Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ecclesiastes 3 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 For everything there is a season, and a time for every matter under heaven: Ang bawat pangyayari ay may dahilan, at ang lahat ng bagay ay may nakatakdang oras sa mundong ibabaw.
2 a time to be born, and a time to die; a time to plant, and a time to uproot what is planted; May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan; may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani.
3 a time to kill, and a time to heal; a time to tear down, and a time to build up; May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling; may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo.
4 a time to weep, and a time to laugh; a time to mourn, and a time to dance; May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa; may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang.
5 a time to throw away stones, and a time to gather stones together; a time to embrace, and a time to refrain from embracing; May oras ng pagkakalat ng bato at may oras ng pagtitipon nito; may oras ng pagsasama at may oras ng paghihiwalay.
6 a time to seek, and a time to lose; a time to keep, and a time to throw away; May oras ng paghahanap at may oras ng paghinto ng paghahanap; may oras ng pagtatago at may oras ng pagtatapon.
7 a time to tear, and a time to sew; a time to be silent, and a time to speak; May oras ng pagpunit at may oras ng pagtahi; may oras ng pagtahimik at may oras ng pagsasalita.
8 a time to love, and a time to hate; a time for war, and a time for peace. May oras ng pagmamahal at may oras ng pagkagalit; may oras ng digmaan at may oras ng kapayapaan.
9 What gain has the worker from his toil? Ano ang mapapala ng manggagawa sa kanyang pinaghirapan?
10 I have seen the task that God has given people to keep them busy. Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Diyos para sa tao.
11 He made everything beautiful in its time, and set eternity in the human heart—yet no one can grasp what God has done from start to end. At lahat ng ito ay itinadhana ng Diyos na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.
12 I know nothing is better for them than to enjoy life and do good while they live. Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay.
13 Also, that everyone eat, drink, and find satisfaction in all their work—this is God's gift. Gusto ng Diyos na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin.
14 I know all God does lasts forever; nothing can be added, nothing removed. He has done it so people will fear before him. Alam kong ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay magpapatuloy magpakailanman at wala tayong maaaring idagdag o ibawas dito. Ginagawa ito ng Diyos para magkaroon tayo ng paggalang sa kanya.
15 What is has already been, and what will be has already been; and God seeks out what was driven away. Ang mga nangyayari ngayon at ang mga mangyayari pa lang ay nangyari na noon. Inuulit lang ng Diyos ang mga pangyayari.
16 I also saw under the sun: evil in the place of judgment, and evil in the place of righteousness. Nakita ko rin na ang kasamaan ang naghahari rito sa mundo sa halip na katarungan at katuwiran.
17 I said in my heart: "God will judge the righteous and the wicked, for there's a time for every matter and every deed, there." Sinabi ko sa sarili ko, “Hahatulan ng Diyos ang matutuwid at masasamang tao, dahil may itinakda siyang oras sa lahat ng bagay.”
18 I said in my heart: "God tests people, so that they may see they're just animals." Sinabi ko rin sa aking sarili, “Sinusubok ng Diyos ang mga tao para ipakita sa kanila na tulad sila ng mga hayop.
19 Humans and animals share one fate: one dies as the other dies; both have the same breath. Humans have no advantage over animals—all is vapor. Ang kapalaran ng tao ay tulad ng sa hayop; pareho silang mamamatay. Pareho silang may hininga, kaya walang inilamang ang tao sa hayop. Talagang walang kabuluhan ang lahat!
20 All go to one place; all came from the dust, and all return to the dust. Iisa lang ang patutunguhan ng lahat. Lahat ay nagmula sa lupa at sa lupa rin babalik.
21 Who knows whether the human spirit goes up, and whether the animal's spirit goes down to the earth? Sino ang nakakaalam kung ang espiritu ng taoʼy umaakyat sa itaas at ang espiritu ng hayop ay bumababa sa ilalim ng lupa?”
22 So I saw nothing is better than a person rejoicing in their work, since that is their lot. For who can show them what comes after them? Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao ay magpakasaya sa pinaghirapan niya, dahil para sa kanya iyon. Walang sinumang makapagsasabi sa kanya kung ano ang mangyayari kapag siya ay namatay.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]