Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Amos 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 This is what our Father says: For three sins of Moab, and for four, I will not revoke it—he burned the bones of Edom's king to lime. Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Moab: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Moab, parurusahan ko sila. Sapagkat sinunog nila ang mga buto ng hari ng Edom hanggang sa maging abo ito.
2 So I will send fire on Moab, and it will devour the strongholds of Kerioth; Moab will die amid the uproar, with shouting and the sound of the shofar. Kaya susunugin ko ang Moab pati na ang matitibay na bahagi ng Keriot. Mamamatay ang mga taga-Moab habang nagsisigawan at nagpapatunog ng mga trumpeta ang kanilang mga kaaway na sumasalakay sa kanila.
3 I will cut off the ruler from her midst and kill all her officials with him, says our Father. Mamamatay pati ang kanilang hari at ang lahat ng kanyang mga opisyal,” sabi ng Panginoon.
4 This is what our Father says: For three sins of Judah, and for four, I will not revoke it—they rejected our Father's instruction and did not keep his rules, and their lies led them astray, the same lies their ancestors followed. Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Juda: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Juda, parurusahan ko sila. Sapagkat itinakwil nila ang aking mga kautusan at hindi nila sinunod ang aking mga tuntunin. Iniligaw sila ng paglilingkod nila sa mga diyos-diyosang pinaglingkuran din ng kanilang mga ninuno.
5 So I will send fire on Judah, and it will devour the strongholds of Jerusalem. Kaya susunugin ko ang Juda pati na ang matitibay na bahagi ng Jerusalem.”
6 This is what our Father says: For three sins of Israel, and four, I won't relent—they sell the righteous for silver, the needy for a pair of sandals. Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Israel: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Israel, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipin ang mga taong walang kasalanan dahil lamang sa kanilang utang. Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap kahit na isang pares lang na sandalyas ang utang.
7 They trample the heads of the poor into the dust of the earth and push the afflicted off the road. A man and his father go to the same girl, profaning my holy name. Ginigipit nila ang mga mahihirap at hindi binibigyan ng katarungan. Mayroon sa kanila na mag-amang nakikipagtalik sa iisang babae. Dahil dito nilalapastangan nila ang aking banal na pangalan.
8 They stretch out beside every altar on garments taken as collateral, and in the house of their God they drink the wine of those they have fined. Natutulog sila sa kanilang sambahan na suot ang damit na isinangla sa kanila ng mga mahihirap. At nag-iinuman sila sa aking templo ng alak na binili galing sa ibinayad ng mga mahihirap na may utang sa kanila.
9 Yet it was I who destroyed the Amorite before them, as tall as the cedars and as strong as the oaks; I destroyed his fruit above and his roots below. “Ngunit ako, ang ginawa ko para sa kanila na mga taga-Israel, nilipol ko ang mga Amoreo, kahit na kasintaas sila ng punong sedro at kasintibay ng punong ensina. Nilipol ko silang lahat at walang itinirang buhay.
10 And it was I who brought you up out of the land of Egypt and led you forty years in the wilderness, to take possession of the land of the Amorite. Inilabas ko rin sa Ehipto ang mga ninuno ng mga taga-Israel at pinatnubayan ko sila sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang masakop nila ang lupain ng mga Amoreo.
11 I raised up some of your sons as prophets and some of your young men as Nazirites. Is this not so, people of Israel? declares our Father. “Pinili ko ang ilan sa mga anak nila na maging propeta at Nazareo. Mga taga-Israel, hindi baʼt totoo itong sinasabi ko?” sabi ng Panginoon.
12 But you made the Nazirites drink wine, and you commanded the prophets, saying, "Do not prophesy." “Ngunit ano ang ginawa ninyo? Pinainom ninyo ng alak ang mga hinirang kong Nazareo at pinagbawalan ninyo ang mga propeta na sabihin ang ipinasasabi ko.
13 Look, I will crush you in your place, as a cart full of sheaves crushes the ground beneath it. “Kaya makinig kayo! Pahihirapan ko kayo katulad ng kariton na hindi na halos makausad dahil sa bigat ng karga.
14 Even the swift will find no escape, the strong will not hold on to his strength, and the warrior will not save his life. Kaya kahit na ang pinakamabilis tumakbo sa inyo ay hindi makakatakas, ang malalakas ay manghihina, at ang mga sundalo ay hindi maililigtas ang kanilang sarili.
15 The archer will not stand his ground, the fleet-footed will not escape, and the horseman will not save his life. Kahit na ang mga sundalong namamana sa labanan ay uurong. Ang mga sundalong mabilis tumakbo ay hindi makakatakas, at silang mga nakasakay sa kabayo ay hindi rin makakaligtas.
16 Even the bravest of the warriors will flee away naked on that day, declares our Father. Sa araw na iyon, kahit ang pinakamatapang na sundalo ay tatakas na nakahubad,” sabi ng Panginoon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]