Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Amos 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Hear this word that I raise as a lament over you, house of Israel: Mga Israelita, pakinggan nʼyo itong panaghoy tungkol sa inyo:
2 Fallen, never to rise again, is the virgin Israel; she lies abandoned on her own land, with no one to raise her up. “Ang Israel na katulad ng isang babaeng birhen ay nabuwal at hindi na muling makabangon. Pinabayaan siyang nakahandusay sa sarili niyang lupain at walang tumutulong para ibangon siya.”
3 For the Sovereign Father says: The city that marches out 1,000 will have one hundred left; the one marching out one hundred will have ten left—for the house of Israel. Ito ang sinabi ng Makapangyarihang Panginoon, “Sa isang libong sundalo na ipapadala ng isang lungsod sa Israel, isang daan na lang ang matitira. At sa isang daang sundalo na kanyang ipapadala, sampu na lang ang matitira.”
4 For this is what our Father says to the house of Israel: Seek me and live. Ito ang sinasabi ng Panginoon sa Israel: “Dumulog kayo sa akin at mabubuhay kayo.
5 But do not seek Bethel, do not go to Gilgal, do not cross over to Beersheba; for Gilgal will surely go into exile, and Bethel will come to nothing. Huwag na kayong pumunta sa Betel, sa Gilgal, o sa Beer-seba, upang sumamba roon. Sapagkat siguradong bibihagin ang mga mamamayan ng Gilgal at mawawala ang Betel.”
6 Seek our Father and live, or he will sweep like fire through the house of Joseph; it will devour, with no one to quench it for Bethel. Dumulog kayo sa Panginoon, kayong mga lahi ni Jose, at mabubuhay kayo. Dahil kung hindi, lulusubin kayo na parang apoy. Kaya malilipol ang Betel at walang makakapigil nito.
7 You who turn justice into bitter poison and throw righteousness to the ground. Nakakaawa kayo! Ang katarungan ay ginagawa ninyong marumi at pinawawalang-halaga ninyo ang katuwiran!
8 He who made the Pleiades and Orion, who turns deep darkness into morning and darkens day into night, who summons the waters of the sea and pours them out over the face of the earth—our Father is his name. Ang Diyos ang lumikha ng grupo ng mga bituing tinatawag na Pleyades at Orion. Siya ang nagpapalipas ng liwanag sa dilim, at ng araw sa gabi. Tinitipon niya ang tubig mula sa karagatan upang pumunta sa mga ulap at muling ibuhos sa lupa sa pamamagitan ng ulan. Panginoon ang kanyang pangalan.
9 He flashes destruction on the strong, and ruin comes upon the fortress. Agad niyang winawasak ang matitibay na napapaderang bayan, at dinudurog ang napapaderang lungsod.
10 They hate the one who reproves in the gate, and they despise the one who speaks the truth. Kayong mga taga-Israel, napopoot kayo sa humahatol nang tama at nagsasabi ng totoo sa hukuman.
11 Therefore, because you trample on the poor and exact from him a tax of grain, you have built houses of cut stone, but you will not live in them; you have planted lovely vineyards, but you will not drink their wine. Inaapi ninyo ang mga mahihirap at pinipilit na magbigay sa inyo ng kanilang ani. Kaya hindi kayo makakatira sa ipinatayo ninyong mansyong bato, at hindi kayo makakainom ng katas mula sa itinanim ninyong mga ubas.
12 For I know how many are your offenses and how great your sins—you who afflict the righteous and take bribes and push aside the needy in the gate. Sapagkat alam ko kung gaano karami at kabigat ang inyong mga kasalanan. Inuusig ninyo ang mga taong walang kasalanan at kinikikilan pa ninyo. Hindi ninyo binibigyan ng hustisya sa hukuman ang mga mahihirap.
13 Therefore the prudent keep silent in such a time, for it is an evil time. Dahil naghahari ngayon ang kasamaan, ang marurunong ay tumatahimik na lang.
