Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 25 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 These also are proverbs of Solomon, which the men of Hezekiah king of Judah copied out. Narito pa ang ilang kawikaan ni Solomon na kinopya ng mga tauhan ni Haring Ezequias ng Juda.
2 It is the glory of our Father to conceal a matter, but the glory of kings to search a matter out. Karangalan ng Diyos na ilihim ang isang bagay, at karangalan naman ng hari na tuklasin ang isang bagay.
3 As the heavens are high and the earth is deep, so the heart of kings is unsearchable. Kung gaano kataas ang langit at kalalim ang lupa, ganoon din ang puso ng hari na hindi kayang saliksikin.
4 Take away the dross from the silver, and a vessel comes forth for the refiner. Ang dumi sa pilak ay tanggalin upang ang panday ay magawa itong gamitin.
5 Take away the wicked from before the king, and his throne will be established in righteousness. Kailangang alisin ang masasamang tauhan ng hari upang magpatuloy ang katuwiran sa kanyang kaharian.
6 Do not put yourself forward in the king's presence, and do not stand in the place of the great; Kung nasa harapan ka ng hari, huwag mong ipagyabang ang iyong sarili o di kayaʼy ilugar ang sarili sa mga dakilang nanunungkulan.
7 for it is better to be told, "Come up here," than to be put in a lower place in front of a noble you can see. Mas mabuti kung siya ang magsabi, “Halika dito sa aking tabi,” kaysa ipahiya ka sa harap ng mga maharlika.
8 Do not rush into a quarrel, for what will you do in the end when your neighbor puts you to shame? Huwag kang magpabigla-biglang magsabi sa korte ng iyong nakita. Kung mapatunayan ng isang saksi na mali ka, ano na lang ang gagawin mo?
9 Argue your case with your neighbor himself, but do not disclose another's secret, Kung may alitan kayo ng iyong kapwa, itoʼy inyong pag-usapan muna. At ang lihim ng bawat isa ay huwag sasabihin sa iba.
10 lest the one who hears it shame you, and your bad reputation never goes away. Baka makarating sa kaalaman ng madla at kayoʼy maging kahiya-hiya.
11 A word spoken at the right moment is like apples of gold in settings of silver. Kapag ang salitang binigkas ay angkop sa pagkakataon, itoʼy parang gintong mansanas na nakalagay sa isang lalagyang pilak.
12 Like a ring of gold or an ornament of fine gold is wise correction to a listening ear. Tulad ng gintong hikaw o mamahaling hiyas na ginto ang pagsaway ng matalino sa nakikinig na tao.
13 Like the cold of snow in the time of harvest is a faithful messenger to those who send him; he refreshes the soul of his masters. Ang mapagkakatiwalaang sugo ay nagbibigay ng kasiyahan sa kanyang pinaglilingkuran, tulad ng malamig na tubig sa panahon ng tag-init.
14 Like clouds and wind without rain is one who boasts of a gift never given. Ang taong hindi tumutupad sa kanyang pangako ay parang ulap at hangin na walang dalang ulan.
15 By patience a ruler is persuaded, and a soft tongue breaks bone. Ang mapagpasensya at ang mahinahon magsalita ay makapanghihikayat ng mga pinuno at kahit na ng may matitigas na puso.
16 If you find honey, eat only enough, or you will have too much and vomit. Huwag kang kakain ng labis na pulot at baka magsuka ka.
17 Don't visit your neighbor's house too often, or he will grow weary of you and hate you. Huwag kang dadalaw ng madalas sa iyong kapitbahay, baka magalit siya at sa iyo ay magsawa.
18 Like a club, a sword, and a sharp arrow is one who bears false witness against his neighbor. Ang taong sumasaksi sa kasinungalingan laban sa kanyang kapwa ay nakakapinsala tulad ng espada, pamalo at pana.
19 Like a bad tooth or a foot out of joint is trust in a faithless person in time of trouble. Ang pagtitiwala sa taong hindi mapagkakatiwalaan sa oras ng pangangailangan ay walang kuwenta tulad ng paang pilay o ngiping umuuga.
20 Like one who takes off a garment on a cold day, like vinegar poured on baking soda, is the one who sings songs to a heavy heart. Kung aawitan mo ng masasayang himig ang taong labis ang hinagpis, para mong binuhusan ng suka ang kanyang sugat, o di kayaʼy inalisan siya ng balabal sa taglamig.
21 If your enemy is hungry, give him bread to eat, and if he is thirsty, give him water to drink; Kapag nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kapag nauuhaw, painumin mo.
22 for you will heap coals of fire on his head, and our Father will reward you. Kapag ginawa mo ito mahihiya siya sa iyo at ang Panginoon ang magpapala sa iyo.
23 The north wind brings forth rain, and a secretive tongue, angry looks. Kung paanong ang hanging habagat ay nagdadala ng ulan, nagdadala naman ng galit ang naninira ng kapwa.
24 It is better to live in a corner of the rooftop than in a shared house with a quarrelsome wife. Mas mabuting tumira nang mag-isa sa bubungan ng bahay kaysa sa loob ng bahay na kasama ang asawang palaaway.
25 Like cold water to a weary soul is good news from a distant land. Ang magandang balita mula sa malayong lugar ay parang malamig na tubig sa taong nauuhaw.
26 Like a muddied spring or a polluted fountain is a righteous person who gives way before the wicked. Ang matuwid na umaayon sa gawain ng masamang tao ay parang maruming balon at malabong bukal.
27 It is not good to eat too much honey, nor to seek your own glory. Kung paanong masama ang pagkain ng labis na pulot, ganoon din ang paghahangad ng sariling kapurihan.
28 Like a city broken into and left without walls is a person who has no control over his own spirit. Ang taong walang pagpipigil sa sarili ay tulad ng isang bayan na nasira ang pader.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]