, and she will watch over you. Huwag mong tanggihan ang karunungan, sa halip pahalagahan mo ito, dahil iingatan ka nito.
7 The beginning of wisdom is this: get wisdom; and with all you acquire, get understanding. Pinakamahalaga sa lahat ang karunungan at pang-unawa. Sikapin mong magkaroon nito kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan mo.
8 Cherish her, and she will lift you high; embrace her, and she will bring you honor. Tanggapin moʼt pahalagahan ang karunungan, dahil magbibigay ito sa iyo ng karangalan.
9 She will set a garland of grace on your head; she will present you with a crown of glory." Magiging parang koronang bulaklak ito na magbibigay sa iyo ng kagandahan.”
10 Listen, my son, and receive my words, and the years of your life will be many. Anak, pakinggan mo at tanggapin ang mga sinasabi ko sa iyo upang humaba ang iyong buhay.
11 I have taught you the way of wisdom; I have led you along straight paths. Tinuruan na kita ng karunungan, kung paano mamuhay sa katuwiran.
12 When you walk, your steps will not be held back; and when you run, you will not stumble. Kapag ikaw ay naglalakad, walang haharang sa iyong mga hakbang. Kapag ikaw ay tumatakbo, hindi ka matatalisod.
13 Hold on to instruction, do not let go; guard her, for she is your life. Huwag mong kalilimutan ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali; ingatan mo ito sa puso mo sapagkat mabubuhay ka sa pamamagitan nito.
14 Do not set foot on the path of the wicked, and do not walk in the way of evildoers. Huwag mong susundan ang daan ng mga masasamâ. Huwag mong gagayahin ang ginagawa nila.
15 Avoid it, do not travel on it; turn away from it and pass on by. Iwasan mo ito at huwag itong dadaan. Talikuran mo ito at magpatuloy sa matuwid na daan.
16 For they cannot sleep unless they do wrong; they are robbed of rest unless they make someone stumble. Sapagkat ang taong masama ay hindi makatulog kapag hindi nakakagawa ng masama o walang naipapahamak.
17 They feed on the bread of wickedness and drink the wine of violence. Ang pagkain nila ay paggawa ng kasamaan at ang inumin nila ay paggawa ng karahasan.
18 But the path of the righteous is like the light of dawn, shining brighter and brighter until the full light of day. Ang pamumuhay ng taong matuwid ay parang sikat ng araw na lalong nagliliwanag habang tumatagal.
19 The way of the wicked is like deep darkness; they do not know what makes them stumble. Ngunit ang pamumuhay ng taong masama ay parang kadiliman; hindi niya alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagbagsak.
20 My son, pay attention to my words; listen closely to my sayings. Anak, pakinggan mong mabuti ang itinuturo ko sa iyo.
21 Never lose sight of them; keep them deep within your heart. Huwag mo itong kalilimutan kundi ingatan sa puso mo.
22 For they are life to those who find them, and healing to their whole body. Sapagkat magbibigay ito ng malusog na katawan at buhay sa sinumang makakasumpong nito.
23 Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it. Higit sa lahat, ingatan mo ang iyong isipan, sapagkat kung ano ang iyong iniisip iyon din ang magiging buhay mo.
24 Keep crooked speech from your mouth, and keep deceitful lips far from you. Huwag kang magsalita ng kasinungalingan at walang kabuluhan.
25 Let your eyes look straight ahead; fix your gaze directly before you. Ituon mo ang iyong paningin sa mga bagay na mabuti.
26 Give careful thought to the path for your feet, and all your ways will be secure. Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga gagawin upang magtagumpay ka.
27 Do not turn to the right or the left; keep your foot away from evil. Mamuhay ka sa katuwiran at layuan mo ang kasamaan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]