Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Joel 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 "For look, in those days and at that time, when I restore the fortunes of Judah and Jerusalem, “Sa panahong iyon na ibabalik ko ang kasaganaan ng Juda at Jerusalem,
2 I will gather all the nations and bring them down to the Valley of Jehoshaphat. There I will judge them on behalf of my people, my inheritance Israel, whom they scattered among the nations; for they divided up my land, titipunin ko ang mga bansa at dadalhin ko sila sa Lambak ni Jehoshafat. Doon ko sila hahatulan dahil sa kanilang ginawa sa mga Israelita na aking mamamayan na pag-aari ko. Ikinalat nila ang mga Israelita sa ibaʼt ibang bansa at pinaghati-hatian ang aking lupain.
3 and they cast lots for my people. They traded a boy for a prostitute, and sold a girl for wine to drink. Nagpalabunutan sila upang paghati-hatian ang aking mga mamamayan, at ipinagbili nila bilang alipin ang mga batang lalaki at babae, upang ibili ng alak at ibayad sa babaeng bayaran.
4 "Now what do you have against me, Tyre and Sidon, and all the regions of Philistia? Are you repaying me for something I have done? If you are paying me back, I will swiftly and speedily bring what you have done back on your own heads. “Kayong mga taga-Tiro, taga-Sidon, at ang lahat ng lugar ng Filistia, ano ba itong ginagawa ninyo laban sa akin? Ginagantihan ba ninyo ako sa mga bagay na aking ginawa? Kung ganoon, gagantihan ko agad kayo sa inyong ginagawa.
5 For you took my silver and my gold and carried my finest treasures into your temples. Sapagkat kinuha ninyo ang aking mga ginto at pilak at iba pang mamahaling bagay at dinala ninyo ito doon sa inyong mga templo.
6 You sold the people of Judah and Jerusalem to the Greeks, to send them far away from their own land. Ipinagbili ninyo sa mga Griyego ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem bilang mga alipin, upang mailayo ninyo sila sa sarili nilang bayan.
7 "But look, I am rousing them from the place to which you sold them, and I will bring what you have done back on your own heads. “Ngunit tutulungan ko silang makaalis sa mga bayang pinagbilhan ninyo sa kanila, at gagawin ko sa inyo ang inyong ginawa sa kanila.
8 I will sell your sons and daughters to the people of Judah, and they will sell them to the Sabeans, to a nation far away—for our Father has spoken." Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda, at ipagbibili naman nila ang mga ito sa mga taga-Sabea na nakatira sa malayong lugar. Mangyayari nga ito, dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”
9 Proclaim this among the nations: Prepare for war! Rouse the warriors! Let all the fighting men draw near and come up. “Ipahayag mo ito sa mga bansa: Humanda kayo sa pakikipagdigma! Tawagin ninyo ang mga sundalo upang sumalakay.
10 Beat your plowshares into swords and your pruning hooks into spears; let the weakling say, "I am a warrior." Gawin ninyong mga espada ang sudsod ng inyong mga araro at gawin ninyong mga sibat ang inyong mga panggapas. Sasabihin ng mahina, ‘Ako ay malakas.’
11 Hurry and come, all you surrounding nations, and gather yourselves there. Bring down your warriors, our Father. Pumarito kayo, lahat kayong mga bansang nasa paligid, at magtipon kayo doon sa Lambak ni Jehoshafat. “Panginoon, pasulungin ninyo ang inyong mga mandirigma!
12 "Let the nations rouse themselves and come up to the Valley of Jehoshaphat; for there I will sit to judge all the surrounding nations. “Udyukin ang mga bansa na pumunta sa Lambak ni Jehoshafat. Doon, ako, ang Panginoon ay uupo upang silaʼy hatulan.
13 Swing the sickle, for the harvest is ripe. Come, trample, for the winepress is full and the vats overflow—for their wickedness is great." Para silang mga aanihin na kailangan nang gapasin dahil hinog na, o parang ubas na kailangan nang pisain dahil puno na ng ubas ang pisaan. Ubod sila ng sama; ang kanilang kasalanan ay parang alak na umaapaw sa sisidlan nito.”
14 Multitudes, multitudes in the valley of decision! For the day of our Father is near in the valley of decision. Napakaraming tao ang naroon sa Lambak ng Paghatol, dahil malapit nang dumating ang araw ng paghatol ng Panginoon.
15 The sun and the moon grow dark, and the stars hold back their light. Magdidilim ang araw at ang buwan, at hindi na magliliwanag ang mga bituin.
16 Our Father roars from Zion and raises his voice from Jerusalem; the heavens and the earth tremble. But our Father is a refuge for his people, a stronghold for the children of Israel. Aatungal na parang leon ang Panginoon mula sa Zion; dadagundong ang kanyang tinig mula sa Jerusalem. Kaya mayayanig a ng lupa at langit. Ngunit ang Panginoon ang matibay na kanlungan para sa mga Israelita na kanyang mamamayan.
17 "Then you will know that I am your Father, living in Zion, my holy mountain. Jerusalem will be holy, and foreigners will never pass through it again. “Malalaman ninyong mga taga-Juda na ako, ang Panginoon na inyong Diyos, ay nananahan sa Zion, ang aking banal na bundok. Magiging banal muli ang Jerusalem; hindi na ito muling lulusubin ng ibang bansa.
18 "And in that day the mountains will drip with sweet wine, the hills will flow with milk, and all the streambeds of Judah will run with water. A spring will flow from my house and water the Valley of Acacias. “Sa panahong iyon, pagpapalain ko kayo. Magiging sagana ang inyong bagong alak na mula sa maraming ubas sa mga bundok. Magiging sagana rin ang inyong gatas mula sa maraming baka at kambing na nanginginain sa mga burol. At hindi na matutuyuan ang inyong mga sapa at ilog. At may bukal mula sa templo ng Panginoon na dadaloy sa lambak na may mga punong akasya.
19 Egypt will become a wasteland and Edom a desolate wilderness, because of the violence done to the people of Judah, in whose land they shed innocent blood. Ang Ehipto ay magiging lugar na tiwangwang at ang Edom ay magiging ilang, dahil pinagmalupitan nila ang mga taga-Juda; pinatay nila ang mga taong walang kasalanan.
20 But Judah will be inhabited forever, and Jerusalem through all generations. Ngunit ang Juda at ang Jerusalem ay titirhan magpakailanman.
21 I will cleanse the guilt of the blood shed against them—which I have not yet cleansed—for our Father dwells in Zion." Hahayaan ko na lamang bang dumanak ang inosenteng dugo at hindi ako maghihiganti? Hindi ako papayag!” Nananahan ang Panginoon sa Zion.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]