Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Amos 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The words of Amos, a shepherd of Tekoa, which he saw about Israel when Uzziah ruled Judah and Jeroboam son of Joash ruled Israel, two years before the earthquake. Ito ang mga pahayag ni Amos na isa sa mga pastol ng kawan ng tupa sa bayan ng Tekoa. Ang mga pangitaing ito tungkol sa Israel ay ipinakita sa kanya noong panahon na si Uzias ang hari ng Juda at si Jeroboam na anak ni Jehoas ang hari ng Israel, dalawang taon bago lumindol.
2 He said: Our Father roars from Zion, sounds his voice from Jerusalem; the shepherds' pastures mourn, and Carmel's summit withers. Sinabi ni Amos: “Umaatungal ang Panginoon mula sa Zion; dumadagundong ang tinig niya mula sa Jerusalem. Dahil dito natutuyo ang mga pastulan ng mga pastol at nalalanta ang mga tanim sa tuktok ng Bundok ng Carmel.”
3 This is what our Father says: For three sins of Damascus, and for four, I will not turn it back, because they threshed Gilead with sledges of iron. Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Siria: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Damasco, parurusahan ko sila. Sapagkat pinagmalupitan nila ang mga taga-Gilead na parang giniik ng tabla na may mga ngiping bakal sa ilalim.
4 So I will send a fire upon the house of Hazael, and it will devour the strongholds of Ben-hadad. Kaya susunugin ko ang palasyo ni Haring Hazael at ang matitibay na bahagi ng Damasco na ipinagawa ng anak niyang si Haring Ben-hadad.
5 I will break the gate-bar of Damascus, and cut off the one who sits enthroned in the Valley of Aven and the one who holds the scepter in Beth-eden; and the people of Aram will go into exile to Kir, says our Father. Wawasakin ko ang pintuan ng Damasco at papatayin ko ang pinuno ng Lambak ng Aven at ng Bet-eden. Bibihagin at dadalhin sa Kir ang mga mamamayan ng Siria. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
6 So says our Father: For three crimes of Gaza, and for four, I will not reverse it—they exiled an entire people, handing them over to Edom. Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Filistia: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Gaza, parurusahan ko sila. Sapagkat binihag nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan at ipinagbili bilang mga alipin sa Edom.
7 So I will send a fire upon the wall of Gaza, and it will devour her strongholds. Kaya susunugin ko ang mga pader ng Gaza at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito.
8 I will cut off the one enthroned in Ashdod and the one who holds the scepter in Ashkelon; I will turn my hand against Ekron, and the remnant of the Philistines will perish, says the Sovereign Father. Lilipulin ko ang mga pinuno ng Asdod at ng Ashkelon, at parurusahan ko ang mga taga-Ekron. At ang mga Filisteong makakatakas sa parusa ay mamamatay din. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
9 So says our Father: For three sins of Tyre, and for four, I will not relent, because they handed over a whole community of exiles to Edom and forgot the covenant of brothers. Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Tiro: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Tiro, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbili nila ang lahat ng naninirahan sa mga bayan bilang mga alipin sa Edom. Hindi nila sinunod ang kanilang kasunduang pangkapatiran sa mga mamamayang ito.
10 So I will send a fire upon the wall of Tyre, and it will devour her strongholds. Kaya susunugin ko ang mga pader ng Tiro at ang matitibay na bahagi ng lungsod nito.”
11 This is what our Father says: For three sins of Edom, and for four, I will not relent, because he chased his brother with the sword, stifled all compassion, his anger tore endlessly, and he kept his wrath forever. Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Edom: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Edom, parurusahan ko sila. Sapagkat tinugis nila ang kanilang mga kamag-anak na mga Israelita at walang awang pinatay. Hinding-hindi mawawala ang kanilang galit sa mga Israelita.
12 So I will send a fire upon Teman, and it will devour the strongholds of Bozrah. Kaya susunugin ko ang Teman at ang matitibay na bahagi ng Bosra.”
13 This is what our Father says: For three sins of the Ammonites, and for four, I will not relent, because they ripped open Gilead's pregnant women to enlarge their border. Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Amon: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga Amonita, parurusahan ko sila. Sapagkat nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead nang salakayin nila ito, upang mapalawak ang kanilang lupain.
14 So I will kindle a fire on the wall of Rabbah, and it will devour her strongholds, with shouting on the day of battle, with a tempest on the day of the whirlwind. Kaya susunugin ko ang mga pader ng Rabba at ang matitibay na bahagi ng lungsod na ito habang nagsisigawan ang mga kaaway na sumasalakay sa kanila, na parang umuugong na bagyo.
15 And their king will go into exile, he and his officials together, says our Father. At bibihagin ang hari ng Amon gayon din ang kanyang mga opisyal,” sabi ng Panginoon.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]