Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ecclesiastes 2 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 In my heart I said, "Come, I'll test you with pleasure; enjoy what's good." But this too was fleeting. Sinubukan kong magpakasaya sa mga layaw ng buhay. Ngunit nakita kong wala rin itong kabuluhan.
2 I said of laughter, "It is madness," and of pleasure, "What does it accomplish?" Kamangmangan ang sobrang pagtawa at ang pagpapakasaya ay wala ring kabuluhan.
3 I explored in my heart how to cheer my body with wine—my heart still guiding me with wisdom—and to grasp foolishness, until I might see what is good for people to do under heaven the few days of their lives. Sinubukan kong magpakasaya sa pag-inom ng alak. Kahit na marunong ako, sinubukan kong gumawa ng kamangmangan. Naisip ko lang na baka iyon ang pinakamabuting gawin ng tao sa maikling buhay niya dito sa mundo.
4 I undertook great works. I built houses for myself and planted vineyards. Gumawa ako ng mga dakilang bagay: Nagpagawa ako ng mga bahay at nagtanim ng mga ubas.
5 I made myself gardens and parks, and planted in them all kinds of fruit trees. Nagpagawa ako ng mga taniman at pinataniman ko ito ng sari-saring puno na namumunga.
6 I made myself pools of water to irrigate a forest of growing trees. Nagpagawa ako ng mga imbakan ng tubig para patubigan ang mga pananim.
7 I bought male and female slaves, and had home-born slaves too. I owned larger herds and flocks than anyone before me in Jerusalem. Bumili ako ng mga lalaki at babaeng alipin, at may mga alipin din ako na ipinanganak sa aking bahay. At ako ang may pinakamaraming kawan ng hayop sa lahat ng naging mamamayan ng Jerusalem.
8 I gathered for myself silver and gold, the treasure of kings and provinces. I got male and female singers, and men's delights—many concubines. Nakaipon ako ng napakaraming ginto, pilak at iba pang mga kayamanang galing sa mga hari at mga lugar na aking nasasakupan. Marami akong mang-aawit, lalaki man o babae at marami rin akong mga asawa – ang kaligayahan ng isang lalaki.
9 So I became great, greater than all before me in Jerusalem; and my wisdom stayed with me. Ako ang pinakamayaman at pinakamarunong na taong nabuhay sa buong Jerusalem.
10 Whatever my eyes wanted I did not withhold. I refused my heart no joy, for my heart delighted in all my work, and this was my reward for all my work. Nakukuha ko ang lahat ng magustuhan ko. Ginawa ko ang lahat ng inakala kong makapagpapaligaya sa akin. Nasiyahan ako sa lahat ng pinaghirapan ko. Ito ang gantimpala sa lahat ng pagsusumikap ko.
11 Then I surveyed all my hands had done and the toil I spent doing it, and it was all fleeting, chasing wind; nothing was gained under the sun. Pero nang isipin kong mabuti ang lahat ng ginawa at pinaghirapan ko, naisip ko na walang kabuluhan ang lahat ng pinagsikapan ko rito sa mundo.
12 So I turned to consider wisdom, madness, and foolishness. For what can the king's successor do? Only what has already been done. Ano pa ba ang magagawa ng susunod na hari? Ano pa nga ba, kundi iyong nagawa na rin noong una. Sinubukan ko ring ihambing ang karunungan at ang kamangmangan.
13 I saw that wisdom has more gain than foolishness, as light has more than darkness. At nakita kong mas mabuti ang karunungan kaysa sa kamangmangan, gaya ng liwanag na mas mabuti kaysa sa kadiliman.
14 The wise person has eyes in his head, but the fool walks in darkness. And yet I perceived that the same fate befalls them all. Alam ng marunong ang patutunguhan niya, ngunit ang hangal ay lumalakad sa kadiliman. Pero napagtanto ko ring pareho lang silang mamamatay.
15 Then I thought, "The fool's fate is mine too. So why have I been so very wise?" And I decided this too is fleeting. Kaya sinabi ko sa aking sarili, “Ang sinapit ng mangmang ay sasapitin ko rin. Kaya anong kabutihan ang mapapala ng pagiging marunong ko? Wala talaga itong kabuluhan!”
16 The wise, like the fool, will not be remembered for long; in days to come both are forgotten. How the wise die just like fools! Lahat tayo, marunong man o mangmang ay pare-parehong mamamatay at makakalimutan.
17 So I hated life, because the work done under the sun grieved me; it is all fleeting, a chasing after wind. Kaya kinamuhian ko ang buhay, dahil kahirapan ang dulot ng lahat ng ginagawa rito sa mundo. Ang lahat ng ito ay walang kabuluhan, para ka lang humahabol sa hangin.
18 I hated all my labor under the sun, since I must leave it to the one after me. Kinaiinisan ko ang lahat ng pinaghirapan ko dito sa mundo, dahil maiiwan ko lang ang mga ito sa susunod sa akin.
19 Who knows if he will be wise or a fool? Yet he will control all I worked for with my wisdom under the sun. This too is fleeting. At sino ang nakakaalam kung marunong siya o mangmang? Maging ano man siya, siya pa rin ang magmamay-ari ng lahat ng pinaghirapan ko ng buong lakas at karunungan. Wala rin itong kabuluhan!
20 So I gave my heart up to despair over all the toil I labored at under the sun. Kaya nanghinayang ako sa lahat ng pinaghirapan ko rito sa mundo.
21 One may work with wisdom, knowledge, and skill, yet must leave it all to be enjoyed by someone who never worked for it. This too is fleeting, a great evil. Dahil kahit magsikap ka gamit ang buo mong talino, isip at kakayahan, iiwan mo rin ang lahat ng pinaghirapan mo sa taong hindi naghirap para sa mga bagay na ito. Ito man ay wala ring kabuluhan at hindi makatarungan.
22 What does a person gain from all the toil and striving of heart he labors at under the sun? Kaya ano ang makukuha ng tao sa lahat ng pagsusumikap niya rito sa mundo?
23 All his days bring sorrow, his work grief; even at night his mind gets no rest. This too is fleeting. Lahat ng pinagsumikapan niya sa buong buhay niyaʼy makapagpapasama lang ng kanyang kalooban. Kaya kahit sa gabi ay hindi siya makatulog. Wala rin itong kabuluhan!
24 Nothing is better for a person than to eat, drink, and enjoy his work. This too, I saw, is from God's hand, Ang pinakamagandang gawin ng tao ay kumain, uminom at pakinabangan ang mga pinaghirapan niya. Nalaman ko na galing ito sa Diyos,
25 for apart from him, who can eat or who can find enjoyment? dahil paano natin makakain at mapapakinabangan ang mga pinaghirapan natin kung hindi ito ibibigay ng Diyos?
26 God gives wisdom, knowledge, and joy to the person who pleases him, but to the sinner he gives the work of gathering and collecting, only to hand it to one who pleases God. This too is fleeting, chasing wind. Dahil ang taong nagbibigay-lugod sa Diyos ay binibigyan niya ng karunungan, kaalaman at kagalakan. At ang makasalanan ay binibigyan ng Diyos ng trabaho upang mag-ipon ng kayamanan para ibigay sa taong nagbibigay-lugod sa Diyos. Kaya lahat ng pagsisikap ng makasalanan ay walang kabuluhan. Para siyang humahabol sa hangin.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]