Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 141 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

Awit na isinulat ni David.

1Panginoon, tumatawag po ako sa inyo;nawaʼy agad ninyo akong tulungan.Dinggin ninyo ang panawagan ko sa inyo.

2Tanggapin nʼyo sana ang dalangin ko bilang insenso,ang pagtataas ko ng aking mga kamay bilang handog panggabi.

3Panginoon, tulungan nʼyo akong huwag makapagsalita ng masama.

4Ilayo nʼyo ako sa gawaing masama at sa mga taong gumagawa nito.Ilayo nʼyo rin ako sa kanilang mga handaan upang huwag makisalo.

5Tatanggapin ko ang parusa at pagsaway ng taong matuwid,dahil ginagawa niya ito na may pag-ibig at pagmamalasakit sa akin.Itoʼy parang langis sa aking ulo.Ngunit sa masasamang tao ang lagi kong panalanginay laban sa kanilang masasamang gawain.

6Kapag itinapon na ang kanilang mga pinuno sa mabatong bangin,maniniwala silang totoo ang mga sinasabi ko.

7Sasabihin nila, “Kakalat sa libingan ang mga buto natinkatulad ng mga bato na naglalabasan at kumakalat kapag inaararo ang lupa.”

8O Makapangyarihang Panginoon, akoʼy lumalapit sa inyo.Hinihiling ko sa inyo na ingatan nʼyo ako,huwag nʼyong hahayaang akoʼy mamatay.

9Ilayo nʼyo ako mula sa mga bitagna inilaan sa akin ng masasamang tao.

10Sila sana ang mahulog sa sarili nilang bitag,habang ako naman ay makakaiwas doon.

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]