Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Psalms 148 OASD

Side by side with the Father's Heart Bible™

1Purihin ang Panginoon!Purihin ninyo ang Panginoon,kayong mga nasa langit.

2Purihin ninyo siya,kayong lahat ng kanyang anghel na hukbo niyasa langit.

3Purihin ninyo siya, araw, buwanat nagniningning na mga bituin.

4Purihin ninyo siya, pinakamataas na langitat tubig sa kalawakan.

5Lahat ng nilalang ay magpuri sa Panginoon!Sa kanyang utos silang lahat ay nalikha.

6Inilagay niya sila sa kanilang kinalalagyan,at mananatili roon magpakailanman,ayon sa kanyang utos sa kanila.

7Purihin ang Panginoon,kayong nasa mundo,malalaking hayop sa karagatan,at lahat ng nasa kailaliman ng dagat,

8mga kidlat at ulan na yelo, niyebe, mga ulap,at malalakas na hangin na sumusunodsa kanyang utos,

9mga bundok, mga burol,mga punongkahoy na namumunga o hindi,

10lahat ng mga hayop, maamo o mailap,mga hayop na gumagapang at lumilipad.

11Purihin ninyo ang Panginoon,kayong mga hari, mga pinuno,mga tagapamahala,at lahat ng tao sa mundo,

12mga kabataan, matatanda at mga bata.

13Lahat ay magpuri sa Panginoon,dahil siyaʼy dakila sa lahat,at ang kanyang kapangyarihanay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa.

14Pinalalakas niya at pinararangalanang kanyang mga tapat na mamamayan,ang Israel na kanyang pinakamamahal.Purihin ang Panginoon!

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]