Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 26 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Like snow in summer and like rain at harvest, honor is not fitting for a fool. Kung paanong hindi nababagay na mag-nyebe sa tag-araw at umulan sa panahon ng tag-ani, hindi rin nababagay na parangalan ang taong hangal.
2 Like a fluttering sparrow or a darting swallow, an undeserved curse does not come to rest. Ang sumpa ay hindi tatalab sa walang kasalanan. Tulad ito ng ibong hindi dumadapo at lilipad-lipad lamang.
3 A whip for the horse, a bridle for the donkey, and a rod for the backs of fools. Kailangan ang latigo para sa kabayo, bokado para sa asno, at pamalo para sa hangal na tao.
4 Do not answer a fool according to his foolishness, or you yourself will be like him. Huwag mong sagutin ang hangal kung nakikipag-usap siya sa iyo ng kahangalan, at baka matulad ka rin sa kanya.
5 Answer a fool according to his foolishness, or he will be wise in his own eyes. Sagutin mo ang hangal ayon sa kanyang kahangalan para hindi niya akalaing siyaʼy matalino.
6 Whoever sends a message through a fool cuts off his own feet and drinks down violence. Kapag nagpadala ka ng mensahe sa pamamagitan ng isang mangmang, para mo na ring pinutol ang iyong mga paa, at para ka na ring gumawa ng sariling kapahamakan.
7 Like the legs of a lame man hanging useless is a proverb in the mouth of fools. Tulad ng walang silbing mga paa ng isang lumpo ang kawikaang sinasabi ng isang hangal.
8 Like binding a stone in a sling is giving honor to a fool. Ang pagpaparangal sa isang hangal ay parang batong nakatali sa tirador.
9 Like a thornbush in the hand of a drunkard is a proverb in the mouth of fools. Ang kawikaan sa bibig ng isang hangal ay walang silbi katulad ng tinik sa kamay ng isang lasing.
10 Like an archer who wounds everyone is one who hires a fool or hires any passerby. Kahangalan ang pumana ng kahit sino; gayon din ang pagkuha sa hangal o sa sinumang dumadaan upang upahan.
11 As a dog returns to its vomit, so a fool repeats his foolishness. Inuulit ng hangal ang kanyang kahangalan, tulad ng asong binabalikan ang kanyang suka upang kainin.
12 Do you see someone wise in his own eyes? There is more hope for a fool than for him. Mas mabuti pa ang hinaharap ng isang taong mangmang kaysa sa taong nagmamarunong.
13 The lazy person says, "There is a lion in the road! A lion in the streets!" Ang batugan ay hindi lumalabas ng tahanan, ang kanyang dahilan ay may leon sa lansangan.
14 As a door turns on its hinges, so the lazy person turns on his bed. Gaya ng pintuang pumipihit sa bisagra ang batugan na papihit-pihit sa kanyang kama.
15 The lazy person buries his hand in the dish; it wearies him to bring it back to his mouth. May mga taong sobrang tamad na kahit ang kumain ay kinatatamaran.
16 The lazy person is wiser in his own eyes than seven who answer wisely. Ang akala ng batugan mas marunong pa siya kaysa sa pitong tao na tamang mangatuwiran.
17 Like grabbing a dog by the ears is a passerby who meddles in a quarrel not his own. Mapanganib ang nanghihimasok sa gulo ng may gulo, ito ay tulad ng pagdakma sa tainga ng aso.
18-19 Like a madman shooting firebrands, arrows, and death, Ang taong nandaraya sa kanyang kapwa at saka sasabihing, “Nagbibiro lamang ako,” ay tulad ng isang baliw na pumapana sa mga tao gamit ang kanyang umaapoy at nakamamatay na palaso.
19 so is the one who deceives his neighbor and says, "I was only joking!" Not in this edition
20 Without wood a fire goes out, and without a gossip a quarrel dies down. Namamatay ang apoy kung ubos na ang panggatong, natitigil ang away kung wala nang tsismisan.
21 As charcoal to embers and wood to fire, so a quarrelsome person kindles strife. Kung uling ang nagpapabaga at kahoy ang nagpapaliyab ng apoy, ang taong palaaway naman ang nagpapasimula ng gulo.
22 The words of a gossip are like choice morsels; they sink down into the inmost parts. Ang tsismis ay parang pagkaing masarap nguyain at lunukin; at nakakarating sa kaloob-looban ng tao.
23 Like a glaze covering an earthen pot are smooth lips with an evil heart. Maaaring itago ng magandang pananalita ang masamang isipan, tulad nito ay mumurahing banga na pininturahan ng pilak.
24 An enemy disguises himself with his lips, but in his heart he harbors deceit. Maaaring ang kaaway ay magandang magsalita, ngunit ang nasa isip niya ay makapandaya.
25 When he speaks graciously, do not believe him, for seven abominations fill his heart. Kahit masarap pakinggan ang kanyang pananalita ay huwag kang maniwala, sapagkat ang iniisip niya ay napakasamâ.
26 Though his hatred is hidden by deceit, his wickedness will be exposed in the assembly. Maaaring ang galit ay kanyang maitago, ngunit malalantad din sa karamihan ang masama niyang gawa.
27 Whoever digs a pit will fall into it, and a stone rolls back on the one who rolls it. Ang humuhukay ng patibong ay siya rin ang mahuhulog doon. Ang nagpapagulong ng malaking bato ay siya rin ang magugulungan nito.
28 A lying tongue hates those it crushes, and a flattering mouth works ruin. Ang sinungaling ay nagagalit sa nabiktima niya ng kasinungalingan, at ang taong nambobola ay ipapahamak ka.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]