Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Proverbs 23 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 When you sit down to dine with a ruler, consider carefully what is before you, Kapag kumakain ka kasalo ng taong may mataas na katungkulan, mag-ingat ka sa ikikilos mo.
2 and put a knife to your throat if you are a person ruled by appetite. Kung palakain ka, pigilan mo ang iyong sarili.
3 Do not crave his delicacies, for they are deceptive food. Huwag mong pagnasaan ang mga pagkaing kanyang inihanda, dahil inihain iyon upang linlangin ka.
4 Do not wear yourself out to get rich; have the wisdom to restrain yourself. Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa pagpapayaman. Maging matalino ka at ang sarili ay pigilan.
5 The moment you look at wealth, it is gone, for it suddenly sprouts wings and flies off toward the heavens like an eagle. Dahil ang kayamanan ay madaling mawala at tila may pakpak na lumilipad sa kalawakan tulad ng isang agila.
6 Do not eat the bread of a stingy man, and do not crave his delicacies, Huwag kang kumain o matakam sa pagkain na inihanda ng taong kuripot, kahit ito ay masarap.
7 for he is the kind of man who keeps counting the cost. "Eat and drink!" he says to you, but his heart is not with you. Sapagkat ang taong ganyan bawat subo moʼy binabantayan. Sasabihin niya, “Sige, kumain ka pa.” Ngunit hindi pala ganoon ang nasa isip niya.
8 You will vomit up the little you have eaten and will have wasted your pleasant words. Kaya lahat ng kinain moʼy isusuka mo at ang mga papuri mo sa kanya ay mababalewala.
9 Do not speak in the hearing of a fool, for he will despise the wisdom of your words. Huwag kang magsasalita sa hangal, sapagkat ang sasabihin mong karunungan sa kanya ay wala ring kabuluhan.
10 Do not move an ancient boundary stone or encroach on the fields of the fatherless, Huwag mong agawin o sakupin ang lupa ng mga ulila sa pamamagitan ng paglilipat ng mga muhon na matagal nang nakalagay.
11 for their Redeemer is strong; our Father will take up their cause against you. Sapagkat ang kanilang makapangyarihang tagapagtanggol ay ang Panginoon. Siya ang magtatanggol sa kanila laban sa iyo.
12 Apply your heart to instruction and your ears to words of knowledge. Makinig ka kapag itinutuwid ang iyong pag-uugali upang ikaw ay matuto.
13 Do not withhold discipline from a child; if you strike him with the rod, he will not die. Huwag kang magpapabaya sa pagdidisiplina sa iyong anak.
14 Strike him with the rod, and you will deliver his soul from the grave. Ang tamang pagpalo ay hindi niya ikamamatay kundi makapagliligtas pa sa kanya sa kamatayan.
15 My son, if your heart is wise, my own heart will be glad as well. Anak, kung may dunong ang iyong puso, ang puso koʼy magagalak din.
16 My inmost being will rejoice when your lips speak what is right. Tunay ngang magagalak ang aking kalooban kung ang mga salitang lalabas sa labi moʼy mula sa karunungan.
17 Do not let your heart envy sinners, but continue in the fear of our Father all day long. Huwag kang maiinggit sa mga makasalanan, sa halip igalang mo ang Panginoon habang nabubuhay ka.
18 Surely there is a future, and your hope will not be cut off. At kung magkagayon ay gaganda ang kinabukasan mo at mapapasaiyo ang mga hinahangad mo.
19 Hear, my son, and be wise, and keep your heart on the right road. Anak, pakinggan mo ang itinuturo ko sa iyo. Maging matalino ka at sundin mo ang tamang daan.
20 Do not be among those who get drunk on wine or those who gorge themselves on meat, Huwag kang makikisama sa mga hayok sa alak o sa mga matatakaw sa pagkain,
21 for the drunkard and the glutton will come to poverty, and drowsiness will clothe them in rags. sapagkat ang mga lasenggo at matatakaw ay hahantong sa kahirapan, at dahil tulog sila nang tulog, sa bandang huliʼy magdadamit sila ng basahan.
22 Listen to your father, who gave you life, and do not despise your mother when she is old. Makinig ka sa iyong ama na pinanggalingan ng iyong buhay, at huwag mong hamakin ang iyong ina kapag siya ay matanda na.
23 Buy truth and do not sell it; buy wisdom, instruction, and understanding. Pagsikapan mong mapasaiyo ang katotohanan, karunungan, magandang pag-uugali at pang-unawa. At huwag mo itong ipagpapalit sa anumang bagay.
24 The father of a righteous child will greatly rejoice; whoever fathers a wise son will delight in him. Matutuwa ang iyong mga magulang kung matuwid ka at matalino.
25 Let your father and mother be glad; let her who gave you birth rejoice. Ikaliligaya nilang sila ang naging iyong ama at ina.
26 My son, give me your heart, and let your eyes delight in my ways. Anak, makinig kang mabuti sa akin at tularan mo ang aking pamumuhay.
27 For a prostitute is a deep pit, and an adulterous woman is a narrow well. Sapagkat ang babaeng bayaran ay isang malalim na hukay, at ang asawang nangangaliwa ay makitid na balon.
28 She lies in wait like a robber and leads many men into faithlessness. Para siyang tulisan na nag-aabang ng mabibiktima, at siya ang dahilan ng pagtataksil ng maraming lalaki sa kanilang mga asawa.
29 Who has misery? Who has sorrow? Who has strife? Who has complaints? Who has wounds for no reason? Who has bleary eyes? Sino ang may hinagpis? Sino ang may kalungkutan? Sino ang mahilig sa away? Sino ang mareklamo? Sino ang nasugatan na dapat sana ay naiwasan? At sino ang may mga matang namumula?
30 Those who linger long over wine, those who go to sample bowls of mixed wine. Sino pa kundi ang mga lasenggong sugapa sa ibaʼt ibang klase ng alak!
31 Do not gaze at wine while it is red, while it sparkles in the cup and goes down smoothly. Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap ang pasok sa lalamunan.
32 In the end it bites like a serpent and stings like a viper. Sa bandang huli, kapag ikaw ay nalasing na, parang natuklaw ka ng ulupong, at nalason ng kamandag nito.
33 Your eyes will see strange things, and your heart will utter twisted things. Kung anu-ano ang makikita mo at hindi ka makakapag-isip ng mabuti.
34 You will be like one lying down in the heart of the sea, like one lying on the top of a ship's mast. Pakiramdam moʼy nasa gitna ka ng dagat at nakahiga sa ibabaw ng palo ng barko.
35 "They struck me, but I felt no pain; they beat me, but I did not know it. When will I wake up? I will look for another drink." Sasabihin mo, “May humampas at sumuntok sa akin, ngunit hindi ko naramdaman. Kailan kaya mawawala ang pagkalasing ko upang muli akong makainom?”
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]