14 Seek good and not evil, that you may live; and so the Father of heaven's armies will be with you, just as you have claimed. Gawin na lamang ninyo ang mabuti at huwag ang masama para mabuhay kayo, at sasamahan kayo ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo, gaya nang inyong sinasabi.
15 Hate evil and love good, and establish justice in the gate; perhaps the Father of heaven's armies will be gracious to the remnant of Joseph. Kapootan ninyo ang masama at gawin ang mabuti, at pairalin ninyo ang hustisya sa inyong mga hukuman. Baka sakaling maawa ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo sa inyong mga natitira sa mga lahi ni Jose.
16 So the Father of heaven's armies says: In every square, wailing; in every street, they cry, "Alas! Alas!" They call the farmer to mourning, and those skilled in lament to wailing. Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Diyos ng mga Hukbo: “Darating ang araw na maririnig ang mga iyakan at panaghoy sa mga plasa at mga lansangan. Ipapatawag ang mga magsasaka upang umiyak sa mga patay kasama ng mga taong inupahan upang umiyak.
17 In all the vineyards there will be wailing, for I will pass through your midst, says our Father. May mga iyakan din sa inyong mga taniman ng ubas. Mangyayari ito dahil parurusahan ko kayo,” sabi ng Panginoon.
18 Woe to you who long for the day of our Father! Why would you want the day of our Father? It is darkness, not light. Nakakaawa kayong naghihintay sa araw ng paghatol ng Panginoon. Huwag ninyong isipin na araw iyon ng inyong kaligtasan. Sapagkat iyon ang araw na parurusahan kayo.
19 It will be as if a man fled from a lion only to meet a bear, or went into his house and rested his hand on the wall only to be bitten by a snake. Para kayong taong nag-aakalang ligtas na siya dahil nakatakas siya sa leon, pero nasalubong naman niya ang oso. O di kayaʼy nag-aakalang ligtas na siya dahil nasa loob na siya ng kanyang bahay, ngunit nang isinandal niya ang kanyang kamay sa dingding, tinuklaw ito ng ahas.
20 Will not the day of our Father be darkness, not light—pitch-dark, with no brightness in it? Tiyak na darating ang araw ng paghatol ng Panginoon at itoʼy magdudulot ng kaparusahan at hindi kaligtasan; katulad ito ng dilim na walang liwanag kahit kaunti man lang.
21 I hate, I despise your festivals; I take no delight in your solemn assemblies. Sinabi ng Panginoon sa mga Israelita, “Napopoot ako sa inyong mga pista; hindi ako nalulugod sa inyong ginagawang pagtitipon.
22 Even if you offer me burnt offerings and your grain offerings, I will not accept them; and the peace offerings of your fattened animals I will not even look at. Kaya kahit dalhan pa ninyo ako ng sari-saring handog, kahit pa ang pinakamabuting handog pangkapayapaan ay hindi ko tatanggapin.
23 Take away from me the noise of your songs; I will not listen to the music of your harps. Tigilan na ninyo ang maingay ninyong awitan. Ayokong makinig sa tugtog ng inyong mga alpa.
24 But let justice roll down like waters, and righteousness like an ever-flowing stream. Sa halip, nais kong makita na pinapairal ninyo ang katarungan at ang katuwiran na parang ilog na patuloy na umaagos.
25 Did you bring me sacrifices and offerings those forty years in the wilderness, house of Israel? “Mga mamamayan ng Israel, noong nasa ilang ang inyong mga ninuno sa loob ng apatnapung taon, naghandog ba sila sa akin? Hindi!
26 You have lifted up Sikkuth your king and Kiyyun your star-god, the images you made for yourselves. At ngayon ay buhat-buhat ninyo si Sakut, ang diyos-diyosang itinuturing ninyong hari, at si Kaiwan, ang diyos-diyosan ninyong bituin. Ginawa ninyo itong mga imahen para sambahin.
27 So I will send you into exile beyond Damascus, says our Father—the Father of heaven's armies is his name. Kaya ipapabihag ko kayo at dadalhin sa kabila pa ng Damasco,” sabi ng Panginoon na tinatawag na Panginoong Makapangyarihan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]