Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Amos 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Hear this word, you cows of Bashan who are on the mountain of Samaria, you who oppress the poor, who crush the needy, who say to your masters, "Bring us something to drink!" Pakinggan ninyo ito, mga babae sa bundok ng Samaria na parang mga pinatabang baka ng Bashan. Ginigipit ninyo ang mga dukha at inaapak-apakan ang mga nangangailangan. Inuutusan pa ninyo ang inyong asawa, “Dalhan mo pa kami ng maiinom!”
2 The Sovereign Father has sworn by his holiness: "The days are coming upon you when they will drag you away with hooks, and the last of you with fishhooks. Sumusumpa ang Makapangyarihang Panginoon sa kanyang kabanalan: “Tiyak na darating ang araw na kakaladkarin kayo bilang mga bihag na tulad ng mga isdang nabingwit.
3 You will go out through the breaches in the wall, each one straight ahead, and you will be flung out toward Harmon," declares our Father. Palalabasin nila kayo sa inyong lungsod sa pamamagitan ng mga siwang ng inyong gumuhong pader, at dadalhin nila kayo sa lupain ng Harmon,” sabi ng Panginoon.
4 "Come to Bethel and rebel; to Gilgal, and rebel all the more! Bring your sacrifices every morning, your tithes every three days. “Pumunta kayo sa Betel at gumawa kayo ng kasalanan. Pumunta kayo sa Gilgal at dagdagan pa ninyo ang mga ito. Dalhin ninyo ang inyong mga handog bawat umaga; dalhin ninyo ang inyong mga ikapu tuwing ikatlong araw.
5 Burn leavened bread as a thank offering, announce your freewill offerings, proclaim them aloud—for this is what you love to do, people of Israel!" declares the Sovereign Father. Sige, magsunog kayo ng tinapay na may pampaalsa bilang handog ng pasasalamat. Ipagmalaki ninyo ang mga iyan pati ang inyong mga handog na kusang-loob, dahil iyan ang gusto ninyong gawin,” sabi ng Makapangyarihang Panginoon.
6 "I gave you empty stomachs in every city and a lack of bread in every place, yet you did not return to me," declares our Father. “Ako ang nagpadala sa inyo ng taggutom sa lahat ng inyong mga lungsod at bayan; ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,” sabi ng Panginoon.
7 "I also withheld the rain from you while there were still three months to the harvest. I would send rain on one city and withhold it from another; one field would be rained on, and the field with no rain would dry up. “Ako rin ang pumigil sa ulan sa loob ng tatlong buwan bago dumating ang anihan. Pinauulan ko sa isang bayan ngunit sa iba ay hindi. Pinauulan ko sa isang bukirin ngunit sa ibang bukirin ay tigang.
8 So two or three cities would stagger to another city for water but not have enough to drink, yet you did not return to me," declares our Father. Ang mga taoʼy pasuray-suray na naghahanap ng tubig; palipat-lipat sila sa mga bayan, pero walang makuhang sapat na maiinom. Ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,” sabi ng Panginoon.
9 "I struck you with blight and mildew; the locust devoured your many gardens and vineyards, your fig trees and your olive trees, yet you did not return to me," declares our Father. “Sinira ko nang maraming beses ang inyong mga taniman at ubasan sa pamamagitan ng mainit na hangin at ng mga amag. Sinalakay ng mga balang ang inyong mga puno ng igos at olibo. Ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,” sabi ng Panginoon.
10 "I sent a plague against you like the one in Egypt; I killed your young men with the sword and carried off your horses. I made the stench of your camp rise into your nostrils, yet you did not return to me," declares our Father. “Pinadalhan ko kayo ng mga salot katulad ng mga ipinadala ko sa Ehipto. Ipinapatay ko ang inyong mga binata sa digmaan at ipinabihag ang inyong mga kabayo. Pinuno ko ang inyong mga ilong ng alingasaw ng mga patay sa inyong mga kampo. Ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,” sabi ng Panginoon.
11 "I overthrew some of you as I overthrew Sodom and Gomorrah, and you were like a stick snatched from the fire, yet you did not return to me," declares our Father. “Nilipol ko ang iba sa inyo katulad ng ginawa ko sa Sodoma at Gomora. At ang ilan sa inyo na nakaligtas ay parang panggatong na inagaw sa apoy. Ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
12 "Therefore this is what I will do to you, Israel; and because I will do this to you, prepare to meet your Father, O Israel!" “Kaya muli kong gagawin ang mga parusang ito sa inyong mga taga-Israel. At dahil gagawin ko ito, humanda kayo sa pagharap sa akin na inyong Diyos!”
13 For it is he who forms the mountains and creates the wind, who reveals his thoughts to mankind, who turns the dawn to darkness and treads on the heights of the earth—the Father of heaven's armies is his name. Ang Diyos ang lumikha ng mga bundok at ng hangin, at siya rin ang nagpapalipas ng araw para maging gabi. Ipinapaalam niya sa tao ang kanyang mga plano at siya ang namamahala sa buong mundo. Ang kanyang pangalan ay Panginoong Diyos ng mga Hukbo.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]