Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ecclesiastes 4 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Again I looked and saw all the oppression under the sun: the oppressed were in tears, with no one to comfort them; their oppressors held the power, and still no comforter. Nakita ko ulit ang mga pang-aapi rito sa mundo. Umiiyak ang mga inaapi, pero walang tumutulong sa kanila dahil makapangyarihan ang mang-aapi at walang kumakalinga sa kanila.
2 So I declared the dead, who had already died, happier than the living, who are still alive. Kaya nasabi kong mas mabuti pa ang mga patay kaysa sa mga buháy.
3 Better than both is the one not yet born, who hasn't seen the evil done under the sun. Pero higit na mabuti ang mga hindi pa ipinapanganak, na hindi pa nakakakita ng kasamaan dito sa mundo.
4 I saw all labor and skill come from one neighbor's envy of another. This too is fleeting, a chasing after wind. Nakita ko rin na nagsusumikap ang mga tao at ginagawa ang lahat ng makakaya dahil naiinggit sila sa kanilang kapwa. Wala itong kabuluhan; para silang humahabol sa hangin.
5 The fool folds his hands and ruins himself. Hangal ang taong tamad, kaya halos mamatay siya sa gutom.
6 Better one handful with tranquility than two handfuls with toil and a chasing after the wind. Mas mabuti pa ang may isang dakot ng pagkain at payapa ang buhay kaysa sa dalawang dakot ng pagkaing dala ng labis na paghihirap, at para ka lang humahabol sa hangin.
7 Again I saw something fleeting under the sun: May nakita pa ako sa mundong ito na walang kabuluhan.
8 A man alone, no companion, no son or brother; his labor has no end, yet his eyes never fill with wealth. "For whom am I working," he asks, "denying myself good?" This too is a breath—a bad task. May isang taong nag-iisa sa buhay. Wala siyang anak at wala ring kapatid. Pero wala siyang tigil sa pagtatrabaho at hindi nakokontento sa kanyang kayamanan. Sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi na ako nakakapagsaya dahil sa sobrang pagtatrabaho. Pero wala naman akong mapag-iiwanan ng aking mga pinaghirapan.” Wala itong kabuluhan! At napakalungkot ng ganitong klase ng buhay.
9 Two are better than one, because they have a good return for their labor: Mas mabuti ang may kasama kaysa mag-isa; mas marami silang magagawa.
10 If one falls, the other lifts him up. But pity the one who falls alone, with no one to help him up. Kapag nadapa ang isa sa kanila maitatayo siya ng kanyang kasama. Kaya nakakaawa ang taong nag-iisa at nadapa, dahil walang tutulong sa kanya.
11 Also, if two lie down together, they will keep warm. But how can one keep warm alone? Kapag malamig, maaari kayong matulog nang magkatabi at pareho kayong maiinitan. Pero kung nag-iisa ka, papaano ka maiinitan?
12 One alone can be overpowered; two can resist. A cord of three strands is not quickly broken. Madali kang matalo kung ikaw ay nag-iisa, subalit mahirap kang talunin kung may kasama ka. Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla, mahirap itong malagot.
13 Better a poor, wise youth than an old, foolish king who no longer knows to take warning. Mas mabuti pa ang isang batang mahirap pero marunong, kaysa sa isang matandang hari pero hangal at ayaw tumanggap ng payo.
14 The youth may have come from prison to reign, or he may have been born poor within that same kingdom. At maaaring maging hari ang batang iyon kahit siya ay nakulong at ang matandang hari namang iyon ay maaaring maghirap kahit na ipinanganak pa siyang dugong bughaw.
15 I saw all the living who move about under the sun following the youth, the king's successor. Pero naisip ko na kahit maraming tao dito sa mundo ang susunod sa batang iyon na pumalit sa hari,
16 Countless were all the people who came before him. Yet those who came later were not pleased with him. This too is fleeting, a chasing after wind. at hindi mabilang ang mga taong paghaharian niya, maaaring hindi rin masisiyahan sa kanya ang susunod na henerasyon. Ito man ay wala ring kabuluhan. Para kang humahabol sa hangin.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]