Skip to content
The Believer's Library

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025

Ecclesiastes 5 OASD

Show OASD only
Verse × ×
1 Guard your steps entering the house of God. Draw near to listen, not to offer fools' sacrifice—they don't know they're doing evil. Mag-ingat ka sa ikikilos mo kung pupunta ka sa bahay ng Diyos. Mas mabuting pumunta ka roon na handang sumunod sa Diyos, kaysa sa maghandog na gaya ng paghahandog ng isang mangmang na hindi alam kung ano ang mabuti at masama.
2 Don't rush your mouth, and don't let your heart hurry to speak before God—God is in heaven, you're on earth, so keep your words few. Huwag kang pabigla-bigla sa pagsasalita. Mag-isip ka muna nang mabuti bago ka mangako sa Diyos. Alalahanin mo na ang Diyos ay nasa langit at ikaw ay nandito sa lupa. Kaya mag-ingat ka sa pagsasalita.
3 For a dream comes from too much activity, and a fool's voice from too many words. Kung papaanong madaling managinip kapag maraming alalahanin, madali ring makapagsalita ng kamangmangan kung padalos-dalos ka sa iyong pagsasalita.
4 When you vow a vow to God, don't delay paying it—he has no delight in fools. Pay what you vow. Kapag nangako ka sa Diyos, tuparin mo agad ito. Tuparin mo ang ipinangako mo sa kanya dahil hindi siya natutuwa sa mga hangal na hindi tumutupad sa mga pangako.
5 It is better not to vow than to vow and not fulfill it. Mas mabuti pang huwag ka na lang mangako kaysa mangako ka at hindi mo naman tutuparin.
6 Don't let your mouth make you sin, or tell the messenger it was a mistake. Why should God be angry at your voice and destroy your handiwork? Huwag kang magkasala sa iyong pananalita. At huwag mong sabihin sa mensaherong nasa Templo na hindi mo sinasadya ang iyong pangako sa Diyos. Dahil magagalit ang Diyos kung gagawin mo ito at sisirain niya ang lahat ng pinaghirapan mo.
7 For in many dreams and many words there is fleeting vapor. Therefore fear God. Ang sobrang pananaginip at pagsasalita ay walang kabuluhan. Sa halip, matakot ka sa Diyos.
8 If you see the poor oppressed, and justice and righteousness violated in a province, don't be surprised—one official is watched by a higher one, and higher ones stand over them. Huwag kang magtaka kung makita mo sa inyong lugar na ang mga mahihirap ay inaapi at pinagkakaitan ng katarungan at karapatan. Dahil ang mga pinunong gumigipit sa kanila ay inaalagaan ng mas nakatataas na pinuno, at ang dalawang ito ay inaalagaan ng mas mataas pang pinuno.
9 Yet the profit of the land is for everyone; even the king is served by the field. Pero mas lamang pa rin ang nakukuha ng hari sa kita ng lupain ng mahihirap, kaysa sa lahat ng mga pinuno.
10 Whoever loves money never has enough; whoever loves wealth never has enough income. This too is fleeting. Ang taong maibigin sa pera at iba pang kayamanan, kailanman ay hindi masisiyahan. Wala rin itong kabuluhan.
11 As wealth grows, so do those who consume it—what gain for its owner but watching it with his eyes? Kung dumarami ang kayamanan mo, dumarami rin ang nakikinabang nito, kaya wala kang mapapala sa kayamanan mo kundi pagmasdan lang ito.
12 A worker's sleep is sweet, whether he eats little or much; the rich man's abundance won't let him sleep. Mahimbing ang tulog ng isang manggagawa, marami man o kaunti ang pagkain niya; pero ang mayaman, hindi makatulog nang mahimbing dahil sa kanyang kayamanan.
13 I have seen a sickening evil under the sun: wealth kept by its owner, to his harm. May nakita akong hindi maganda rito sa mundo: Ang kayamanang iniipon ng tao ay nakapagpapahamak sa kanya.
14 That wealth was lost in a bad venture, and when he fathered a son he had nothing left to leave him. Nauubos ito dahil sa hindi mabuting negosyo at wala nang matitira para sa mga anak niya.
15 As he came from his mother's womb, naked he returns, going as he came, taking nothing from his labor to carry in his hand. Kung paanong hubad tayong ipinanganak mula sa sinapupunan ng ating ina, hubad din tayong mamamatay. Hindi natin madadala ang ating mga pinaghirapan.
16 This too is a bitter evil: just as he came, so he goes. What does he gain from toiling for wind? Napakalungkot isipin! Ipinanganak tayong walang dala, mamamatay tayong walang dala. Kaya ano pa ang saysay ng mga pagpapakahirap natin? Para lang tayong humahabol sa hangin.
17 All his days he eats in darkness, with much frustration, sickness, and anger. Ang buhay natin ay puno ng kahirapan, kaguluhan, sakit at galit.
18 This I have seen: it is good and fitting to eat, drink, and see good in all the labor one labors at under the sun through the few days of life God gives—for that is one's lot. Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao sa maiksing buhay na ibinigay sa kanya ng Diyos ay kumain, uminom at magpakasaya sa kanyang pinaghirapan habang siyaʼy nabubuhay, dahil para naman talaga sa kanya ang mga iyon.
19 Also, when God gives someone wealth, possessions, and power to enjoy them, to accept their portion and find joy in their labor—that is God's gift. Binibigyan ng Diyos ang bawat tao ng mga pag-aari at kayamanan. Hinahayaan niyang pakinabangan nila ang mga ito para matanggap nila ang para sa kanila at magpakasaya sa mga pinaghirapan nila. Ito ang regalo ng Diyos sa kanila.
20 He will seldom recall the days of his life, since God keeps him busy with the joy of his heart. At dahil ginagawa ng Diyos na abala ang tao sa mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila, hindi sila nag-aalala na maiksi ang buhay nila.
FHB

Scripture from Father’s Heart Bible™. © 2026 Spirit Media Publishing, the imprint of Spirit Media Inc. All rights reserved. In Divine Voice™ Color, the words spoken by our Father show in blue, the words of the Son in red, and the words of the Spirit in purple.

OASD

Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™ Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc. ‌‌ Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc. ‌‌ Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office. Ginamit nang may pahintulot. ‌‌ “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc. Used with permission.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible 2025 · Creative Commons - Attribution-ShareAlike [CC BY-SA]