Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 30 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The words of Agur son of Jakeh—the oracle. The man declares: I am weary, O my Father; I am weary, O my Father, and worn out. Ito ang mga kawikaan at pahayag ni Agur na anak ni Jakeh. Sinabi niya: “Panginoon, ako po ay pagod. Pagod na pagod na po ako at hinang-hina na.
2 Surely I am too brutish to be a man; I do not have the understanding of a man. Ako ang pinakamangmang sa lahat ng tao. Ang isip koʼy parang hindi sa tao.
3 I have not learned wisdom, nor do I have knowledge of the Holy One. Hindi ko natutunan ang karunungan, at hindi ko nakamtan ang katalinuhan ng Nag-iisang Banal.
4 Who has ascended to heaven and come down? Who has gathered the wind in the hollow of his hands? Who has wrapped the waters in a garment? Who has established all the ends of the earth? What is his name, and what is his son's name? Surely you know! May tao bang nakaakyat na sa langit at bumaba sa mundo? May tao bang nakadakot ng hangin sa kanyang mga kamay o kaya ay nakabalot ng tubig sa kanyang damit? May tao bang nakapaglagay ng hangganan sa mundo? Kung may kilala ka, sabihin mo sa akin ang kanyang pangalan at ang pangalan ng kanyang anak.
5 Every word of our Father proves true; he is a shield to those who take refuge in him. Ang bawat salita ng Diyos ay tunay na mapagkakatiwalaan. Siya ay tulad ng panangga sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.
6 Do not add to his words, or he will rebuke you and prove you a liar. Huwag mong dadagdagan ang kanyang mga salita, dahil kung gagawin mo ito, sasawayin ka niya at ipapakita na ikaw ay sinungaling.”
7 Two things I ask of you; do not withhold them from me before I die: Panginoon, may dalawang bagay akong hihilingin sa inyo. Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akin bago ako mamatay.
8 Keep falsehood and lies far from me; give me neither poverty nor riches; feed me only the bread that is my portion, Una, ilayo ninyo ako sa kasinungalingan at kabulaanan. Pangalawa, huwag ninyo akong gawing mayaman o mahirap, sa halip bigyan lamang ninyo ako ng pagkain na aking kakailanganin.
9 for if I am full, I may deny you and say, "Who is God?" or if I am poor, I may steal and profane the name of my God. Dahil kung yumaman ako, baka sabihin kong hindi ko na kailangan ang Panginoon; at kung ako naman ay maghirap, baka matuto akong magnakaw at mailagay ko kayo sa kahihiyan.
10 Do not slander a servant to his master, or he will curse you and you will be found guilty. Huwag mong sisiraan ang katulong sa harap ng kanyang amo, baka isumpa ka niya at magdusa ka.
11 There is a generation that curses its father and does not bless its mother. May mga sumusumpa sa kanilang mga ama at hindi pinagpapala ang kanilang mga ina.
12 There is a generation clean in its own eyes yet not washed of its filth. May mga malilinis ang turing sa sarili, subalit hindi sila nalilinis sa kanilang karumihan.
13 There is a generation—how proud its eyes, how scornful its glances! May mga taong mapagmataas na kung tumingin akala mo kung sino.
14 There is a generation whose teeth are swords, whose fangs are knives, to devour the poor from the earth and the needy from among mankind. May mga tao namang sakim at napakalupit, pati mahihirap ay kanilang ginigipit.
15 The leech has two daughters: "Give" and "Give." Three things are never satisfied; four never say, "Enough": “Ang mga taong sakim ay parang linta. Ang laging sinasabi ay, ‘Bigyan mo ako!’ “May tatlong bagay na hindi nakokontento, apat na hindi nagsasabi ng ‘Tama na!’:
16 The grave, the barren womb, the land never satisfied with water, and the fire that never says, "Enough." ang libingan, ang baog na sinapupunan, ang lupang palaging tigang na sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman magsasabi ng ‘Tama na!’
17 The eye that mocks a father and scorns to obey a mother—the ravens of the valley will pluck it out, and the young vultures will eat it. “Ang anak na kumukutya at sumusuway sa kanyang magulang ay tutukain ng uwak sa mga mata, at kakainin ng mga agila ang bangkay niya.
18 Three things are too wonderful for me; four I do not understand: “May tatlong bagay na para sa akin ay kamangha-mangha, apat na hindi ko maunawaan:
19 the way of an eagle in the sky, the way of a serpent on a rock, the way of a ship in the heart of the sea, and the way of a man with a young woman. Kung paano nakakalipad ang agila sa kalangitan, kung paano nakakagapang ang ahas sa batuhan, kung paano nakapaglalayag ang barko sa karagatan, at ang pamamaraan ng lalaki sa isang dalaga.
20 This is the way of an adulteress: she eats and wipes her mouth and says, "I have done no wrong." “Ganito ang ginagawa ng babaeng nagtataksil sa kanyang asawa: Sumisiping siya sa ibang lalaki pagkatapos sasabihin niya, ‘Wala akong ginagawang masama.’
21 Under three things the earth trembles; under four it cannot bear up: “May tatlong bagay na sa daigdig ay yumayanig, apat na bagay na hindi nito matitiis,
22 a servant when he becomes king, and a fool when he is filled with food; Ang aliping naging hari, ang mangmang na sagana sa pagkain,
23 an unloved woman when she finally marries, and a servant girl when she displaces her mistress. ang babaeng masungit na nakapag-asawa, at ang babaeng alipin na pumalit sa kanyang amo.
24 Four things on earth are small, yet they are exceedingly wise: “Dito sa lupa ay may apat na nilalang, na salat sa laki ngunit pambihira ang katalinuhan:
25 the ants are a people not strong, yet they store up their food in the summer; Ang mga langgam, kahit hindi kalakasan, nag-iipon sila ng pagkain kung tag-araw.
26 the rock badgers are a people not mighty, yet they make their homes in the cliffs; Ang mga badyer, kahit mahihina sila, nakagagawa sila ng kanilang tirahan sa mabatong lugar.
27 the locusts have no king, yet all of them advance in ranks; Ang mga balang, kahit walang hari, maayos na lumilipad nang sama-sama.
28 the lizard you can catch in your hands, yet it is found in kings' palaces. Ang mga butiki, kahit madaling hulihin ng kamay, matatagpuan kahit sa palasyo ng hari.
29 Three things are stately in their stride; four are stately in their walk: “May apat na nilalang na akala mo kung sino kapag lumakad:
30 the lion, mightiest among beasts, which turns back before nothing; ang leon (pinakamatapang sa lahat ng hayop at walang kinatatakutan),
31 the strutting rooster, the male goat, and a king whose army is with him. ang tandang, ang lalaking kambing, at ang haring nangunguna sa kanyang mga kawal.
32 If you have been foolish, exalting yourself, or if you have schemed evil, put your hand over your mouth. “Kung sa kahangalan moʼy nagmamayabang ka at nagbabalak ng masama, tigilan mo na iyan!
33 For pressing milk produces curds, pressing the nose produces blood, and pressing anger produces strife. Hindi ba kapag hinalo nang hinalo ang malapot na gatas ay magiging mantikilya? Hindi ba kapag sinuntok mo ang ilong ng isang tao ay magdurugo ito? Kaya kapag ginalit mo ang tao tiyak na magkakaroon ng gulo.”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]