Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Amos 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Hear this word our Father has spoken against you, children of Israel—against the whole family I brought up from Egypt: Kayong mga taga-Israel, na ang mga ninuno ay inilabas ng Panginoon sa Ehipto, pakinggan ninyo ang sasabihin niya laban sa inyo:
2 Of all the families of the earth, I have known only you; therefore I will hold you accountable for all your sins. “Sa lahat ng bansa sa buong mundo, kayo lamang ang aking pinili na maging mga mamamayan ko. Kaya parurusahan ko kayo dahil sa lahat ng inyong mga kasalanan.”
3 Do two walk together, unless they have agreed to meet? Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang tao kung hindi sila magkasundo?
4 Does a lion roar in the forest when he has no prey? Does a young lion cry out from his den if he has caught nothing? Umaatungal ba ang leon sa kagubatan kung wala siyang mabibiktima? Aatungal ba siya sa loob ng kanyang yungib kung wala siyang nahuli?
5 Does a bird fall into a snare on the ground when there is no trap for it? Does a snare spring up from the earth when it has caught nothing? Mahuhuli ba ang ibon kung walang pain na inilagay sa bitag? At iigkás ba ang bitag kung walang nahuli?
6 If a ram's horn is blown in a city, will the people not tremble? If disaster comes to a city, has our Father not done it? Hindi baʼt nanginginig sa takot ang mga tao sa tuwing patutunugin ang trumpeta na nagpapahiwatig na may paparating na kaaway? Mangyayari ba ang kapahamakan sa isang lungsod kung hindi ito pinahintulutan ng Panginoon?
7 Surely the Sovereign Father does nothing without revealing his secret to his servants the prophets. Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman ang Makapangyarihang Panginoon na hindi muna niya ipinababatid sa kanyang mga lingkod na propeta.
8 The lion has roared—who will not fear? The Sovereign Father has spoken—who can keep from prophesying? Sino ang hindi matatakot kung umaatungal na ang leon? Sino kaya ang hindi magpapahayag ng mensahe ng Makapangyarihang Panginoon kung ang Makapangyarihang Panginoon na mismo ang nagsasalita sa kanya?
9 Proclaim over the strongholds in Ashdod and over the strongholds in the land of Egypt, and say: "Assemble on the mountains of Samaria and see the great uproar within her, and the oppression in her midst." Ipahayag ninyo sa mga pinunong nakatira sa matitibay na bahagi ng Asdod at Ehipto, “Magtipon kayo sa mga burol sa paligid ng Samaria at tingnan ninyo ang kaguluhang nangyayari sa lungsod na ito at ang panggigipit sa mga mamamayan nito.”
10 They do not know how to do right, declares our Father—those who hoard up violence and plunder in their strongholds. Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon laban sa Samaria: “Hindi sila marunong gumawa ng matuwid. Ang matitibay na bahagi ng kanilang lungsod ay puno ng mga bagay na ninakaw at sinamsam.”
11 So the Sovereign Father says: An enemy will surround the land, topple your defenses, and loot your strongholds. Kaya ito ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Lulusubin sila ng mga kaaway at gigibain ang kanilang mga kampo. Sasamsamin ng mga kaaway ang mga ari-arian sa matitibay na bahagi ng kanilang lungsod.”
12 This is what our Father says: As a shepherd rescues two legs or a piece of an ear from the lion's mouth, so the children of Israel living in Samaria will be rescued—with a corner of a couch, part of a bed. Ito pa ang sinasabi ng Panginoon: “Ang maililigtas lang ng isang pastol sa tupang sinisila ng leon ay maaaring dalawang paa o isang tainga lamang. Ganoon din ang mangyayari sa inyong mga Israelitang nakatira sa Samaria; wala kayong maililigtas kundi bahagi na lamang ng inyong magagandang higaan.”
13 Hear, and testify against the house of Jacob, declares the Sovereign Father, the Father of heaven's armies: Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, Panginoong Diyos ng mga Hukbo, “Pakinggan ninyo ang sasabihin ko at sabihin din ninyo ito sa mga lahi ni Jacob:
14 On the day I punish Israel for his rebellions, I will also punish the altars of Bethel; the horns of the altar will be cut off and fall to the ground. Sa araw na parusahan ko ang mga taga-Israel dahil sa kanilang mga kasalanan, wawasakin ko ang mga altar sa Betel. Puputulin ko ang sungay ng mga sulok ng altar at mahuhulog ang mga ito sa lupa.
15 I will strike the winter house along with the summer house; the houses of ivory will perish, and the great houses will come to an end, declares our Father. Wawasakin ko ang kanilang mga bahay na pangtaglamig at ang mga bahay na pangtag-init. Wawasakin ko rin ang kanilang mamahalin at malalaking bahay,” sabi ng Panginoon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]