Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 27 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Do not boast about tomorrow, for you do not know what a day may bring. Huwag mong ipagyabang ang gagawin mo bukas, sapagkat hindi mo alam kung anong mangyayari sa araw na iyon.
2 Let someone else praise you, and not your own mouth; a stranger, and not your own lips. Huwag mong purihin ang iyong sarili; pabayaan mong iba ang sa iyo ay pumuri.
3 A stone is heavy and the sand a burden, but a fool's provocation is heavier than both. Ang buhangin at bato ay mabigat, ngunit mas mabigat na problema ang idudulot ng taong hangal.
4 Wrath is cruel and anger is overwhelming, but who can stand before jealousy? Mapanganib ang taong galit, ngunit ang taong seloso ay higit na mapanganib.
5 Open rebuke is better than love that stays hidden. Mas mabuti ang pagsaway na lantaran, kaysa sa pag-ibig na hindi ipinapaalam.
6 A friend's wounds are faithful, but an enemy's kisses are deceitful. Ang masakit na pagsaway ng isang tunay na kaibigan ay may katuturan, ngunit ang halik ng kaaway ay hindi maaasahan.
7 A well-fed person tramples honeycomb, but to the hungry even what is bitter tastes sweet. Kahit pulot ay tinatanggihan ng taong busog, ngunit sa taong gutom kahit pagkaing mapait ang lasa ay matamis sa kanya.
8 A man who strays from his home is like a bird that strays from its nest. Ang taong lumayas sa kanyang bahay ay parang ibong lumayas sa kanyang pugad.
9 Oil and incense gladden the heart, and the sweetness of a friend comes from heartfelt counsel. Ang langis at pabango ay gaya ng tapat na payo ng isang kaibigan na nagdudulot ng kaligayahan.
10 Do not forsake your friend or your father's friend, and do not go to your brother's house when disaster strikes; better a neighbor nearby than a brother far off. Huwag mong talikuran ang iyong kaibigan o ang kaibigan ng iyong pamilya. Kapag may sakunang nangyari, huwag kang pupunta sa bahay ng iyong kapatid; mas nakakatulong pa ang malapit na kapitbahay kaysa kapatid na nasa malayo.
11 Be wise, my son, and make my heart glad, so that I can answer anyone who taunts me. Anak, magpakatalino ka upang ako ay maging maligaya, at upang may maisagot ako sa nagpapahiya sa akin.
12 The prudent sees danger and takes cover, but the simple keep going and pay the price. Ang taong maalam ay umiiwas sa paparating na panganib, ngunit ang taong wala sa katinuan ay sumusuong sa panganib, kaya siya ay napapahamak.
13 Take the garment of one who puts up security for a stranger; hold it as collateral when he does so for a foreign woman. Tiyakin mong makakuha ng garantiya sa sinumang nangakong managot sa utang ng hindi mo kilala, upang matiyak mong mababayaran ka.
14 Whoever blesses his neighbor with a loud voice early in the morning, it will be taken as a curse. Kapag may bumati nang pasigaw sa umaga, kahit na itoʼy isang pagpapala, ituturing itong sumpa.
15 A quarrelsome wife is like a constant dripping on a rainy day. Ang asawang bungangera ay parang tumutulong bubungan sa panahon ng tag-ulan.
16 Restraining her is like restraining the wind, or grasping oil with the right hand. Hindi siya mapatigil, tulad ng hanging hindi mapigilan o kaya ng langis na hindi mahawakan.
17 Iron sharpens iron, and one person sharpens another. Kung paanong pinatatalas ng bakal ang kapwa-bakal, ang tao namaʼy matututo sa kanyang kapwa-tao.
18 Whoever tends a fig tree will eat its fruit, and whoever guards his master will be honored. Kapag inalagaan mo ang puno ng igos, makakakain ka ng bunga nito. Ganoon din kapag pinagmalasakitan mo ang iyong amo, ikaw naman ay kanyang pararangalan.
19 As water reflects the face, so the heart reflects the person. Kung paanong ang mukha ng tao ay naaaninaw sa tubig, ang pagkatao naman ay makikita sa iyong puso.
20 The grave and Destruction are never satisfied, and a person's eyes are never satisfied. Ang kapahamakan at kamatayan ay walang kasiyahan, gayon din ang hangarin ng tao.
21 The crucible is for silver and the furnace for gold, and a person is tested by the praise he receives. Pilak at ginto sa apoy sinusubok, ang tao naman ay nasusubok sa pamamagitan ng papuring kanyang natatanggap.
22 Though you grind a fool in a mortar with a pestle, along with the grain, his foolishness will not leave him. Tadtarin mo man ng parusa ang taong hangal, ang kahangalan niya ay hindi mo pa rin maiaalis sa kanya.
23 Know well the condition of your flocks, and give careful attention to your herds. Mga hayop mo ay iyong alagaan at ang kawan mo ay pakabantayan.
24 For riches do not last forever, nor does a crown endure to every generation. Sapagkat ang kayamanan ay hindi mamamalagi magpakailanman. Maging ang korona ay lilipas at hindi magtatagal sa habang panahon.
25 When the grass is gone and the new growth appears and the mountain herbs are gathered, Kapag ang dayami ay nawala at bago na ang mga usbong, at ang mga damo sa parang ay natapos nang natipon,
26 the lambs will provide your clothing, and the goats will provide the price of a field; ang mga tupa ay magbibigay saʼyo ng kasuotan, at ang mga kambing namaʼy maipagbibili mo sa halaga ng isang bukid.
27 and there will be enough goats' milk for your food, for the food of your household and to sustain your servant girls. Mula sa mga kambing, makakakuha ka ng maraming gatas na sapat sa pangangailangan ng iyong pamilya at mga babaeng utusan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]