Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Joel 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Blow the ram's horn in Zion; sound the alarm on my holy mountain! Let all who live in the land tremble, for the day of our Father is coming—it is near: Hipan ninyo ang trumpeta; bigyang babala ang mga tao sa Zion, ang banal na bundok ng Panginoon. Lahat kayong nakatira sa Juda, manginig kayo sa takot, dahil malapit na ang araw ng paghatol ng Panginoon.
2 A day of darkness and gloom, a day of clouds and thick darkness. Like dawn spreading across the mountains, a great and mighty army comes—nothing like it has ever been before, and nothing like it will ever come again. Magiging maulap at madilim ang araw na iyon. Kakalat ang napakaraming balang sa mga kabundukan na parang sinag ng araw kapag nagbubukang-liwayway. Wala pang nangyaring kagaya nito noon, at hindi na mangyayari ang katulad nito kahit kailan.
3 Before them fire devours, and behind them a flame blazes. The land before them is like the garden of Eden, but behind them a desolate wilderness—and nothing escapes them. Sunod-sunod na sumalakay ang mga balang na parang apoy. Bago sila dumating ang lupain ay parang halamanan ng Eden. Ngunit nang masalakay na nila, para na itong disyerto. Wala silang halamang itinira.
4 They look like horses; like war horses they charge. Parang kabayo ang kanilang anyo, at kasimbilis sila ng mga kabayong pandigma.
5 Like the rumbling of chariots they leap over the mountaintops, like the crackling of flame consuming stubble, like a mighty army drawn up for battle. Ang ingay ng kanilang paglukso sa ibabaw ng mga bundok ay parang mga karwaheng tumatakbo at parang ingay ng nasusunog na dayami. Tulad sila ng makapangyarihang hukbo na handang makipagdigma.
6 Before them peoples writhe in anguish; every face grows pale. Ang mga taong makakakita sa kanila ay mamumutla sa takot.
7 Like warriors they charge; like soldiers they scale the wall. Each marches in line, never swerving from its course. Sumasalakay sila at umaakyat sa mga pader na parang mga sundalo. Diretso ang kanilang paglakad at hindi lumilihis sa kanilang dinadaanan.
8 They do not jostle one another; each keeps to its own path. They burst through the weapons and are not halted. Hindi sila nagtutulakan, at kahit makasalubong nila ang mga sandata ng kaaway, hindi sila naghihiwa-hiwalay.
9 They rush upon the city; they run along the wall. They climb into the houses; through the windows they enter like a thief. Sinasalakay nila ang lungsod at inaakyat ang mga pader nito. Inaakyat nila ang mga bahay at pumapasok sa mga bintana na parang magnanakaw.
10 Before them the earth quakes, the heavens tremble. The sun and moon grow dark, and the stars no longer shine. Nayayanig ang lupa at ang langit sa kanilang pagdating. At nagdidilim ang araw at ang buwan, at nawawalan ng liwanag ang mga bituin.
11 Our Father raises his voice at the head of his army; his camp is very great, and mighty are those who carry out his word. The day of our Father is great and utterly terrifying—who can endure it? Dumadagundong ang sigaw ng Panginoon habang pinamumunuan ang kanyang hukbo; lubhang napakarami ng kanyang mga sundalo, at makapangyarihan ang mga sumusunod sa kanyang utos. Dakila ang araw ng paghatol ng Panginoon; itoʼy sadyang kakila-kilabot. Sino ang makakatiis nito?
12 "Yet even now," declares our Father, "return to me with all your heart, with fasting, with weeping, and with mourning. Sinabi ng Panginoon, “Gayunman, magbalik-loob kayo sa akin nang buong puso, may pag-aayuno, pananangis at pagdadalamhati.”
13 "Tear your hearts, not your garments. Return to your Father, for he is gracious and compassionate, slow to anger and abounding in covenant love, and he relents from sending disaster. Magsisi kayo nang buong puso at hindi pakitang-tao lamang tulad ng pagpunit ninyo ng inyong mga damit. Magbalik-loob kayo sa Panginoon na inyong Diyos, sapagkat siyaʼy mahabagin at mapagmalasakit, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig. Naghuhunos-dili siya at hindi itinutuloy ang kanyang parusa.
14 Who knows? He may turn and relent and leave behind a blessing—a grain offering and a drink offering for your Father." Baka sakaling magbago ang isip ng Panginoon na inyong Diyos at pagpalain kayo ng masaganang ani, upang makapaghandog kayo sa kanya ng mga butil at inumin.
15 Blow a shofar in Zion; consecrate a fast; call a sacred assembly. Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion at ipaalam sa mga tao na magtipon sila at mag-ayuno.
16 Gather the people; consecrate the assembly; bring together the elders; gather the children, even the infants nursing at the breast. Let the bridegroom come out of his room, and the bride from her chamber. Gawin ninyo ang seremonya ng paglilinis at magtipon kayong lahat, bata at matanda, pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal.
