Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ecclesiastes 1 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 The words of the Teacher, son of David, king in Jerusalem. Ito ang sinabi ng mangangaral na anak ni David na hari sa Jerusalem:
2 "Utterly fleeting," says the Teacher, "utterly fleeting! Everything is fleeting." “Walang kabuluhan!” sabi ng Mangangaral. “Tunay na walang kabuluhan! Ang lahat ay walang kabuluhan.”
3 What does a person gain from all the labor at which they toil under the sun? Ano ang pakinabang ng tao sa pagpapakahirap niyang magtrabaho sa mundong ito?
4 A generation goes, and a generation comes, but the earth remains forever. Lumilipas ang isang henerasyon at itoʼy napapalitan, pero ang mundo ay hindi nagbabago.
5 The sun rises and the sun sets, and hurries back to the place where it rises. Sumisikat ang araw at pagkatapos ay lumulubog; pabalik-balik lang sa kanyang pinanggalingan.
6 The wind blows to the south and turns to the north; round and round it goes, ever returning on its circuits. Umiihip ang hangin sa timog at pagkatapos ay iihip naman sa hilaga. Paikot-ikot lang ito at pabalik-balik.
7 All the streams run to the sea, yet the sea is never full; the streams return to their source and flow again. Lahat ng ilog ay umaagos sa dagat, pero hindi naman napupuno ang dagat kahit na patuloy ang pag-agos ng ilog.
8 All things are wearisome, more than anyone can express; the eye is not satisfied with seeing, nor the ear filled with hearing. Ang lahat ng itoʼy nakakabagot at ayaw na ngang pag-usapan. Hindi nagsasawa ang mga mata natin sa katitingin at ang mga tainga natin sa pakikinig.
9 What has been is what will be, and what has been done is what will be done; there is nothing new under the sun. Ang mga nangyari noon, nangyayari ulit ngayon. Ang mga ginawa noon, ginagawa ulit ngayon. Walang nangyayaring bago sa mundo.
10 Is there anything anyone can point to and say, "Look, this is new"? It was already here, in the ages before us. May mga bagay pa ba na masasabi mong bago? Nariyan na iyan noon pa, kahit noong hindi pa tayo ipinapanganak.
11 There is no remembrance of those who came before, and even those yet to come will not be remembered by those who follow them. Hindi na natin naaalala ang mga nangyari noon; ganoon din sa hinaharap, hindi rin ito maaalala ng mga tao sa bandang huli.
12 I, the Teacher, was king over Israel in Jerusalem. Ako na isang mangangaral ay naging hari ng Israel. Tumira ako sa Jerusalem.
13 I gave my heart to seek and explore by wisdom all that is done under heaven—a miserable task God has given mankind to struggle with. Sa aking karunungan, pinag-aralan kong mabuti ang lahat ng nangyayari rito sa mundo. At nakita kong napakahirap ng gawaing ibinigay ng Diyos sa mga tao.
14 I saw all the deeds done under the sun, and look—it is all fleeting, a chasing after wind. Nakita kong walang kabuluhan ang lahat ng ginagawa ng tao rito sa mundo. Para kang humahabol sa hangin.
15 What is crooked cannot be made straight, and what is lacking cannot be counted. Ang baluktot ay hindi mo maitutuwid at ang wala ay hindi mo maibibilang.
16 I told myself, "Look, I have grown great and gained more wisdom than all who ruled Jerusalem before me; my heart has seen much wisdom and knowledge." Sinabi ko sa aking sarili, “Mas marunong ako kaysa sa lahat ng naging hari sa Jerusalem. Marami akong alam.”
17 I set my mind to know wisdom, and madness and foolishness; I learned this too is a chasing after the wind. Pinag-aralan kong mabuti ang pagkakaiba ng karunungan at kamangmangan, pero nakita kong wala rin itong kabuluhan. Para kang humahabol sa hangin.
18 For with much wisdom comes much grief, and the more knowledge, the more sorrow. Dahil habang nadadagdagan ang kaalaman ko, nadadagdagan din ang aking kalungkutan.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]