Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 29 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Whoever is often corrected yet refuses to listen will suddenly be broken beyond healing. Ang taong matigas ang ulo kahit maraming beses pinagsasabihan ay mapapahamak nang biglaan at hindi na malulunasan.
2 When the righteous flourish, the people rejoice, but when the wicked rule, the people groan. Kapag matutuwid ang namamahala, nagdiriwang ang madla. Ngunit kapag ang nangunguna ay masama, silaʼy lumuluha.
3 A man who loves wisdom brings joy to his father, but a companion of prostitutes squanders his wealth. Ang naghahangad ng karunungan ay nagdudulot ng kasiyahan sa magulang. Ang nakikisama sa babaeng bayaran ay nagwawaldas ng kayamanan.
4 By justice a king gives a land stability, but one who is greedy for bribes tears it down. Kapag ang layunin ng hari ay katarungan, pinatatatag niya ang kanyang kaharian, ngunit kapag ang layunin niya ay humingi ng suhol, winawasak niya ang kanyang kaharian.
5 A man who flatters his neighbor spreads a net for his feet. Ang taong nagkukunwaring pumupuri sa kanyang kapwa ay may pinaplanong masama.
6 An evil man is snared by his own sin, but the righteous sing and rejoice. Ang taong masama ay mahuhuli sa sarili niyang kasalanan, ngunit ang matuwid ay aawit nang may kagalakan.
7 The righteous care about justice for the poor, but the wicked have no such understanding. Kinikilala ng taong matuwid ang karapatan ng mahihirap, ngunit hindi nauunawaan ng taong masama ang mga bagay na ito.
8 Mockers set a city ablaze, but the wise calm the anger. Ang mga taong nangungutya ay nagpapasimula ng gulo sa mga bayan, ngunit ang matatalino ang nagpapatigil nito.
9 When a wise man goes to court with a fool, the fool rages and scoffs, and there is no peace. Kapag inihabla ng matalino ang hangal, hindi titigil ang hangal sa pagwawala at panunuya, at hindi magkakaroon ng kapayapaan.
10 The bloodthirsty hate the blameless and seek to kill the upright. Kinamumuhian at gustong patayin ng mamamatay-tao ang mga taong namumuhay nang matuwid at walang kapintasan.
11 A fool vents all his anger, but a wise man holds it back and keeps himself calm. Ang taong hangal ay hindi makapagpigil sa kanyang galit, ngunit ang taong marunong ay nakapagpipigil ng kanyang sarili.
12 If a ruler listens to lies, all his officials become wicked. Kapag ang pinuno ay naniniwala sa kasinungalingan, lahat ng lingkod niyaʼy mabubuyo sa kasamaan.
13 The poor man and the oppressor have this in common: our Father gives sight to the eyes of both. Ang mahirap at ang mapang-api ay parehong binigyan ng Panginoon ng paningin.
14 If a king judges the poor with fairness, his throne will be established forever. Kung ang paghatol ng isang hari sa mahihirap ay makatarungan, ang paghahari niyaʼy magiging matatag magpakailanman.
15 The rod and a word of correction give wisdom, but a child left to himself brings shame to his mother. Ang pagpalo at pagsaway sa bata upang siyaʼy ituwid ay magtuturo sa kanya ng karunungan, ngunit kung siya ay pababayaan, ipapahiya niya ang kanyang ina.
16 When the wicked flourish, wrongdoing flourishes, but the righteous will see the wicked's downfall. Kapag masama ang namumuno, nadadagdagan ang kasamaan. Ngunit sila ay mapapahamak at makikita ito ng mga matuwid.
17 Discipline your son, and he will give you peace; he will bring delight to your heart. Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng kapayapaan at kaligayahan.
18 Where there is no revelation, the people run wild, but blessed is the one who keeps the law. Kapag walang pahayag mula sa Diyos, nagkakagulo ang mga tao, subalit mapalad ang taong sumusunod sa kautusan.
19 A servant cannot be corrected by words alone; though he understands, he will not obey. May mga utusang hindi mo maturuan sa pamamagitan ng salita lamang, sapagkat kahit na ikaʼy kanilang nauunawaan, hindi ka nila pakikinggan.
20 Do you see a man who is hasty with his words? There is more hope for a fool than for him. Nakita mo ba ang taong padalos-dalos magsalita? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa sa kanila.
21 Pamper a servant from childhood, and in the end he will become like an heir. Kung mula pagkabata ng iyong utusan ay sinusunod mo ang layaw niya, sa huli ay magiging problema mo siya.
22 An angry man stirs up strife, and a hot-tempered man commits many sins. Ang taong galit ay nagsisimula ng gulo at laging nagkakasala ang mainitin ang ulo.
23 A man's pride brings him low, but a humble spirit gains honor. Ang kayabangan ng tao ang magbibigay sa kanya ng kahihiyan, ngunit ang pagpapakumbaba ang magbibigay sa kanya ng karangalan.
24 An accomplice of a thief is his own enemy; he hears the curse but says nothing. Ang taong nakikipagsabwatan sa magnanakaw ay ipinapahamak ang kanyang sarili. Kahit sumumpa siyang magsasabi ng totoo, hindi pa rin niya gagawin ito.
25 Fear of man lays a snare, but whoever trusts in our Father is kept safe. Ang natatakot sa kanyang kapwa at nasa mapanganib na bitag, subalit ang nagtitiwala sa Panginoon ay magiging panatag.
26 Many seek a ruler's favor, but justice for a person comes from our Father. Marami ang lumalapit sa pinuno upang silaʼy mapakinggan ngunit tanging ang Panginoon lamang ang nagbibigay ng katarungan.
27 An unjust man is detestable to the righteous, and an upright person is detestable to the wicked. Kinasusuklaman ng matutuwid ang masasamâ, at kinasusuklaman din naman ng masasama ang matutuwid.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]