Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 28 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The wicked flee when no one pursues, but the righteous are as bold as a lion. Tumatakbo ang masama kahit walang humahabol, ngunit ang matuwid ay matapang tulad ng leon.
2 When a land rebels, it has many rulers, but with a man of understanding and knowledge, it stays stable. Kapag suwail ang isang bayan, ang kanilang pinuno ay madalas napapalitan. Ngunit kung ang pinuno ay may pang-unawa at karunungan, mananatiling matatag ang kalagayan.
3 A poor man who oppresses the helpless is like a driving rain that leaves no food. Ang taong mahirap na gumigipit sa kapwa niya mahirap ay tulad ng rumaragasang ulan na sumisira sa pananim.
4 Those who forsake the law praise the wicked, but those who keep the law strive against them. Pinupuri ng masama ang mga taong lumalabag sa utos, ngunit ang sumusunod dito, kinakalaban ang masama.
5 Evil people do not understand justice, but those who seek our Father understand it fully. Hindi maintindihan ng masasama ang katarungan, ngunit lubos itong nauunawaan ng mga lumalapit sa Panginoon.
6 Better is a poor man who walks with integrity than a rich man crooked in his ways. Mas mabuti pa ang mahirap na namumuhay nang matuwid kaysa sa mayamang namumuhay sa kasalanan.
7 Whoever keeps the law is a son with understanding, but a companion of gluttons shames his father. Ang anak na may pang-unawa ay sumusunod sa kautusan, ngunit ang anak na sa matatakaw nakikipagkaibigan ang magulang niyaʼy binibigyan ng kahihiyan.
8 Whoever multiplies his wealth by interest and unjust gain gathers it for one who is generous to the poor. Kung yumaman ka sa pamamagitan ng patubuan, ang iyong kayamanan ay mapupunta sa matulungin sa mga nangangailangan.
9 If anyone refuses to listen to the law, even his prayer is detestable. Ang taong hindi sumusunod sa kautusan, kahit ang kanyang panalangin ay kasuklam-suklam.
10 Whoever leads the upright astray down an evil path will fall into his own pit, but the blameless will inherit good things. Ang taong inililigaw ang matuwid upang magkasala ay mabibiktima ng sarili niyang mga pakana. Ngunit ang taong namumuhay nang matuwid ay tatanggap ng maraming kabutihan.
11 A rich man is wise in his own eyes, but a poor man with understanding sees right through him. Iniisip ng mayayaman na napakarunong na nila, ngunit alam ng taong mahirap na may pang-unawa kung anong klaseng tao talaga sila.
12 When the righteous triumph, there is great glory, but when the wicked rise, people go into hiding. Kapag matuwid ang namumuno nagdiriwang ang mga tao, ngunit kapag ang pumalit ay masama, mga taoʼy nagtatago.
13 Whoever conceals his sins will not prosper, but whoever confesses and turns from them will find mercy. Hindi ka uunlad kung hindi mo ipapahayag ang iyong mga kasalanan, ngunit kung ipapahayag mo ito at tatalikdan, kahahabagan ka ng Diyos.
14 Blessed is the one who always remains reverent, but whoever hardens his heart will fall into calamity. Mapalad ang taong laging may takot sa Panginoon, ngunit mapapahamak ang taong matigas ang ulo.
15 Like a roaring lion or a charging bear is a wicked ruler over a helpless people. Para sa mahihirap, ang masamang pinuno, ay katulad ng mabangis na leon o nagngangalit na oso.
16 A ruler who lacks understanding is a cruel oppressor, but whoever hates unjust gain will prolong his days. Ang pinunong walang pang-unawa ay lubhang malupit. Hahaba naman ang buhay ng pinunong sa kasakiman ay galit.
17 A man weighed down by the guilt of bloodshed will be a fugitive until death; let no one support him. Ang taong hindi pinatatahimik ng kanyang budhi dahil sa pagpatay sa kanyang kapwa ay tatakas kahit saan hanggang sa siya ay mamatay. Huwag ninyo siyang tulungan.
18 Whoever walks in integrity will be kept safe, but whoever is crooked in his ways will suddenly fall. Ang namumuhay nang matuwid ay ligtas sa kapahamakan, ngunit mahuhulog sa hukay ang namumuhay sa maling pamamaraan.
19 Whoever works his land will have plenty of bread, but whoever chases empty pursuits will have plenty of poverty. Ang masipag magsaka ng kanyang lupain ay laging sagana sa pagkain, ngunit ang naghahabol sa mga bagay na walang saysay ay masasadlak sa kahirapan.
20 A faithful man will abound with blessings, but whoever rushes to get rich will not go unpunished. Ang taong tapat ay sasagana sa pagpapala, ngunit ang taong nagmamadaling yumaman ay parurusahan.
21 Showing partiality is not good, yet for a piece of bread a man will do wrong. Hindi mabuti ang may kinikilingan, ngunit may mga gumagawa nito dahil sa kaunting suhol.
22 A stingy man rushes after wealth and does not know that poverty will overtake him. Nagmamadaling yumaman ang taong sa pera ay gahaman, ngunit ang hindi niya alam patungo pala siya sa kahirapan.
23 Whoever rebukes a man will in the end find more favor than one who flatters with his tongue. Pasasalamatan ka pa ng tao sa huli kapag sinaway mo siya nang tapat kaysa panay ang papuri mo sa kanya kahit hindi nararapat.
24 Whoever robs his father or mother and says, "It is no sin," is a companion to one who destroys. Ang taong nagnanakaw sa magulang at sasabihing hindi iyon kasalanan ay walang pinagkaiba sa isang kriminal.
25 A greedy man stirs up strife, but whoever trusts in our Father will be enriched. Ang taong sakim ay nagpapasimula ng kaguluhan, ngunit ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay magtatamo ng kasaganaan.
26 Whoever trusts in his own heart is a fool, but whoever walks in wisdom will be kept safe. Hangal ang taong nagtitiwala sa kanyang sariling kakayahan. Ang taong namumuhay na may karunungan ay ligtas sa kapahamakan.
27 Whoever gives to the poor will lack nothing, but whoever closes his eyes to them will receive many curses. Ang taong mapagbigay sa mahihirap ay hindi kukulangin, ngunit ang nagbubulag-bulagan ay tiyak na susumpain.
28 When the wicked rise, people go into hiding, but when they perish, the righteous flourish. Kapag masama ang mga pinuno, mga tao ay nagtatago. Ngunit kapag namatay sila, ang matutuwid ang mamumuno.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]