Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 31 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The words of King Lemuel—an oracle his mother taught him: Ito ang mga kawikaan ni Haring Lemuel na taga-Masa. Ito ang mga itinuro sa kanya ng kanyang ina:
2 What, my son? What, son of my womb? What, son of my vows? Makinig ka, aking anak. Makinig ka, anak ng aking sinapupunan. Makinig ka, anak, ang sagot sa aking mga panalangin.
3 Do not give your strength to women, or your ways to those who destroy kings. Huwag mong sasayangin ang iyong lakas at pera sa mga babae, sapagkat sila ang dahilan kung bakit napapahamak ang mga hari.
4 It is not for kings, Lemuel—not for kings to drink wine, or for rulers to crave strong drink. Lemuel, hindi dapat uminom ng alak ang isang hari. Ang mga namumuno ay hindi dapat maghangad ng inumin na nakalalasing.
5 For if they drink, they will forget what is decreed and pervert the rights of all the oppressed. Sapagkat kapag nalasing na sila, kadalasan ay nakakalimutan na nila ang kanilang tungkulin, at hindi nila nabibigyan ng katarungan ang mga nasa kagipitan.
6 Give strong drink to one who is perishing, and wine to those in bitter distress. Hayaan mong mag-inom ang mga taong nawalan na ng pag-asa at naghihirap ang kalooban,
7 Let them drink and forget their poverty, and remember their misery no more. upang makalimutan nila ang kanilang mga kasawian at kahirapan.
8 Open your mouth for the voiceless, for the rights of all who are left destitute. Ipagtanggol mo ang karapatan ng mga taong kahabag-habag, na hindi maipagtanggol ang kanilang mga sarili.
9 Open your mouth, judge righteously, and defend the rights of the poor and needy. Humatol ka nang walang kinikilingan, at ipagtanggol ang karapatan ng mga mahihirap at nangangailangan.
10 A woman of valor—who can find her? She is far more precious than jewels. Mahirap hanapin ang mabuting asawa. Higit pa sa mamahaling alahas ang kanyang halaga.
11 The heart of her husband trusts in her, and he will lack nothing of value. Lubos ang tiwala sa kanya ng kanyang asawa, at wala na itong mahihiling pa sa kanya.
12 She does him good and not harm, all the days of her life. Kabutihan at hindi kasamaan ang ginagawa niya sa kanyang asawa habang siya ay nabubuhay.
13 She seeks out wool and flax, and works with willing hands. Masigasig siyang humahabi ng mga telang lino at lana.
14 She is like the merchant ships, bringing her food from afar. Tulad siya ng barko ng mga mangangalakal; nagdadala siya ng mga pagkain kahit galing pa siya sa malayong lugar.
15 She rises while it is still night, provides food for her household, and portions for her servant girls. Maaga siyang gumigising upang ipaghanda ng pagkain ang kanyang pamilya, at para sabihan ang mga babaeng katulong ng mga dapat nilang gawin.
16 She considers a field and buys it; from the fruit of her hands she plants a vineyard. Marunong siyang pumili ng lupa na kanyang bibilhin. At mula sa kanyang sariling ipon, pinapataniman niya ito ng ubas.
17 She wraps herself in strength and makes her arms strong. Malakas, masipag at mabilis siyang gumawa.
18 She perceives that her trading is profitable; her lamp does not go out at night. Magaling siyang magnegosyo, at matiyagang nagtatrabaho hanggang gabi.
19 She puts her hands to the spinning staff, and her hands grasp the spindle. Sa kanyang kamay ay hawak niya ang sinulid, at nakakapit sa panghabi ang kanyang mga daliri.
20 She opens her hand to the poor and reaches out her hands to the needy. Matulungin siya sa mahihirap at mga nangangailangan.
21 She has no fear for her household when it snows, for all her household are clothed in scarlet. Hindi siya nag-aalala, dumating man ang taglamig, dahil may makakapal siyang tela para sa kanyang pamilya.
22 She makes coverings for herself; her clothing is fine linen and purple. Siya na rin ang gumagawa ng mga kobre-kama, at ang kanyang mga damit ay gawa sa pinong lino at lanang kulay ube.
23 Her husband is known in the gates, when he sits among the elders of the land. Kilala ang asawa niya bilang isa sa mga tagapamahala ng bayan.
24 She makes linen garments and sells them, and supplies sashes to the merchants. Gumagawa rin siya ng damit at sinturon, at ipinagbibili sa mga mangangalakal.
25 Strength and dignity are her clothing, and she laughs at the days to come. Malakas at iginagalang siya, at hindi siya nangangamba para sa kinabukasan.
26 She opens her mouth with wisdom, and faithful instruction is on her tongue. Nagsasalita siya nang may karunungan, at nagtuturo nang may kabutihan.
27 She watches over the ways of her household and does not eat the bread of idleness. Masipag siya, at inaalagaang mabuti ang kanyang pamilya.
28 Her children rise up and call her blessed; her husband also, and he praises her: Pinupuri siya ng kanyang mga anak, at pinupuri rin ng kanyang kabiyak na nagsasabi,
29 "Many daughters have done valiantly, but you surpass them all." “Maraming mga babae ang mahuhusay, subalit sa iyo ay walang makapapantay.”
30 Charm is deceptive and beauty is fleeting, but a woman who reveres our Father—she will be praised. Ang pagiging kaakit-akit ay makapandaraya, at ang kagandahan ay kumukupas. Ngunit ang babaeng may takot sa Panginoon ay dapat purihin.
31 Give her the fruit of her hands, and let her works praise her in the gates. Dapat siyang gantimpalaan sa kanyang ginawang kabutihan at parangalan sa karamihan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]