17 Let the priests who minister before our Father weep between the portico and the altar. Let them say, "Spare your people, our Father, and do not make your inheritance an object of scorn, a byword among the nations. Why should they say among the peoples, 'Where is their God?'" Hayaan ang mga pari na naglilingkod sa harapan ng Panginoon na umiyak sa pagitan ng altar at balkonahe ng templo. Manalangin sila ng ganito: “Panginoon, mahabag po kayo sa inyong bayan. Huwag ninyong payagan na silaʼy hiyain at sakupin ng ibang bansa na nagsasabi, ‘Nasaan ang kanilang Diyos?’ ”
18 Then our Father became jealous for his land and took pity on his people. Nagmamalasakit ang Panginoon sa kanyang bayan at naaawa siya sa kanyang mga mamamayan.
19 Our Father answered his people: "Look, I am sending you grain, new wine, and oil, and you will be satisfied with them. Never again will I make you an object of scorn among the nations." Sumagot ang Panginoon sa kanila, “Bibigyan ko kayo ng mga butil, bagong alak, at langis, at mabubusog kayo. Hindi ko papayagang hiyain kayo ng ibang bansa.
20 "I will drive the northern army far from you, pushing it into a parched and desolate land—its front ranks into the Dead Sea and its rear into the Mediterranean Sea. Its stench will rise; its foul smell will go up, for it has done monstrous things. “Palalayasin ko ang mga sasalakay sa inyo mula sa hilaga at itataboy ko sila sa disyerto. Itataboy ko ang unang pulutong nila sa Dagat na Patay at ang huling pulutong ay itataboy ko sa Dagat ng Mediteraneo. At aalingasaw ang kanilang mga bangkay.” Tunay na kamangha-mangha ang ginawa ng Panginoon.
21 Don't be afraid, land; rejoice and be glad, for our Father has done great things! Hindi dapat matakot ang lupain ng Juda, sa halip dapat itong magalak dahil sa kamangha-manghang ginawa ng Panginoon.
22 Do not be afraid, you animals of the field, for the pastures of the wilderness are turning green; the tree bears its fruit; the fig tree and the vine yield their riches. Huwag matakot ang mga hayop, dahil luntian na ang mga pastulan at namumunga na ang mga punongkahoy, pati na ang mga igos, gayon din ang mga ubas.
23 Be glad, children of Zion, and rejoice in your Father, for he has given you the autumn rain to show his faithfulness; he sends down for you abundant showers, the autumn and the spring rains, as before. Magalak kayong mga taga-Zion, sa ginawa sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos. Sapagkat binigyan niya kayo ng unang ulan at nasundan pa ito gaya ng dati upang ipakita na matuwid siya.
24 The threshing floors will be full of grain; the vats will overflow with new wine and oil. Mapupuno ng butil ang mga giikan, at aapaw ang bagong alak at langis sa mga pisaan nito.
25 I will repay you for the years the locusts have eaten—the swarming locust, the young locust, the destroying locust, and the cutting locust—my great army that I sent among you. Sapagkat sinasabi ng Panginoon, “Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo noong mga panahong sinalakay ang inyong mga pananim ng sunod-sunod na pulutong ng mga balang na iyon. Ako ang nagpadala sa inyo ng napakalaking pulutong ng mga balang.
26 You will eat your fill and be satisfied, and you will praise the name of your Father, who has dealt wondrously with you; and never again will my people be put to shame. Magkakaroon na kayo ngayon ng saganang pagkain at lubusang mabubusog. At dahil dito, pupurihin ninyo ako, ang Panginoonna inyong Diyos, na gumawa ng mga kamangha-manghang bagay na iyon. At kayong aking mga mamamayan ay hindi na mapapahiya kailanman.
27 Then you will know that I am in the midst of Israel, and that I am your Father, and there is no other; and never again will my people be put to shame. Malalaman ninyong akoʼy sumasainyo na mga taga-Israel, at ako lamang ang Panginoon na inyong Diyos at wala nang iba pa. Kayong aking mga mamamayan ay hindi na mapapahiya kailanman.
28 "And afterward, I will pour out my Spirit on all flesh. Your sons and your daughters will prophesy, your old men will dream dreams, your young men will see visions. “At pagkatapos, ibibigay ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Ang inyong mga anak na lalaki at babae ay magpapahayag ng mga propesiya. Ang inyong matatandang lalaki ay mananaginip, at ang inyong mga binata ay makakakita ng mga pangitain.
29 Even on the male servants and the female servants in those days I will pour out my Spirit. Sa mga araw na iyon, ibibigay ko rin ang aking Espiritu sa mga utusang lalaki at babae.
30 I will show wonders in the heavens and on the earth—blood and fire and columns of smoke. Magpapakita ako ng mga himala sa langit at sa lupa: May makikitang dugo, apoy, at makapal na usok.
31 The sun will be turned to darkness and the moon to blood before the great and awesome day of our Father comes." Magdidilim ang araw at magkukulay-dugo ang buwan. Mangyayari ito bago dumating ang kamangha-manghang araw ng paghuhukom ng Panginoon.
32 And this will happen: everyone who calls on the name of the Lord will be saved; for on Mount Zion and in Jerusalem there will be deliverance, as our Father has said, among the survivors whom our Father calls. Ang sinumang hihingi ng tulong sa Panginoon ay maliligtas sa parusang darating. Sapagkat ayon sa sinabi ng Panginoon, may matitirang mga Israelita sa Bundok ng Zion, ang Jerusalem. Sila ang mga pinili ng Panginoon na maliligtas.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]