Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 24 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Do not envy evil men, and do not desire to be with them, Huwag kang mainggit sa mga taong masama o hangarin mang makipagkaibigan sa kanila.
2 for their hearts plot violence, and their lips speak of trouble. Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi ay para sa kapahamakan ng iba.
3-4 By wisdom a house is built, and by understanding it is established; Sa pamamagitan ng iyong husay, maitatayo mo at mapapaunlad ang iyong tahanan. Mapupuno rin ito ng mahahalagang kayamanan.
4 and by knowledge its rooms are filled with all precious and pleasant riches. Not in this edition
5 A wise man is full of strength, and a man of knowledge increases his power, Ang taong marunong ay malaki ang maitutulong upang lalong lumakas ang mga nakikipaglaban,
6 for by wise guidance you can wage your war, and victory comes through many counselors. sapagkat kailangan nila ng mga payo sa pakikipaglaban. At higit na matitiyak ang tagumpay kung maraming nagpapayo.
7 Wisdom is too high for a fool; at the gate, he has nothing to say. Ang karunungan ay hindi maunawaan ng mangmang. Wala siyang masabi kapag mahahalagang bagay ang pinag-uusapan.
8 Whoever plans to do evil will be called a schemer. Ang taong laging nagpaplano ng masama ay kikilalaning may pakana ng kasamaan.
9 A fool's scheming is sin, and the scoffer is detestable to people. Anumang pakana ng hangal ay kasalanan, at kinasusuklaman ng mga tao ang sinumang nangungutya.
10 If you falter in a time of trouble, your strength is small. Kapag ikaw ay pinanghihinaan ng loob sa panahon ng kahirapan, kay liit naman ng iyong lakas!
11 Rescue those being taken away to death, and hold back those stumbling toward the slaughter. Sagipin mo ang mga taong patungo sa kanilang kamatayan; iligtas mo silang mga patungo sa kanilang kapahamakan.
12 If you say, "Look, we did not know this," does not he who weighs the heart perceive it? Does not he who watches over your soul know it? And will he not repay each person according to his deeds? Kapag sinabi mong, “Hindi namin alam ʼyan,” hindi baʼt alam ito ng Diyos na sumisiyasat sa puso? Siya ang nagbabantay sa iyong buhay, hindi ba niya nalalaman ito? Gagantimpalaan niya ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa.
13 My son, eat honey, for it is good, and the honeycomb's drippings are sweet to your taste. Anak, kumain ka ng pulot sapagkat mabuti ito sa iyo, ang pulot mula sa pulot-pukyutan ay matamis sa iyong panlasa.
14 Know that wisdom is just like this to your soul; if you find it, there is a future, and your hope will not be cut off. Sapagkat kung marunong ka, mapapabuti ang iyong kinabukasan at mapapasaiyo ang iyong mga hinahangad.
15 Do not lie in wait, you wicked man, against the home of the righteous; do not destroy his resting place, Huwag kang tumambang na parang magnanakaw sa bahay ng matuwid, huwag mong pagnakawan ang kanilang tahanan.
16 for though the righteous falls seven times, he rises again, but the wicked stumble in disaster. Ang taong matuwid, mabuwal man ng pitong ulit ay tiyak na makakabangon ulit. Hindi tulad ng taong masama na kapag nabuwal ay hindi na makakabangon pa.
17 Do not rejoice when your enemy falls, and do not let your heart be glad when he stumbles, Huwag kang magdiwang kapag bumagsak ang iyong kaaway, o di kayaʼy magalak sa kanilang pagkakadapa,
18 lest our Father see it and be displeased, and turn his anger away from him. dahil kapag nakita ng Panginoon na ikaʼy nasisiyahan, hindi niya ito magugustuhan, at ang iyong kaaway ay hindi na niya parurusahan.
19 Do not fret because of evildoers, and do not envy the wicked, Huwag kang mabalisa o mainggit sa mga taong masasama,
20 for the evil man has no future; the lamp of the wicked will be snuffed out. sapagkat wala silang mabuting kinabukasan at magiging tulad sila ng ilaw na namatay.
21 My son, fear our Father and the king, and do not join with those who rebel against them, Anak, matakot ka sa Panginoon at sa hari. Huwag kang makisama sa mga taong sumusuway sa kanila,
22 for their disaster will rise suddenly, and who knows the ruin that both of them can bring? sapagkat hindi mo alam kung anong kapahamakan ang biglang ibibigay ng Panginoon o ng hari sa kanila.
23 These also are sayings of the wise: Showing partiality in judgment is not good. Narito pa ang ilang kawikaan ng marurunong na tao: Hindi dapat magtangi ng tao sa paghatol ng katarungan.
24 Whoever says to the guilty, "You are innocent," peoples will curse him and nations will denounce him, Kapag pinalaya mo ang taong may kasalanan, susumpain ka at kamumuhian ng mga tao.
25 but it will go well for those who convict the guilty, and a rich blessing will come upon them. Ngunit kapag pinarusahan mo ang may kasalanan, matutuwa ang mga tao at pagpapalain ka.
26 An honest answer is like a kiss on the lips. Ang matapat na sagot ay tulad ng halik ng pagkakaibigan.
27 Prepare your work outside, get your fields ready, and after that build your house. Ihanda mo muna ang iyong pagkakakitaan, tulad ng iyong bukid na taniman bago ka magtatag ng sariling tahanan.
28 Do not be a witness against your neighbor without cause; would you deceive with your lips? Huwag kang sasaksi sa iyong kapwa nang walang sapat na dahilan, o magsalita laban sa kanya ng kasinungalingan.
29 Do not say, "I will do to him as he did to me; I will pay the man back for what he has done." Huwag mong sasabihin, “Gaganti ako. Gagawin ko sa kanya ang ginawa niya sa akin.”
30 I passed by the field of a lazy man, by the vineyard of someone lacking sense, Dumaan ako sa bukid ng isang tamad doon sa ubasan ng isang walang muwang.
31 and there it was, all overgrown with thorns; the ground was covered with weeds, and its stone wall was broken down. Puno na ito ng mga damo at matitinik na halaman, at giba na ang mga bakod nito.
32 Then I looked and took it to heart; I saw and received instruction. Nang makita ko ito, napaisip ako nang mabuti, at natutunan ko ang aral na ito:
33 A little sleep, a little slumber, a little folding of the hands to rest, Sa kaunting dagdag na tulog, sa kaunting pag-idlip, sa kaunting paghahalukipkip ng mga kamay para magpahinga,
34 and poverty will come upon you like a robber, and scarcity like an armed man. darating na parang magnanakaw ang kahirapan at ang kakulangan gaya ng pagsalakay ng tulisan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]